Revelation

12K 296 5
                                    

🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋🦋

                 CHAPTER TEN

NANGINGINIG ang mga kamay ni Ember matapos marinig ang sinabi ng kausap sa kabilang linya.  Dinampot niya ang susi ng kotse at pinaandar ng mabilis ang sasakyan papunta sa ospital na pinagdalhan kay Savannah. 

Naaksidente daw ang dalaga at ngayon ay kasalukuyang nasa loob ng operating room.

Nakasabay ni Ember sa elevator ang isang ginang na kahit may edad na ay lutang pa rin ang kagandahan.  Panay ang singhot nito habang nakatingala sa mga numero sa ibabaw na bahagi ng elevator.  Sabay din silang lumabas nito at nagpunta sa harap ng operating room.  Sinalubong sila ng isang doktor na nakasuot ng berdeng scrub suit.

“Kayo po ba ang relatives ng mga pasyenteng naaksidente?”

“Where’s my son?  What happened to my son?”

“Ligtas na po ang anak ninyo, but I'm sorry to say, kailangan maputol ang kaliwang binti niya, dahil durog ang mga buto mula tuhod pababa.” 

Humagulgol ng iyak ang ginang. 

“Doc, stepsister ko po si Savannah.  Ano ang lagay niya?  Please tell me she's fine.”

“Ikinalulungkot ko din na hindi na namin nailigtas ang batang dinadala niya.  Wala ng heartbeat ang fetus nang madala siya dito.”

“What fetus?” takang tanong niya.

“Your sister was five months pregnant.  May malay siya nang dalhin dito, but she was bleeding profusely.” 

Naitakip niya ang palad sa nakaawang na bibig.  Naupo siya sa mahabang bench sa gilid ng hallway para ikalma ang sarili.  Nagulat pa siya nang marinig ang isang pamilyar na boses mula sa kung saan.

“Tita Margie! How’s Wendell?”
   
“Third!”  Lumakas ang hagulgol ng ginang habang ibinabalita ang kalagayan ng pasyente nito.  “May alam ka ba tungkol sa babaeng kasama ng pinsan mo?  Nagdadalangtao daw ito at namatay ang bata.  Bakit hindi ko man lamang nalaman ang tungkol dito?”

“My God!  Kasama niyang naaksidente si Savannah?  Kumusta ang lagay niya?” 

Nilingon ng ginang si Ember. Sumunod naman ang mga mata ng binata dito.  Nagtama ang mga paningin nilang dalawa.  Base sa nakikita niyang reaksyon ni Cyd ay natiyak niyang hindi siya nagkakamali ng intindi sa mga pangyayari. 

Daig pa niya ang binagsakan ng bomba dahil sa nalaman.   Mabilis siyang tumakbo palayo sa lugar na iyon. 

“Ember!”  Hinabol siya ni Cyd. Hinawakan nito ang braso niya at pilit siyang hinila paliko sa isang maliit na hallway.

“You knew!”

“Let me explain.” 

Isang malakas na sampal ang ibinigay niya dito. 

She had been fooled, not only by her ex-boyfriend and her stepsister, but most of all, by this man.  And it was so painful. 

Sasampalin niya sana ulit ang binata, pero nahuli nito ang kamay niya, ganoon din ang kabila na ihahampas naman sana niya dito. 

Isinandal siya ng binata sa malamig na dingding.  Ang magkabilang kamay niya ay ipinako nito sa itaas ng ulo niya. Nagtatagis ang bagang nito at tumaas-baba ang dibdib sa pinipigil na emosyon. 

Nagpilit siyang kumawala mula sa mga hawak nito, pero wala siyang panama sa lakas ng lalaki.

“Ember, stop.”

Fall All Over AgainWhere stories live. Discover now