Can You Be My Baby?

12.2K 312 6
                                    


“HEY!  I'M BACK!” boses ni Cyd sa kabilang linya.

“Napatawag ka?”  malamig na tanong ni Ember dito. 

“Ano ba namang klaseng tanong 'yan?  I was not around, but I always call.”

Noong huli nga siyang tawagan ng binata ay may narinig siyang boses ng babae sa background na tumawag sa pangalan nito bago nagpaalam ang lalaki. May kasamang babae si Cyd sa Boracay.  Of course.  What would Cyd Lorenzo III do in Boracay alone?  Some errand for his Dad! 

  Eh, bakit ba siya nagagalit?  Hindi naman siya nito kaano-ano.

“What do you want?”

“Can I come over and pick you up?”

“Aren’t you done with me yet?”

“Kung magsalita ka ay parang sanay na sanay ka sa ganyang set-up,” natawa ito.  “No, I haven’t got enough of you yet.  I’ll be there in fifteen minutes.  Bye.”

Kahit matindi ang inis ni Ember sa binata ay hindi niya mapigilan ang matinding pananabik na makita ito.   Mabilis siyang naligo.  She picked a white floral blouse na sleeveless at hapit sa katawan ang pagkakayari, at moss green mini skirt.

Pagpasok niya sa sasakyan ng binata ay sinalubong siya agad nito ng isang maalab na halik.
“I terribly missed those lips!”

“Like I believe you.”

“Huwag ka ng magtampo, please.  Babawi ako sa ’yo.”

“Saan tayo pupunta?”

“May bibilhin lang tayong kulang na sangkap sa kare-kare, tapos uuwi tayo sa bahay.  We can spend the rest of the day in bed.” Kinindatan pa siya nito, inabot ang palad niya at pinisil.

Huminto sila sa malaking grocery store along the highway.  Pabalik na sila ng sasakyan nang biglang bumuhos ang ulan.  Matagal silang naghintay sa paghinto nito, pero lalo lamang itong lumalakas.

“I want to run in the rain!”  saka siya lumusong sa ulan.  Tuwang-tuwa niyang itinapat ang mukha sa langit.  Itinaas pa ang dalawang palad para isahod sa ulan. 

Sumunod si Cyd matapos ipasok sa loob ng plastic bag ang pitaka.  “You’re crazy!”

Magkahawak-kamay silang tumawid at tumakbo pabalik sa nakaparadang sasakyan.  Pagdating sa tapat ng van ay hindi pa sila agad pumasok.  They lingered under the heavy rain.  Cyd wrapped his arms around her and kissed her passionately, habang patuloy ang tulo ng tubig sa mga mukha nila.

Binuksan ni Cyd ang pinto sa gitna ng Fortuner at ipinasok siya doon.  Hindi naging hadlang ang mga basang kasuotan at ang masikip na sasakyan para bigyang laya ang pananabik nila sa isa’t-isa.

“I missed you,” bulong nito sa kanya habang hinahalikan ang punong-tainga niya.

Cyd was so tall at halos magkanda-baluktot ang binti nito sa pagpipilit na magkasya sa upuan.  Finally, she ended up astriding him. He was gripping her hips so tight.  She heard him groaning.  She heard herself moaning.  It was symphony, sumasabay sa malakas na buhos ng ulan.

“Enough, baby!”  Isinubsob nito ang mukha sa dibdib niya.  “Your name describes you well, Ember... like a burning coal.  I want to take you right now, but you deserve so much more than this.”  He gazed at her, desire still burning in his eyes.  “I love you, Ember,” he proclaimed with certain conviction.

Napanganga siya doon.  Madami nang nagsabi sa kanya ng ganoon.  But coming from Cyd now was the last thing she expected.  “You don’t mean that.  Hindi mo kailangang...”

“I’ve never felt so contented, so carefree and so lost in someone’s arms before.  It feels so good, Ember.  I love you.” 

“You were with another woman in Boracay.”

“Paano mong...  Okay, guilty as charged.” 

“Sinabihan mo rin ba siya ng ganyan?”

“Wait, correction... women.  I was with a group of women, our clients.  And no, wala akong ibang pinagsabihan ng ganyan.  Please believe what I say.”

Ibinaba siya nito sa upuan at dumukwang para kunin ang isang bagay sa dashboard.  Iniabot nito iyon sa kanya.

It was something familiar.  A small blue box with yellow ribbon.  Binuksan niya iyon at lumitaw ang isang maliit na teddy bear figurine.  Natawa siya nang malakas.  “Oh, dear!  You’re cheap!”  Hinampas niya ito sa balikat.  “Seventy pesos lang ang puhunan nito.”

“I bought that one hundred and fifty, plus the tip,” nakaplaster ang pilyong ngiti nito sa mga labi.  “It’s the message that counts.  Can you be my baby?”

Tumawa siya ulit nang malakas at niyakap ang binata.

“Huwag ka nang magpakipot.  Any moment from now, we will be towed from this highway.  Makakasuhan pa tayo ng public scandal or mapagkakamalang sex perverts.”

Tumingin siya sa labas ng heavily tinted glass window.  Huminto na rin ang ulan.

“Ano?  Sagot na!  I can’t wait to go home and finish what we started.”

“Ano pa ba ang magagawa ko?  Paulit-ulit mo nang sinamantala ang kahinaan ko.”

“Say that you love me, baby.”  His eyes sparkled with affection.

“Yes, I love you!”

“Does that mean you’re completely over him now?”

“Si Wendell?  Maniwala ka man o hindi, I was over him even before I saw you.”

“Kung gano'n ay bakit umiiyak ka noon sa ospital?”

“Dahil inakala ko na kasabwat ka sa panloloko nila.  I thought I’d lose you again.”

He kissed her forehead.  “Hindi na tayo magkakalayo pa ulit.  I won’t allow that to happen.  Hindi pa kayo nagkakilala ng Mommy noon, right?  You will meet her today.”

Fall All Over AgainWhere stories live. Discover now