Confession

12.6K 327 8
                                    

              CHAPTER NINE

DALAWANG linggo ang lumipas na hindi nagparamdam si Cyd.  Sa tuwing tutunog ang door chime sa shop ay parang tinatambol ang dibdib niya sa tindi ng excitement, pero lagi na lang siyang disappointed.  Ano ba ang nakapagtataka doon?  Lagi naman gano'n ang lalaki kahit noon. Susulpot at mawawala.  Siya lang naman itong walang kasawa-sawang naghihintay sa wala.

“May get-together ang tropa sa bahay this coming Saturday.  Can you join us?” 

Sabay pa sila napatingin ni Grace sa pinto ng shop.  Kung kailan naman hindi na niya inaasahan ang binata ay doon naman ito biglang sumulpot.

“Oh, you’re still alive!”
“Sorry, got so tied up.  Actually paluwas ako ng Manila ngayon, napadaan lang ako dito.
See you on Saturday.  Susunduin kita dito ng six ng hapon.”

Tumalikod na ito.  Pero bago pa ito nakalabas ay muli itong lumingon.  “Wear that dress.”  Inginuso nito ang printed yellow summer dress na manipis ang straps, hanggang itaas ng tuhod lamang ang haba nito.  Bagsak ang tela kaya hapit na hapit sa katawan ng mannequin sa display window. “Designed perfectly for you.”  Then he walked out of the door.

“Huh! Iyon lang ang ipinunta niya dito?”

“Malamang, Ate.  Huwebes na ngayon.  Huhubaran ko na po ba ang mannequin?  Last
stock na natin iyan. Ako na po ang maglalaba niyan para sa ’yo,” pambubuska ng tindera niya.

“Hindi ako magsusuot ng ganyan.”

“Pustahan tayo?  Huwag na po at baka malugi ka pa. Idagdag mo na lang iyon sa bonus ko sa Pasko, ha?” walang pakundangan nitong hinubaran ang kawawang mannequin.  “Dapat po kasi ay pinapili mo si Sir.  Madami pa naman tayong summer clothes na mas sexy ang tabas kesa dito.  Sabagay, kung ikaw ang magsusuot nito ay tulo-laway na sigurado ang jowa mo!”  patuloy ang pagsasalita nito habang sinusuotan ng panibagong dress ang mannequin. 

  "Hindi ko siya boyfriend," pagtatama niya dito.

  "Fine! Hindi pa daw!"

********************************
PAGDATING ng Sabado ay para siyang kiti-kiti na hindi mapalagay sa kinalalagyan.

“Parang ang aga pa naman, ano?  Ayaw mo po bang mag-merienda muna, Ate Ember?  Nagugutom na ako, eh," reklamo ni Grace.

“Mag-order ka na ng merienda mo.  Hindi ako kakain.”

“Ibang klase ka naman pala kapag na-in love, daig mo pa ang sawi sa pagpa-fasting.”

“Anong in love?”

“Ngayon lang kita nakitang ganyan kaganda, Ate Ember, kaya kahit magtodo-deny ka ay hindi ko paniniwalaan.  Ikaw na ang blooming!”

🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋

“READY?”  Sumungaw ang guwapong mukha ni Cyd sa glass door.  Eksakto alas-seis ng hapon.

Huminga muna siya nang malalim bago dinampot ang bag.  Nang makasakay na sila sa sasakyan ng lalaki ay hindi siya mapakali.

After that brief and innocent kiss they shared ay nailang na siya dito.  She suddenly felt suffocated just by having him in close proximity.  Iniwas niya ang paningin dito at halos sumiksik siya sa pinto ng sasakyan para hindi nito marinig ang malakas na pagkabog ng dibdib niya.

“Relax, I won’t eat you,” natatawang sabi nito nang lingunin siya.  “You will meet my new set of friends there.”

“Any special occasion?”

“Wala naman.  We usually hang out in my place every Saturday night.” 

Tahimik sila hanggang sa marating ang bahay ng binata.  Sinalubong sila ng isang lalaki na tumapik sa balikat ni Cyd.  Hindi nakaligtas sa kanya ang pagkindat nito.

“This is Ember,” pagpapakilala nito sa kanya.

“Hi, I’m Marc.  Glad to meet you, Ember, finally.” Iniabot nito ang palad na tinanggap naman niya.

Isa-isang ipinakilala ni Cyd ang mga kaibigan nito.  “And that is Natasha.  DJ siya sa isang radio station.”

“DJ Tasha?”

“Yes, it’s me,” nakatawang sagot ng magandang babae.  “So, you are Ember, the one who got away.”

“What do you mean?” takang tanong niya.  At sa pagtataka niya ay nagtawanan ang grupo.

“Stop right there, Natasha,” warning ni Cyd dito.

“Come on, tell me,” pangungulit naman niya sa babae.

Si Rommel ang nag-supply ng information.  Ikinuwento nito ang pagsali ni Cyd sa programa ng nobya. 

Naiiling na nagpunta si Cyd sa mesa at dumampot ng barbeque.  Iniabot nito ang isa sa kanya at hinila siya paupo sa mahabang wooden bench.

“And it turned out na stepsister mo pala ang Apple na ‘yon.  Nasira tuloy ang diskarte ng chickboy namin.”

“Ano naman ang problema kung stepsister ko siya?”  

“Na-dyahe bigla si Cyd sa ’yo,” sagot ni Marcus.  “Sa dinami-dami ba naman ng pagkakataon para magkita kayo ulit, doon pa sa date nila ni Apple.”

“But look at you now, you are finally together,” natutuwang sabi ni Natasha.

Tumikhim siya.  “It’s not what you think.”  Nahihiyang nilingon niya si Cyd,  pero isang nakakalokong ngiti lang ang ibinigay nito.

Pagkatapos nilang mag-dinner ay niyaya siya ng binata sa isang duyan na gawa sa makakapal na lubid.  Nakatali ito sa pagitan ng dalawang malalaking puno sa gilid ng bakuran. 

Pinaupo siya nito, pagkatapos ay pumuwesto naman ito sa kabilang bahagi ng duyan.  Napatihaya siya bigla nang humiga ito nang diretso.  Lakas ng tawa nito. Saka nito inayos ang laylayan ng nalilis na damit niya.

“Sorry.  You are light as a feather.”

“Pasusuotin mo ako ng ganito pagkatapos...  Really, Cyd, pahamak ka parati.”  Nagpilit siyang umayos ng posisyon.

“You look amazing in that dress.  Come here.”

Kinabig siya nito pahiga sa tabi nito, her head on his shoulder.  Habang inuugoy nito ng isang binti ang duyan ay nasisiksik siya lalo dito, hanggang sa magkadikit na ng husto ang mga katawan nila.

“Bakit mo ba ako dinala dito?  Iniisip tuloy ng mga kaibigan mo na may relasyon tayo.”

“Last time ay isinama kita sa baryo.  That was part of my childhood days, and so were you.  Now I want you to see my present life.” 

Hindi siya kumibo. 

“What is it?” tanong ni Cyd.

“What?”

“Mula pa kanina ay hindi ka na mapalagay.  Is something bothering you?”

Huminga siya nang malalim.  This is the right moment para linawin niya ang sitwasyon nilang dalawa.  “You’re dating Savannah.”

“I dated her once, only because I owe her that.  You were there, too.  Kung paano ninyo kami iniwan ay ganoon pa rin kami bago ko siya hinatid.  I was never interested with her.” 

  “Ano na lang ang mararamdaman niya kapag lagi tayong magkasama?”

“Do you think your sister even cares about what you feel?”  may talim sa tinig nito.  “Kung nagkabaliktad kayo ng sitwasyon ngayon, iintindihin ba niya ang mararamdaman mo?  I doubt that.”

“She’s not that bad.”

“That blind date led me to you.  Paglipas ng maraming taon ay muling nagkrus ang landas natin.  Don’t you wanna know why?”  Bahagya itong bumangon at niyuko siya. 

Kumabog nang husto ang dibdib niya dahil sa mga titig na iyon.  “Cyd...” 

Unti-unting bumaba ang mukha nito. 

Ipinikit niya ang mga mata.  Nang maramdaman na niya ang hininga nito sa pisngi niya ay saka pa lamang tumunog ang malakas na warning bells sa isip niya.  Bigla niyang itinulak ang binata at nagpilit siyang bumangon.

“Ember...”

“We can’t do this.  I’m sorry.”

“Ember, wait!”  Hinabol siya nito.

“I’m sorry, Cyd.”

“Don’t say sorry.  I know it’s too soon, but I’m... I’m not sorry for what I did.”

“Bumalik na tayo sa loob.”  Mabibilis ang hakbang niya papasok sa maliwanag na bahay.

“Eto na pala sila,” masiglang anunsyo ni Rommel pagpasok niya sa pinto ng sala. “Akala namin ay nakalimutan na ninyo kami,” nakatawang tukso nito.  Inabutan siya nito ng isang bote ng beer.  “Do you drink?”

“Yeah,” lakas-loob na tinanggap niya ang inumin at saka nilagok iyon.  Kamuntik pa siyang masuka sa lasa nito.  Pero muli siyang lumagok para kumalma ang dugo at lahat ng senses niya. 

Pagpasok ni Cyd ay tinangka nitong bawiin ang bote sa kanya, pero hindi niya iyon binitawan.
“Sigurado ka bang kaya mong uminom ng ganyan?”

“Of course.”  Nakailang lagok na siya nang maisipang magsalita ulit.  “May... may ipagtatapat ako sa ’yo.”

Nilingon siya nito.  “Aamin ka na ba na crush mo talaga ako mula pa noong araw?”

“Ako si Apple.”

“What?”

“Ako dapat ang blind date mo nang gabing iyon.”

“Whoaaa!  You cheated me!  Ipinasa mo ako sa iba?  Do you hate me that much?”  May bahid ng inis at pagdaramdam ang tinig nito.

“She liked you,” paliwanag niya dito.

“And you didn’t.  Okay, I get it.”

“Hindi naman sa ganoon.”

“Pagbabayaran mo ang mahabang oras na sinayang ko nang gabing iyon.”   Inalog nito ang bote ng Red Horse at itinutok ang tumitilamsik na beer sa kanya. 

Napasigaw siya nang malakas.  Tumayo siya para iiwas ang sarili pero hinabol siya nito.

Natuon ang pansin ng buong grupo sa kanila nang makita silang naghahabulan na parang mga bata.

“Lasing na ba o kulang pa sa alak?  Sabi ko na sa ’yo, dapat hard ang binili mo, eh,” paninisi pa ni Marvin kay Marcus. “Para knockout agad.”

“Ano'ng nangyayari sa inyo?”

“Balatan ng buhay ang babaeng iyan!” kunwari ay galit na sabi ni Cyd.  Hinablot siya nito sa beywang at balewalang isinampay sa balikat nito, ang matipunong braso nito ay umipit sa laylayan ng bestida niya. 

Nagpupumiglas siya kasabay ng malalakas na sigaw. 

Ibinagsak siya ni Cyd sa couch at dinaganan ng malaking katawan nito. 

“Nalintikan na!” iiling-iling si Rommel habang nanunood sa kanila.

“Tell me you’re sorry!” utos ni Cyd sa kanya. 

Umiling siya.  “Sabi mo kanina ‘don’t say sorry’.”

“Say it!”  Saka nito sinundot-sundot ang tagiliran niya na lalo niyang ikinasigaw.

“Okay!  I’m sorry!”   This time ay may halo ng tawa ang tili niya.  “Stop it, Cyd!”  Sige ang pagpupumiglas niya dito.  “I’m sorry na ipinasa kita sa iba.  Hindi kita dapat ipinaubaya kay Savannah.  God, I really regretted that,” diretso ang labas ng mga salita sa madulas niyang dila.  She was tipsy, pero nakaramdam pa rin siya ng hiya pagkatapos.   

Cyd stopped.  His eyes were glittering with mixed emotions.

Tumaas-baba ang dibdib niya habang sinasalubong ang mga titig nito. 

His breathing was hard and uneven, too.  Hindi lang dahil sa pagod kundi sa mas nakapanghihilakbot na dahilan. 
She could actually feel his instant arousal against her thigh.  Oh, heavens!

“Binulabog lang naman nila pati mga kapitbahay,” reklamo ni Marvin na tumalikod na.  “C’mon, guys, give them privacy.  Nakakahiya naman sa kanila.  Just pretend na wala kayong naririnig at nakikita.”

Itinulak niya ito at inayos ang sarili.

“You little witch!  Magbabayad ka rin ng utang sa akin.”  Tumayo ito at nagtuloy sa kusina.

Panay ang tawa ni Natasha. “Ano'ng nangyari?” 

Ikinuwento niya dito ang inamin niya sa binata. 

“Hindi talaga sumasablay ang programa ko.  I’ve always believed in destiny.” 

Nang ihatid siya ng binata ay nagpatugtog ito sa car stereo.  Ang paborito nitong "Love of a Lifetime".

“Why do you like that song so much?”

“It reminds me of  someone.”

“Where is she now?”

“Gone.  I lost her.  Simula noon, I don’t do relationships anymore.  I could never be faithful to any other woman.  My heart just... it simply belongs to her.”

Natahimik siya bigla.  Cyd was still in love with that woman.  Now that was really something to think about.

Fall All Over AgainWhere stories live. Discover now