Chapter Thirty One

203 13 0
                                    

Elizabeth's POV:

Dinala ko sa bahay si Karel. Yan ang pangalan niya. Combination ng name namin ni Karl.

Karel has natural blue eyes and black fur.

Natulog ako nang katabi siya hanggang sa magising ako dahil dinidilaan nito ang mukha ko. Pumasok muna ako sa bathroom para maligo at magbihis bago ako bumaba kasama si Karel.

Nagluto ako ng hotdog, ham at hot chocolate. Binigyan ko rin naman si Karel ng dog food niya.

Bago ako umalis ng bahay ay pinabantay ko siya kay Aleng Inah. Sabi ko ay kapag tumahol siya ay pumasok lang ng bahay si Aleng Inah.

"Pakabait ka Karel ah?" Tumahol ito bilang pagsang ayon.

Nilagyan ko naman ng sobrang dami ang lalagyanan ng pagkain niya bago ako umalis papuntang school. Hindi muna ako sasakay sa kotse ngayon dahil feel ko mag motor.

Sinuot ko muna ang helmet ko bago ko pinaharurot ang motor at umalis. Pagka park ko ay bumaba na ako kaagad. Kasabay kong bumaba ay ang kararating lang din na si Karl.

"Good morning baby boy"

"Good morning baby girl"

Nag kwento kwento siya tungkol sa mga nangyari nung absent ako. Wala naman dw silang masyadong ginawa.

"El?"

Tawag nito sa akin habang kumukuha ako ng mga gamit sa locker ko.

"Hm?"

"Pwede ka ba ulit mamaya?"

Napatigil ako sa ginagawa ko pero pinagpatuloy ko ito ulit.

OMYGHAD!

Eto na ba yun?! Eto na ba?!

OMG!

OMG!

Wag masyadong OA El!

"Oo naman" naka ngiti kong sagot sa kaniya kaya ngumiti rin siya sa akin.

"Slumber party and movie marathon?"

"Ofcourse!"

"Sama mo na rin si Karel"

"Sure"

Nagyaya na rin itong umakyat na kami.

Wala pa rin sina Leigh at ang iba. Pati na rin si Josh ay hindi pumasok ngayon.

Weird

Baka nagkasakit lang? Or tinulungan na si Leigh? Or na late?

Dumating na ang teacher pero wala pa rin si Josh. Baka nga may sakit siya. Bakit ko ba iyun pino-problema?!













Natapos ang buong klase namin. Oh diba ang bilis? HAHAHA!

Excited kasi ang lola niyo!

Nauna akong umalis sa kanila. Dadalhin ko pa kasi si Karel sa bahay nina Karl. And I also need to get some clothes.

I packed my pajamas and uniform. I won't forget dog foods for Karel. Nagbihis na rin ako ng simpleng damit. Over size t shirt na black at jeans.

Nang matapos na akong mag ayos ay napag desisyunan kong tawagan si lola.

After three rings ay sinagot na nito ang tawag. Kausap ko si lola habang hinihimas ko ang ulo ni Karel. Naka upo kami ngayon sa kama ko.

"Konnichiwa obachan" [[Hello grandma]]

Fake BoyfriendWhere stories live. Discover now