Chapter Fifteen

224 15 1
                                    

Leigh's POV:

Nasa lungga na ako ng gangster queen. Masyado itong tago para matunton ng mga kalaban. Nasa kalagitnaan kasi ito ng bundok, wala din masiyadong tao ang pumupunta dito. Mga malalapit lang sa kanila ang nakaka punta dito, kung hindi naman, nilalagyan nila ito ng piring upang hindi malaman.

Tama nga yung gang mate ko, may mga kalaban ang pumunta dito. Dahil sa labas palang ay may mga injured na tao. Di ko alam kung bakit hindi pa sila patay eh etong grupong kinakalaban nila na ito ay ang pinaka malakas na gang sa buong mundo.

Nagtataka rin ako na bakit ang tahimik?

Pumasok ako sa bahay na iyun, oo tama, bahay yun. Malaking bahay, ang yaman nga ng leader nila eh. Nasa kanila din ang Gangster Queen kaya ganun talaga sila ka lakas. Hindi ko pa nakikita ang queen, ang mga gang mate niya palang ang nakaka kita sa kaniya. Pero ang alam ko ay wala pang kahit sino ang nakakaalam ng mukha niya dahil may maskarang pula ang kaniyang mukha.

Pagpasok ko ay sobrang tahimik din. Wala man lang gulo ang loob ng bahay. Napalingon ako sa back yard kasi may narinig akong putok ng baril.

Pumunta ako dun at hindi ako nabigo dahil andun nga silang lahat.

Nabigla ako dahil may mga naka luhod na tao sa harap nila at naka black na maskara. At mas nabigla ako dahil nasa harap nila ang queen. May hawak itong baril na nakatutok sa gitnang lalakeng naka luhod. Ang mga kasamahan ng queen ay nasa likod niya lang.

Ngayon ko lang nakita ang queen kaya sobra talaga ang gulat ko.

Nakita ko si Zack na malapit sa tabi ng queen.

"Answer me" mahinahong sabi ng queen sa lalake.

Binuksan ko ang pintuan at nagulat ako dahil ang mga tingin nila ay nasa akin na. Tsk! Ang lakas ng pakiramdam nila. Wala kasing tunog tong pintuan pag binuksan kaya nagulat ako nang napatingin sila sa kin.

Napa lingon ako kay queen at kumalabog ang dibdib ko ng nakita ko siyang naka tingin rin sa kin.

Dahan dahan akong lumapit kay Zack na nasa tabi ni queen. Hindi pa rin nila inaalis sa kin ang kanilang mga paningin. Lalo na ang queen.

Naputol lang iyon ng biglang tumawa ang lalake.

"Kala ko patay ka na queen! San ka galing? Kamusta ka naman?" hindi man lang sumagot ang queen at naka tutok pa rin ang paningin sa lalake.

"Ano ba yan queen! Ilang taon na tayong di nagkikita di mo man lang ba ako kaka--"

"I don't talk to strangers" mariin na pagkakasabi ng queen.

"Hindi na ako stranger sa'yo queen, we met a lot of times, kahit true identity mo ay nakakasagupa ko kahit saan"

Nabigla kaming lahat sa huling sinabi nito. Pero kalmado pa rin ang queen.

"ie, anata wa watashi o shiranai" [[No, you don't know me]]

Hindi ko makita ang expression nilang dalawa dahil may maskara ang queen at ang lalake.

Ni hindi ko nga maintindihan ang sinabi ng queen.

"I'll give you a chance to escape, and don't ever comeback" pagbabanta ng queen sa lalake.

Napalunok ako dahil sa pananalita ng queen. Kaya pala takot sa kaniya ang mga gang mates niya at ang mga kalaban. Sa pananalita niya palang ay nakakatakot na.

"Then, see you when I see you queen" tumayo na ang lalake at ang kaniyang mga kasamahan, aalis na sana sila ng putukan ng queen and dadaanan nila kaya napatigil sila.

Fake BoyfriendWhere stories live. Discover now