Morning After

11.9K 309 6
                                    

CHAPTER  ELEVEN

PANAY ang lingon ni Ember sa orasan.  Inaantok siya, but memories of the previous night kept her mind awake.   Napabungtonghininga siya.  This is it, self-destruction in the making! 

It had been hours mula nang maghiwalay sila ng binata.  Hindi pa sumisikat ang araw nang lisanin niya ang apartment nito.  Ngayon ay hindi siya mapalagay at panay ang tingin niya sa cellphone para tiyaking full bar ang signal nito.  Umaasa siyang anumang oras ay makakatanggap siya ng tawag or mensahe mula sa binata.

Kalahating oras pa ang nagdaan nang makatanggap siya ng text message mula dito.  Daig pa niya ang teenager na paulit-ulit na binasa ang laman nito.  She was overwhelmed, at hindi niya tuloy alam kung paano sasagot dito.

Hi!  Just woke up.
How could you sneak out of my bed?
Wish you were still here.
Miss you already.

********************************

ISANG tawag sa cellphone ang nakaputol sa pagbabalik-tanaw ni Cyd sa maiinit na tagpo nang nakaraang gabi.  Mabilis niyang pinatay ang shower at tinakbo ang unit sa coffee table, hindi niya pansin ang nagkalat na basa sa sahig ng silid.  Nadismaya siya nang makitang iba ang caller niya.  Itinapis niya muna sa beywang ang hawak na tuwalya bago dinampot ang cellphone.

“Dad, what’s up?”

“Your flight is in three hours.  Where on Earth are you?”

Napasinghap siya nang malakas.  “Damn!  I totally forgot about it!”

  “How could you forget your trip to Boracay?”

Napahagod siya ng batok.   “I’ll see you at the airport, Dad.”

Ilang taon na ang nakaraan ay kamuntik ng maghiwalay ang mga magulang niya.  Dapat sana ay nasa business trip sa Macau noon ang ama niya, pero nahuli ito ng ina sa probinsya na may kasamang babae.  Ora mismo ay binitbit siya ng ina papuntang Amerika. Nagtagal din sila doon ng halos isang taon bago ito nakumbinsi ng ama na bumalik. Pero hindi na nagbalik pa ang tiwala ng ina dito.  Kaya sa tuwing may programa ang ama para sa mga kliyente nito na gaganapin out of town ay automatic na siya ang pinapasama.

Paalis na siya ng bahay pero wala pa rin siyang natatanggap na reply mula kay Ember.  Siguro ay tulog pa ito.  Kanina pa kating-kati ang mga daliri niya at hindi siya mapalagay.  Nagpasya siyang tawagan na ang dalaga.

“Hey.” Ember’s husky voice was enough to raise his body temperature.  Bigla ay gusto niyang tumapat ulit sa ilalim ng shower.

“Hey, did I wake you up?”

“Pinutol mo ang panaginip ko.”

“Oopps, sorry!  I can come over and finish it.”

“Finish what?”

“Your dream.”

“Sa tingin mo ba’y ikaw ang lamang ng panaginip ko?”

“Wala ng iba.  In your dream, I was about to kiss you.  Too bad that your nasty cellphone woke you up.  And then you whispered, ‘damn, it was just a dream!’” 

Narinig niya ang mahinang tawa ng dalaga.  “At ngayon ay nangangarap ka na magkatotoo ang panaginip na iyon.”

“Paano mong nalaman?” pagsakay ng dalaga sa biro niya.

“Because I’m wishing the same thing.”

“Really?  So what should we do about it?”

“I’m dying to make love to you again, baby, but I can’t.  You’re too sore.  Isa pa, kukulangin na ako sa oras.  I have a plane to catch.  Mawawala ako ng ilang araw.”

“Ow...  Gano'n ba?”

“I have an errand for my Dad, hindi ko lang matanggihan.  I’ll see you as soon as I’m back, okay?”

“Okay.  Ingat ka sa biyahe.”  Nawalan ng sigla ang boses ng dalaga. 

“How about a quickie?”  Saka niya sinundan ng pilyong tawa.

“Forget it.”

“Okay.  A French kiss?”

“Gusto ko pang matulog ulit.  Tama ka, I feel so... so out of order.”

Bahagya siyang natawa sa sinabi nito.  “Dadaanan kita diyan.  A kiss will make you feel better.”  He doubted his own words.  He would definitely not settle for one kiss.  That would only mean torture for both of them.

“Huwag na, magpapahinga na ako ulit.”

“I want to see you.”

“Pagbalik mo na lang.  Have a safe flight.”

“Take care of...”  She was already disconnected.  Tinignan ni Cyd ang cellphone at huminga nang malalim.

   He knew Ember. Alam niya kapag nagtatampo ito. Babawi na lamang siya sa dalaga pagbalik niya.

Fall All Over AgainWhere stories live. Discover now