Chapter Thirty Seven

192 10 0
                                    

Leigh's POV:

1 month later...

"Master! Master!" malapit na akong matumba dahil sa malakas na pagtulak sa akin ni Josh sa likod.

"What the fvck Josh?!"

Nag peace sign lang ito dahil nakita niyang masama ang tingin ko sa kaniya. Nagpatuloy nalang ako sa paglalakad papuntang classroom.

"Master may sasabihin ako" ang dami mo na ngang sinasabi eh.

"Ano yun?"

"Alam niyo na ba na--"

"Di ko pa alam" pamimilosopo ko sa kaniya.

"Di mo pa nga ako pinapatapos eh" nag pout lang ito kaya ang sarap suntukin ng labi niya. Tsk!

"Where's Zack and Matt?"

"Nasa main headquarters ng White Demons" napatigil ako dahil sa sinabi niya. Ang main headquarters ng white demons ay sobrang laki. Kung malaki na ang kanilang head quarters eh mas malaki pa yung nandun.

"Bakit sila nandun?"

"Pinapatawag ang lahat ng gang and I already expected na hindi mo yun alam dahil si Elizabeth lang ang laging laman ng utak mo HAHAHA"

Binatukan ko ito ng napakalakas kaya sumigaw ito sa sakit. Babatukan ko na sana siya ulit pero nag ring ang phone niya.

"Hello... Sinabihan ko na... Papunta na kami... Bye~"

Inend na nito ang tawag at tumingin sa akin.

"Kailangan na nating makarating doon master, mukhang may malaking problema ang nangyayari"

Tumango lang ako sa kaniya at patakbo kaming sumakay sa kaniya kaniyang mga kotse namin. Nagmadali kaming pumunta dun dahil kapag pinapunta lahat ng gang ibig sabihin ay may ia-announce o may malaking problema.

Ilang oras din ang byinahe namin ni Josh bago kami makarating sa lugar na iyun. Parang probinsiya yung lugar dahil maraming mga palay na nakapalibot sa bahay ng main headquarters pero sa labas lang iyun.

Pumasok kami sa napakalaking gate ng lugar na iyun at pagpasok mo ay parang may forest sa lugar na iyun dahil sa kaliwa't kanan ay maraming puno ang madadaan mo. So nasa gitna ang road to the castle.

Pagkatapos namin madaanan iyun ay pumasok nanaman kami sa mas malaking gate at makikita mo ang mala palasyong bahay.

Napaka yaman talaga ng gang na ito.

Nag park kami malapit sa kotse nina Zack at Matt at patakbo kaming pumunta sa field ng lugar. Marami ring mga tao ang nagsitakbuhan.

Hindi kami nahirapan ni Josh na hanapin ang gang namin dahil winagayway nito ang mga kamay hanggang sa mapansin namin sila.

"Bat ang tagal niyo?" rinig kong bulong ni Matt nang makalapit na kami.

"Na traffic lang pre"

Tumahimik na ang buong paligi dahil naglakad na ang gangster queen sa gitna. Ramdam mo ang nakakatakot na aura nito habang naglalakad.

She always wear her red mask. Sino kaya ang taong iyan?

"I'll be straight forward why I called everyone of you today" pagsisimula nito. Ang kalmado ng boses niya pero nakakatakot.

Sinenyasan niya ang isang tao. Nagulat kaming lahat ng biglang pumasok ang leader ng Phantom. Si Ten.

Fake BoyfriendWhere stories live. Discover now