Chapter Sixteen

218 15 0
                                    

Elizabeth's POV:

Walang pasok ngayon dahil Intrams Day. May laro si Leigh at ang iba pa ng Basketball. So ako, syempre manonood. Ayaw ko sana pero sabi ni Leigh ay andun si Mary Anne.

So like yung labanan kahapon ay parang opening ng Intrams. Ngayong araw naman ang mga sports game tas may mga booths rin.

Maaga ang laro nila pero na late akong gumising. Ang daldal kasi ni mommy. Ang daming kinwento tungkol sa works and places na napuntahan niya. Kaya ayun, di namin napansin na mag a-alas tres na pala ng umaga. 10 pa naman start ng game nila. 9 ako nagising.

Ghad!

Ang bagal ko talaga! 10:30 na!

Nagmadali akong pumunta sa school at parang may nag hahabol sa kin na aso dahil sa bilis kong tumakbo.

Andito na ako sa court! Tinignan ko ang score at lamang ang kalaban. Tsk... tsk... tsk...

Ang yabang yabang ni Leigh kagabi sa text namin na sila dw mananalo tas tambak sila ng 30 points?! Tsk!

Yabang mo kasi!

Pumwesto ako kung saan di ako masyadong kita.

Hinanap ko si Leigh sa mga nag lalaro, hindi naman ako nabigo dahil nag lalaro siya. Tsk! Naka kunot pa ang noo. Problema nun?!

Pinasa ni Matt ang bola sa kaniya.

"Leigh!"
"Shoot!"
"Kyaahh!"

Mag thre-three points si Leigh. Pero hindi na pasok ang bola.

"Okay lang yan!"
"Go Leigh!"
"Fighting!"

Nagpa break ang team nila Leigh. Tsk... Tsk... Tsk...

Malapit si Mary Anne sa bench nina Leigh. Tsk! San ako pwe-pwesto?! Puno na kasi ang court. Hindi ko rin mahanap si Angel dahil sa dami ng taong nandito. Tsk!

Lumapit si Perla Soap at Eden Cheese kay Leigh, binigyan nila ito ng Gatorade.

Pawis na pawis na rin si Leigh. Tsk! Tsk! Tsk! Kahit ayaw ko, wala akong choice kundi lumapit sa bench nila para gawi ang pag arte ko. Bigla nalang nag bulungan ang mga tao nang makitang papalapit ako sa bench nila.

Buti at nakabili ako ng gatorade para mas maganda ang palabas HAHAHA. Lumingon sa gawi ko ang lahat ng team mates ni Leigh.

"Hi Elizabeth" bati sa kin ni Zack. Nginitian ko lang siya.

"Buti at dumating ka na!" - Matt

"Kanina ka pa hinahanap ni master, ang init nga ng ulo ka--"

Napatigil si Josh sa sasabihin niya kasi sinamaan siya ng tingin ni Leigh. Napakamot nalang siya ng batok niya at nag peace sign.

Ngayon ay nasa akin na ang mga mata niya. Naka kunot pa rin ang noo at masama ang tingin sa kin. Tinaasan ko lang siya ng isang kilay.

Tsk!

Problema mo?

Hinagis ko sa kaniya ang gatorade na binili ko kanina. Nasalo niya naman nang hindi inaalis ang tingin sa kin. Tsk! Aalis na nga ako... Mainit ang ulo ng hari. Baka bugahan pa ako nito ng apoy.

Inirapan ko nalang siya at tumalikod para umalis pero napatigil ako.

"San ka pupunta?" inis niyang tanong.

Lumingon ako sa kaniya gamit lamang ang ulo ko.

"Aalis"

"Sino nag sabi na umalis ka? Dito ka"

Fake BoyfriendWhere stories live. Discover now