The Date

13.3K 316 45
                                    

CHAPTER SIX

BUMUNGHALIT ng malakas na tawa si Sarah pagbaba ni Ember ng phone.

“I can’t believe I just did that!  Grabe ang kabog ng dibdib ko, look!” Itinapat niya ang palad sa harap ng puso niya.

“Here comes your prince charming! Sana’y tuluyan mo ng makalimutan ang ex mo.”

“Hindi ako makapaniwala na napapayag mo ako sa kalokohang iyon, Sarah!  Baka mamaya’y psycho-killer pa ang Cyd na iyon.”

“Ano ka ba?  Kilala siya ng mismong DJ.  Isa pa, hindi naman kita papayagan na makipagkita doon na nag-iisa.”

“Ayoko munang makipag-relasyon ulit.”

“Bakit?  Dahil hanggang ngayon ay asa ka pa na babalikan ka ng lalaking iyon?”

“Hindi naman iyon.”

“Oh, eh anong drama iyan?”  

Hindi siya kumibo. 

“Hay, ewan ko ba naman sa ’yo, Emberita.” 

“Isang buwan na ang lumipas ay nagha-hibernate ka pa rin.  Hindi ka nagkaganyan sa mga nauna.  Wala namang masama kung umiyak ka paminsan-minsan, kaya iyak na and then move on.”

“Nalulungkot lang ako na nauwi din kami sa wala.”

“Bakit kasi pinakawalan mo pa?  Isa lang naman ang pinag-aawayan ninyo palagi.  Kung mahal mo talaga siya, bakit hindi mo na lang ibigay ang gusto niya para walang away?”

“Gusto ko ay iyong maluwag sa loob ko ang gagawin kong iyon.”

“Kailan pa?  Baka akala mo’y minor ka pa.  Goodness, Ember!  Look at the gadgets around you. Halos buwanan kung may lumabas na bagong model, and people always need to upgrade.  Pero iyang pananaw mo, hanggang ngayon ay sina-una pa.  What’s wrong with sharing intimate moments with the one you love?  Everybody’s doing that.  So, why can’t you?  Tapos bitter ka kapag ipinagpalit ka ng boyfriend mo sa iba, sasabihin mong sex lang ang gusto sa ’yo.  Come on, be realistic.  Guys will be guys, and they have their biological needs.  Kung hindi mo maibibigay iyon ay natural na hahanapin nila iyon sa iba,” mahabang litanya nito.

“I’m not a normal case like the rest of you, Sarah.  Kung nagkataon siguro na pareho tayo ng naging buhay ay magagawa ko din iyan.  I’m not against premarital sex.  Kaya lang...”

“You just can’t do it dahil iyan na lang ang natitirang dangal mo at patunay na hindi ka katulad ng nanay mo.  I get it.  Pero sa pagpapalit-palit mo ng boyfriends ay ganoon din ang nagiging impression ng mga tao sa ’yo, Ember.  Mabuti sana kung ang mga ex-BF’s mo ay aamining hindi sila naka-score sa ’yo kaya ka nila iniwan.”

“Wala na akong pakialam sa iisipin ng ibang tao.  Nasanay na ako sa ganoon.  I owe this one thing to my future husband.  Kahit sa kanya lang ay mabuo ang dangal ko.”

“Isa lang ang ibig sabihin niyan, hindi ka rin sigurado sa feelings mo kay Wendell, kaya takot kang bumigay.  Napa-praning talaga ako sa ’yo, dami mo hang-ups, bru!”

********************************

“SAAN ang lakad mo?”

Napalingon si Ember sa pinagmulan ng tinig na iyon.  It was her pretty stepsister.  Nasa sala ito at nagbabasa ng magazine.  Nakapagtataka namang Saturday night ay nandito ito sa bahay ngayon. 

“Wala ka yatang gimik ngayon?” tanong din ang isinagot niya dito.

“Naiinis ako sa boyfriend ko.  Last minute ay tumawag para sabihing nasa Makati pa siya! Who the hell is he para paghintayin ako?”

Fall All Over AgainWhere stories live. Discover now