Chapter Twenty Four

198 14 1
                                    

Josh's POV:

"Or should I call you... Gangster Queen?"

Nagtayuan bigla ang mga balahibo ko nang sabihin niya iyun. Kumalabog agad ang puso ko. Mabilis na nagsilabas ang mga pawis ko. At hindi ko rin namalayan na nanginginig na pala ako.

Elizabeth is the gangster queen?! The most dangerous gangster in the whole world?! Kasama namin ang G.Q? At ang mas malala, napag tripan pa!

"Gangster queen?" tatawang tawang tanong ni Elizabeth "Ako? Isang gangster? Oh puhlease! HAHAHA"

"It's the truth" mahinahong sabi nito.

"If I were the gangster queen, that would be so damn cool"

Bago pa maisaksak nung lalakeng naka maskara na itim si Elizabeth, naka talon na ito at lumanding sa likod ng lalake. Pagka landing niya, bigla niya itong sinipa sa likod dahilan para masubsob ang lalake sa semento at nabitawan ang patalim.

Aatake na sana ang mga lalakeng armado pero pinigilan sila ng leader ata nila kaya ibinaba na nito ang mga armas at nanood nalamang.

"Makakalimutin ka na ba huh? Gangster queen?" tumayo ito ng ayos.

"Hindi ko talaga alam ang sinasabi mo"

"ANONG HINDI?! HA?! TANDANG TANDA KO PA ANG MUKHANG NAKATAGO SA PULANG MASKARA!" huminga muna ito ng malalim bago magpatuloy "ANG TAONG PUMATAY SA MGA KASAMA KO!" susugod na sana ito ulit pero may nagpaputok na ng bala ng baril sa kinatatayuan nito. Nagulat nalang ako na pag tingin ko sa likod, nandun ang tatlong miyembro ng White Demons, grupo ng gangster queen.

Nabigla din ako nang makitang nandoon din ang gangster queen. Akala ko ba si Elizabeth ang gangster queen? Eh bakit andito toh? Baka isang imposter? Pero walang tao ang mag lalakas loob na magpanggap bilang ang gangster queen. Dahil isa sa mga batas nito na ang magpapanggap na bilang siya ay may kaparusahan.

At kilala ang white demons sa pagbibigay ng malulupit na kaparusahan. Makakalabas ka nga ng buhay pero hinding hindi ka na masisiyahan sa buhay mo.

Sa likod ni GQ (short for Gangster Queen), nandun sina Leigh.

"At sino ka naman?" inis na tanong nung lalake sa kaniya. Hindi niya ba alam na ganyan ang porma ng gangster queen? Baka nasa isipan pa rin nito na si Elizabeth ang gangster queen?

"Leave her alone" sabi ng G.Q.

"Why should I? Sino ka para pakinggan ko?"

Hindi naman sumagot ang G.Q. Nasa kaniya at sa G.Q ang mga atensyon namin kaya hindi namin napansin na nasa harapan na pala ng lalake si Elizabeth.

"Asan na ang kaibigan ko?" madiin na pagkakatanong ni Elizabeth.

"Hanapin mo" base sa pananalita niya, naka ngisi ito. Bigla nalang siyang pumitik sa ere.

*SILENCE*

Pumitik siya ulit. Bakit ba siya pitik ng pitik?

"Ano b--" hindi niya na natapos ang sasabihin nang pagtalikod niya ay wala nang malay ang tatlong armadong mga lalake.

What the...?!

Sino ang may gawa ng mga iyun? Walang may nakapansin ni isa sa amin na wala na silang malay. Lumapit ako sa tabi ni Leigh na katulad ko ring gulat na gulat. Buti may natira pa akong lakas upang makatayo sa kabila ng mga narinig ko.

"Who did that quietly?" litong litong tanong ni Leigh. Wala namang sumagot sa amin dahil sa gulat.

"Saan ka galing?" nagulat ako sa tanong ni Matt.

Fake BoyfriendWhere stories live. Discover now