First And Last

23.4K 613 125
                                    

TINAWAGAN ni Ember ang numero ni Cyd.  Hinablot niya ang lumang lata ng biscuit at tinakbo ang pinto. 

“Hello,” sagot ng baritonong tinig na nakapagpakabog ng dibdib ni Ember. Hindi kilala ng lalaki ang bagong numerong gamit niya.

“Cyd?”  Basag ang boses niya dala ng matinding emosyon.

“Sorry, I’m busy right now.  Just talk to Marcus.” Hindi siya nakilala ng binata. Akala nito ay isa lamang siyang kliyente kaya ipinapasa siya sa partner nito.

“Wait! Third, it’s me...”  Humigpit ang kapit niya sa cellphone.

“Ember?” mabilis na sabi nito.

“Puwede ba tayong mag-usap?”  Walang sagot mula sa binata.  “Importante lang.  Pupuntahan kita.”  Pagbukas niya ng pinto ay kamuntik pa siyang mapasigaw dahil naroon sa mismong harap niya ang kausap.  “Holy crap!  What are you doing there?”

“Talking to you.”  Saka nito ini-off ang hawak na cellphone.

“Gaano ka na katagal nandiyan?”

“A while ago.”

“Why?”

“I’m not giving up easily.”

“Explain this.”  Idinuldol niya sa tiyan nito ang hawak na lata.  “You cheated.”

“Hindi ka rin sumunod sa usapan.  Binuksan mo 'yan na wala ako.”

“Kailan mo hinukay 'yan?”
“Isa sa mga panahong nandoon ako na nag-iisa.  I was so lonely and so mad at you.  You left without a word, Ember.”

“Nag-iwan ako ng sulat para sa ’yo.  Nandoon ang kumpletong pangalan at address ng nilipatan namin ng Nanay.  I waited for you.”

“Wala akong natanggap na sulat, Ember.  Taon-taon ay umuuwi ako doon, nagbabaka-sakaling napasyal kayong mag-ina.  Kung sino-sino ang pinagtanungan ko pero walang nakakaalam kung saan kayo nagpunta.”

“Ang sabi ni Aiza ay siya mismo ang nag-abot sa ’yo ng sulat.”

“Hindi totoo 'yon!  Look, Ember, that was all in the past.  Magsimula tayo ulit.”

“Your Dad...”

“I don’t wanna hear about it.  Tapos na ‘yon.  Hindi na natin maibabalik. You’re all that matters to me now.”

“You have to hear this.”  Ikinuwento niya dito ang paliwanag ng nanay niya.

“That was... a relief." Nagbuga ito ng hangin. "Ngayon ay wala na tayong magiging problema sa kanila. But," tinitigan siya nito nang diretso. "Mapapatawad mo pa ba ang Mommy sa nagawa niya sa ’yo?”

“How can I hate the woman who gave me you?”

Kumislap ang mga mata nito sa tuwa.  Sa isang iglap ay nakulong siya sa mga bisig nito.  “I love you, Ember.  And I’ll keep on falling in love with you for the rest of my life.  Will you marry me?”

Nagulat siya sa tanong na 'yon. 
Inilayo siya nito nang kaunti para makita nito ang reaksyon niya.  “Please say something.”

Kumurap siya nang sunud-sunod para pigilan ang nagbabadyang mga luha.

“Timmy.  Pia. Ev...”

“Don’t you dare!” malakas na warning niya.

He almost laughed.  “Then answer me, baby,” he begged.

“Where’s the ring?  How could you propose without a ring?” Nameywang siya.

Napakamot ito sa ulo.  “Puwedeng to follow na lang?  Biglaan kasi ‘to, eh.  Akala ko magpapakipot ka pa.  Pero sige, I’ll propose again tomorrow.”

“Puwes, bukas din ang sagot ko.”

“Ember!”

“Kiss me, idiot!”

Doon pa lamang kumawala ang tawa nito.  He kissed her thoroughly. “Lord, it feels like home again.  I missed you so much, Ember.  Batang paslit ka pa lamang ay pinapangarap ko na ang mga labing 'yan.  Look how lucky can I get.” 

“Pedophile!” Kinurot niya ito sa tagiliran.

“Okay, ibinibigay ko na ang blessing ko sa inyo.”  Lumapit ang nanay niya.

“Me, too,” segunda naman ng ina ng binata.

“Mommy!  What are you doing here?” gulat na sabi ni Cyd.  Ni hindi nito namalayan mula pa kanina na may audience sila.

“I’ll give you time to kiss and make up.  Magtutuos muna kami ng magaling na ama mo.  Hindi ko akalaing ang talipandas na secretary ng Tito George mo sa Bataan ang naging babae nito.”  Lumabas na ito, kasunod si Mercedes.

“Civil war again!” Natapik ni Cyd ang noo.

“Don’t do that to me.”

“Never.  From this moment on ay ikaw na lang ang nag-iisang babae sa buhay ko.”

“I lied to you, Cyd, walang ibang lalaki sa Singapore.  You are my only love.”

  “And you are my love of a lifetime.” He kissed her gently on the forehead.  “I was your first kiss, and definitely, I will also be your last.”

                 =THE END=

❤💓💕💖💗❤💓💕💖💗❤💓💕

Thanks for reading, guyz 😘
Check out Ethan's story. Hope you will like it, too 😁😊😘

https://www.preciousshop.com.ph/home/

https://www.facebook.com/dwayne.izobelle.phr/

Fall All Over AgainWhere stories live. Discover now