She's Back

12.3K 299 5
                                    

CHAPTER TWELVE

Months later...

“CONGRATULATIONS!” isang tapik sa balikat ang isinalubong ni Cyd kay Rommel paglabas ng mga ito sa simbahan. 

Malapad ang ngiti ng kaibigan habang mahigpit na kapit ang kamay ng asawang si Natasha.

Ang reception ay ginanap sa isang malaking function hall sa Casa Emmanuellette.
Nagsisimula na ang traditional ceremony nang lumabas ng bulwagan si Cyd.  Nasa ikalawang palapag sila ng building.  Niyuko niya ang ibaba. May maliit na pool doon at may mga batang naliligo.  He sighed when he remembered his childhood days. Timmy again!

Kaya nga nitong nakalipas na ilang buwan ay hindi niya gustong tumungtong ulit dito sa Pampanga.  Ang negosyo nila dito ay ipinaubaya niya sa kaibigang si Marcus.  Kahit saan kasi siya lumingon ay alaala ni Ember ang nakikita niya dito.

Ginawa niyang abala ang sarili sa negosyong iniwan ng ama sa Legarda mula nang magpasya itong sundan ang ina sa Amerika.  Kahit kasi anong tanggi ng ama ay ayaw makinig ng ina niya noon.  Sarado ang isip nito lalo pa’t narinig nito ang kumpirmasyon na nanggaling mismo sa bibig ni Ember nang gabing iyon.

Ilang buwan na rin ang lumipas.  Ngayon ay nagbalik na ang mga magulang. Dapat sana ay nagbalik na rin sa normal ang buhay niya.  

Lumipat ang paningin niya sa fine dining restaurant sa harapang bahagi ng Casa, kung saan sila unang nagkita ulit ni Ember.  Napabuntonghininga siya ulit sa pagbabalik ng mas malinaw na alaala. 

Isang tapik sa likod ang nagpabalik sa kanya sa kasalukuyan.

“Ember is back.  Nakasalubong ko siya noong makalawa sa mall.  Tumaba siya at lalong gumanda.”

Nilingon niya si Marcus.  Hindi niya malaman kung ano ang mararamdaman sa balitang iyon.

“Ano'ng malay natin, baka kagaya mo, hanggang ngayon ay hindi pa rin siya committed sa iba?  There’s only one way to find out.  Pay a visit, dude, before it’s too late.”

“I don’t know what to say to her.”

“If you can’t talk, use body language,” saka siya nito nginitian nang nakakaloko.

KINAGABIHAN ay panauhin si Cyd sa bahay ni Ember.  Kung dati ay si Grace lagi ang nagbubukas ng pinto at nagsasabing wala pa rin si Ember, ngayon ay iba na ang sumalubong sa kanya.  Parang umatras lalo ang dila niya nang mamukhaan ang magandang babae sa harapan niya.

“Good evening.  Nandiyan po ba si Ember?”

“You look familiar, hijo.”  Saglit itong nag-isip muna.  “Ikaw 'yong kalaro ni Timmy noong araw sa baryo?  Ikaw na nga ba 'yan?  Kailan pa kayo ulit nagkita ng anak ko?”

Tumikhim muna siya bago sumagot.  “Ako nga po.”

“Halika, tumuloy ka.  Third ang pangalan mo, ‘di ba?”

“Opo.”  Gusto niyang pagtakhan ang pagiging kalmado ng ginang.  Sigurado namang alam nito kung sino ang ama niya.  “Cyd Lorenzo III.” 

Inaasahan niyang makakakuha na siya ng kakaibang reaksyon mula dito, pero nanatiling blanko ang mukha nito.

“Mabuti naman at nagkita kayo ulit ni Timmy dito.  Sandali lang at tatawagin ko siya.” 

Matagal siyang naghintay.  Inisip niyang wala naman yatang balak si Ember na harapin siya.  Nang lumitaw ito sa puno ng hagdan ay napatayo siya sa kinauupuan.

She looked amazing.  Wala ni bahid ng kalungkutan o paghihirap ng loob sa maaliwalas na mukha nito. 

“Kumusta na?  What brought you here?” diretsahang tanong nito.

“Napadaan lang ako.  Nabalitaan kong nakabalik ka na.”  Walang sagot mula sa dalaga.  “You look great.”

“Thanks.  Ikaw din.  Ano'ng sadya mo dito?”

“Let’s talk about us, Ember.  Bigla mo na lang akong iniwan.  Kahit anong pilit ko’y ayaw ibigay ni Grace ang contact number mo.”

“Ano pa ang dapat nating pag-usapan?”

“Don’t do this, please.  Don’t you love me anymore?” diretsong tanong niya dito.

He couldn’t prolong the agony any minute longer.

“Matagal na tayong tapos, Cyd.”

“Look, it might be so easy for you, but it is hard for me.  Seeing you now means I have to go back to square one, and I don’t know how to live with the pain anymore.”

“Bakit kailangan mo pang bumalik?  Move on.”   Bakas ang katatagan sa magandang mukha nito.

“Sa paglipas ng mga taon ay pinaniwala ko ang sarili ko na ang batang Timmy ay bahagi na lang ng masayang kabataan ko na naibaon ko na sa limot. Pero nang makita kita ulit ay muling nabuhay ang damdaming iyon, at nasiguro ko sa sarili ko na ikaw lang ang babaeng mamahalin ko nang ganito.  Lumipas man ang mahabang panahon ay sigurado ako, na sa bawat muli nating pagkikita, I would fall for you all over again.”

“Kalimutan mo na ako, Cyd.”

“I’ve tried, believe me, but it was something beyond my control.  Kung hindi man kita naipaglaban noon ay gagawin ko 'yon ngayon.  Kung kinakailangang dalhin kita sa Antarctica para lang hindi kayo mag-clash ni Mommy ay gagawin ko.”

“Hindi niya tayo mapapatawad.”

“Darating din ang panahon na matatanggap niya tayo.”

“I don’t love you anymore.”  Solido ang pagkakasabi nito sa bawat salitang iyon.

Napailing siya nang paulit-ulit.  “Hindi totoo 'yan.”

“I’m sorry.  I met someone in Singapore.  Babalik ako agad doon kapag natapos ko ang mga inaayos ko dito.”

Bumagsak ang mga balikat niya dahil sa sinabi nito.

“Goodbye, Cyd.”

Ilang goodbye’s pa ba ang dapat niyang marinig para matauhan siya sa kabaliwan niya sa babaeng ito?  Women are after him.  Kahit saan siya magpunta ay may makikita siyang mas higit pa dito.  Pero bakit ba sadyang kay hirap turuan ang puso?

Ilang gabi na naman niyang nilunod ang sarili sa alak para makalimot.

“What is happening to you, Third?”  Inagaw ng ina ang bote ng alak.

“All my life ay sinunod ko ang lahat ng gusto ninyo ng Daddy.  For once ay pabayaan naman ninyo ako na gawin ko ang gusto ko para sa sarili ko.  Please, Mommy, just give me a moment of peace. Hindi lang ikaw ang nasaktan sa nangyari.”

“So, it’s Ember again!”

Fall All Over AgainDonde viven las historias. Descúbrelo ahora