Ember

13.7K 275 12
                                    

NANG makatapos ng pag-aaral si Ember, binigyan siya ng puhunan ng stepfather niya para makapagsimula ng kahit anong negosyong magustuhan niya.  Napili niyang magbukas ng isang gift shop sa harap ng isang malaking university na nasa tabi mismo ng highway.  Maganda ang takbo ng negosyo niya at talagang nag-eenjoy siya dito.

Isa na lamang ang nakapaghahatid ng lungkot sa kanya sa mga oras na iyon, ang dating nobyo niyang si Wendell.  Halos isang taon din naman ang relasyon nila ng lalaking iyon.  Ilang beses na ba silang naghiwalay?  Tatlo? Apat?  Pero ang mga tampuhang iyon ay hindi tumatagal, sinusuyo din agad siya ng lalaki makalipas ang ilang araw.  Pero sa kasong ito ay malabo na yatang magkabalikan pa sila.  Tatlong linggo na itong hindi nagpaparamdam mula nang huli silang magtalo.

Sampung minuto bago mag-alas-otso ng gabi nang dumating ang nobyo.  Humalik ito sa pisngi niya at hinapit siya sa beywang.  “I’m sorry, I’m late again.”

“Saan mo ako ide-date ngayong gabi?”  Nakita niya ang kakaibang kislap sa mga mata ng binata.

“Anywhere you want.”

Nag-dinner sila sa isang bagong bukas na hotel.  Malalim na ang gabi nang magyaya ang binata.  Nang makapagbayad ito ay hinila na siya nito patayo.  Pero napansin niyang hindi sila palabas ng building, kundi papasok sila sa back entrance ng hotel.

Kinakabahang nilingon niya ito.  “Saan tayo pupunta?”

Hindi sumagot ang binata.  Mahigpit ang kapit nito sa palad niya.  Nang makapasok sila sa isang silid ay doon pa lamang siya nito binitawan.

It had been a lovely evening, and she didn’t want to spoil the moment.  Huminga siya nang malalim at sinulyapan ang malapad na kama.  Pilit niyang pinakalma ang sarili.  Itinanim sa isip na mahal niya si Wendell, at ibibigay niya ang anumang ikaliligaya nito.

Nang simula siyang halikan ng nobyo ay nanayong lahat ng balahibo niya sa braso.  Hindi dahil sa excitement, kundi dahil sa takot sa susunod na mangyayari.  Kahit ano'ng gawin niya ay hindi niya makumbinsi ang sarili na ayos lang ang gagawin niyang ito.  Tama bang maramdaman niya ang ganoon sa mga bisig ng nobyo niya?  Something was terribly wrong!

“Wendell...”  Inilayo niya ang mukha dito.

“Let’s just talk later, honey.”

“I...  I can’t do this.”

Tumigil ang binata at tinitigan siya nang matiim.  “What is wrong with you?  Are you frigid?”

“I’m sorry.  I’m not...”

“You’re not yet ready, for God’s sake!  Paulit-ulit na lang ang eksenang ito.  When is the right time for you?  Sobra na 'yan, Ember.”

“Akala ko ba ay nagkasundo na tayo tungkol sa bagay na 'to, Wendell?  You will wait until I’m ready.”

“I can’t wait any longer!  I want you, Ember.”  May halo nang pakiusap ang tinig nito.

“Bakit kailangan mo akong pilitin sa bagay na ayaw kong gawin?”

“Honey, please...”  Niyakap siya nitong muli at hinagkan nang mapusok sa mga labi.  Naglakbay pa ang mga halik nito, pilit ginigising ang nagyeyelo niyang damdamin.

“Wendell!  Kapag itinuloy mo ito, I will hate you forever.” 

Sukat doon ay binitawan siya ng lalaki.  Nagbuntong-hininga ito nang pagkalalim-lalim. 

“Iuwi mo na ako.”

Habang nasa daan ay tahimik sila pareho.  Kahit paano ay nakokonsensya siya sa nakikitang disappointment ni Wendell.  Hindi na niya mabilang kung ilang beses na nila pinag-awayan ang bagay na iyon. 

“Gusto mo bang magkape muna?”

“Gabi na.”

“Wendell...”

“I can’t wait forever.”  Iyon ang huling sinabi nito bago nito binuksan ang pinto ng kotse at pinababa siya.  Paharurot nitong pinatakbo ang sasakyan palayo sa lugar na iyon. 

Ilang beses niyang tinawagan ang nobyo, pero isa man sa mga tawag niya ay hindi nito pinagkaabalahang sagutin.

“Hoy!  Down on memory lane ka na naman, bruha!  Halika na, iwan mo na si Grace dito,” pangungulit ng kaibigan niyang si Sarah. 

Magmula ng maging kaklase at kaibigan niya si Sarah sa kolehiyo ay naging Ember na ang nickname niya.  Kinuha nito iyon sa pangalan niyang September.  Masyado daw kasi pa-twitams ang pangalang Timmy at hindi bagay sa itsura niya. 

“Kailangan mong makisalamuha ulit sa mga tao para mawala sa isip mo ang Wendell na ‘yon.”

“Oras ng labasan ng mga estudyante ngayon.”

May pumasok na isang grupo ng mga kolehiyala.

“Ang cute niya!  Mabuti na lang at sumali ako sa It’s a Date. I met my Prince Charming,” kinikilig na sabi ng isa sa mga ito habang namimili ng dress.  “Eto, sa tingin mo’y okay na ‘to?”

“Talagang bibili ka pa ng bagong dress para sa next date ninyo?” natatawang sabi ng isa pa.

“Dapat kong paghandaan ang date na iyon.  Who knows, baka siya na ang destiny ko. 

Nabasa mo ba sa Facebook iyong story nina Francis at Girlie?  Nakakakilig, ano?  Sa programang iyon lang sila nagkakilala, tapos nauwi sa kasalan!”

Nagkatinginan sina Ember at Sarah.  Hindi na kailangan pang sabihin ng kaibigan niya ang ideyang naglalaro sa utak nito nang mga oras na iyon, kitang-kita niya iyon sa kislap ng mga mata ng dalaga.

Fall All Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon