Chapter Twenty

228 12 0
                                    

Elizabeth's POV:

Nagising ako ng 7 dahil sa alarm ko. Nagbihis lang naman ako ng simple. Crop top at jeans at white shoes lang naman. Dinala ko na rin ang sling bag ko para ilagay ang mga echeboreche ko sa mukha HAHA.

Saktong pagbaba ko ay 8 na. Hindi naman ako excited, sadyang hindi talaga ako late.

Sus! Sinong niloloko mo?!

Sige na! Lagi na akong late! Importante lang talaga ang pupuntahan ko at kailangang maaga ako! Hindi dahil si Leigh ang kasama ko! Pake ko dun?!

Tinawagan ko si Leigh kung asan na siya, ang sabi niya ay nasa labas na dw siya ng bahay kinakausap ni mommy.

Nagpaalam na kami sa kaniya na aalis na kami. Binuksan ko ang pintuan ng kotse niya at umangkas na. Nagpa music siya dahil ang tahimik namin. Walang imikan kung baga.

Sinabi ko naman sa kaniya kung saan ako pupunta, buti at alam niya kung saan iyun kaya natulog nalang muna ako kasi mahaba pa ang byahe.












"Elizabeth" nagising ako dahil sa tawag na iyun ni Leigh. Napa mulat ako, nandito na pala kami.

Tinanggal ko na ang seat belt. Lalabas na sana si Leigh pero pinigilan ko siya.

"Stay here"

Taka niya naman akong tinignan na naka kunot pa ang noo.

"Why?"

"Bawal ka sa loob"

"Bakit??"

"It's private and you're not allowed to enter this building"

Hindi ko na hinintay ang sagot niya at bumaba na ako. Tinignan ko ang likod ko para makumpirma na hindi siya sumunod sa kin. Nang makumpirma kong hindi niya nga ako sinusundan ay pumasok na ako sa loob ng building.

*******

Leigh's POV:

Hindi ko na sinundan sa loob si El baka kasi magalit sa kin. Seryoso pa naman siya nung sinabi niya na bawal ako sa loob.

Kaya nag cellphone nalang ako para hindi ma bored. Nang bigla nalang may nag ring na phone.

Tinignan ko kung kanino yun. Napatingin ako sa katabing upuan ko at nakita doon ang phone ni El.

Isang unregistered number ang nakalagay dito.

Hindi naman masama kung sagutin ko diba? Malay mo nakiki tawag lang si El dahil naiwan niya ang phone niya. Kaya sinagot ko na ang tawag at nilagay na ito sa tainga ko.

"Hello?" panimula ko.

Walang sumagot sa kabilang linya kaya tinignan ko kung on call pa. Bigla nalang may kumatok sa bintana. Kaya pinatay ko na agad ang tawag.

Napatingin din ako sa may kumatok, si El lang pala. Kaya binuksan ko na ang pintuan at pumasok naman siya.

May dala siyang black na bag na malaki. Inilagay niya iyun sa likod.

"May tumawag nga pala sa'yo"

Napatigil siya sa pag suot ng seatbelt at tumingin sa akin.

"Sino?"

"Unregistered number eh"

Kumunot bigla ang noo niya "Sinagot mo?"

"O-oo" ang seryoso niya naman.

"Nagsalita ka?"

"O-oo" lalong kumunot ang noo niya.

"Tsk! Where's my phone?"

Fake BoyfriendWhere stories live. Discover now