Chapter Twenty Three

203 10 1
                                    

Elizabeth's POV:

Uwian na namin ngayon at kasabay ko sina Angel at Karl pauwi. Kasabay ko din namin sina Leigh at ang iba pa niyang members.

Ang tagal na naming magkasama pero hindi ko pa rin alam kung ano ang pangalan ng gang niya.

Hindi pa rin ako pinapansin ng hari. Ano bang problema neto? Bakit ko ba iniisip?! Wala kang paki alam sa kaniya kapag wala si Mary Anne.

Nasa parking lot na kami at malapit na sa kaniya kaniyang kotse nang biglang may palapit na motor sa amin-- sa akin lang pala.

"EL!"

Hindi ako naka galaw bigla dahil sa gulat. Napako lang ako sa kinatatayuan ko. Naka helmet ito at all black na damit. Ang bilis ng takbo ng kaniyang motor. Pero I think hindi niya ako sasagasaan dahil naka ready ang kaliwa niyang kamay para hablutin ako. Familiar din ang hubog ng katawan nito.

Malapit na siya sa akin pero nagulat ako sa sumunod na nangyari. Tumigil ito sa harap ko.

May kasama din siyang dalawang naka motor din pero nasa likod niya lang ang mga ito.

"You're Elizabeth?"

Hindi ako sumagot, naka tingin lang ako ng deretso sa kaniya at inaalala kung sino man ito. Pero parang hindi ako kilala nito kasi tinanong nito ang pangalan ko.

Nabigla ako nang nasa harapan ko na pala si Leigh at si Karl. Hinaharangan ako sa naka motor.

"Anong kailangan niyo sa kaniya?" kalmadong tanong ni Leigh sa naka motor.

"Be ready" pagkasabi niya nun ay bigla nalang ito umalis. Mabuti at hindi siya dumeretso sa amin katulad ng ibang ginagawa ng mga gangsters.

At...

Anong be ready?!

May ginawa ba akong masama?! May kasalanan ba akong ginawa? Anong be ready ba kasi iyun?!

Tsk! Iniba ko lang ang sentence pero parehas pa rin yung tanong.

"Okay ka lang?" sabay na tanong ng dalawa.

"O-okay lang ako"

"May ginawa ka nanaman bang masama Elizabeth?" seryosong tanong ni Karl. Kumunot ang noo ko dahil sa tanong niya.

Anong nanaman ang sinasabi niya?!

"Anong nanaman?!"

"Bakit? Madami ka nang gina--"

Napatigil sa pagsasalita si Karl nang biglang isinigaw ni Matt ang pangalan ni Angel ng paulit ulit.

"Angel!"

Taka ko naman siyang tinignan "Hoy! Anong nangyayari?" kabado kong tanong. He look so worried!

"Kalma pre" pagpapakalma sa kaniya ni Zack.

"Angel is missing"

"ANO?!" sabay sabay naming tanong sa kaniya.

"Nasa likod ko lang siya kanina and then pagtalikod ko wala na siya"

Sheyt!

Saan naman kaya nagpunta ang babaeng iyun?! Hindi yun umaalis ng hindi nagpapaalam.

Tinawagan ko naman ang cellphone niya at naka tatlong ring ito bago niya sinagot.

"Saan ka ba nag pu--"

Napatigil naman ako dahil hindi si Angel ang sumagot sa kabilang linya.

Fake BoyfriendWhere stories live. Discover now