Reunion

13K 323 9
                                    


PAGDATING ng Linggo, hindi pa man tumataas ang sikat ng araw ay nandoon na si Cyd.  Naka-black sports shorts lang ito, gray sleeveless shirt at rubber shoes.  Pinagmasdan siya nito mula ulo hanggang paa.  Sunod-sunod ang iling na ginawa nito.

“Magbihis ka ulit.  You have to match my outfit.”

“Magja-jogging ba tayo or...”

“Huwag ng maraming tanong, Ember, bihis na.  Leggings, t-shirt and sneakers will do.”

Nang nasa daan na sila ay napansin niyang tinatahak nila ang Olongapo-Gapan road.  Malayo-layo na rin ang narating nila nang magtanong siya ulit dito.  “Saan ba talaga tayo pupunta?”

“Babalik tayo sa lugar kung saan tayo unang nagkita.”

Napaharap siya dito.  “Sa palayan?”

“Sa Floridablanca.”

“Aano tayo doon?”

“You’ll see.”  Tumahimik na ito habang nagmamaneho.  “Idlip ka muna para may lakas ka sa pupuntahan natin mamaya.”

Kung siya ang tatanungin ay hindi na niya gusto pang tumungtong doon dahil ayaw na niyang maalala ang sinapit niya noong araw.  

Hindi na niya namalayan na nakarating na pala sila sa mismong baryo nila noon.  Marami ng nagbago sa paligid.  Malalaki na ang bahay at pawang moderno na ang pagkakayari.  Ang dating maliit na public school sa kanto ay mahaba na ngayon.  Ang plaza ay may naglalakihang establisimyento na.  Ang daan papasok sa lugar nila ay sementado na.

“Ito na ba ‘yon?”

“Yup.  Katulad mo ay malaki na rin ang ipinagbago ng lugar na ito.”

Huminto sila sa harap ng isang katamtamang laking bahay.  Mula sa loob ay lumabas ang isang grupo ng mga kalalakihan na halos kasing-edad ni Cyd.  Kasunod ay ang tatlong babae na siguro ay nobya ng mga ito.

“Kumusta na, ‘tol?”  bati ng isang lalaki kay Cyd.  Tinapik nito sa balikat ang binata at saka siya sinulyapan.  “Timmy?”  gulat na sabi nito.  Muli nitong hinarap si Cyd, “Iyan na ba ang batang akay-akay mo noon?  Ayos, grand reunion pala ito.” 

Isa-isang naglapitan ang mga ito at bumati sa kanila.  Ang ilan dito ay natatandaan pa niya.  Kalaro ni Cyd ang mga ito sa basketball noon.

“Larga na tayo.”

“Saan tayo pupunta?” tanong niya nang mapansing may bitbit na backpack ang mga lalaki.  Kung hindi siya nagkakamali ay may mga tent pa silang dala.  Sinundan niya ng tingin si Cyd nang kunin nito ang gamit mula sa likod ng Fortuner nito.  Mas malaki ang bag na dala nito. 

Napayuko siya sa maliit na canvass bag na nakasukbit sa balikat niya.  Isang pantalon, blouse, pares ng undies at mga abubot sa katawan lamang ang laman niyon.  “What...”

“Don’t worry, I’ve got you covered,” kinindatan pa siya nito bago siya hinawakan sa siko at inakay pasunod sa grupo. 

“Nakikita mo ba ang talampas na iyon?”  Itinuro nito ang di-kataasang bundok.  “Ang tuktok niyon ay rancho.  Sa ilalim naman ay may falls.  Doon tayo pupunta.”
Napanganga siya nang makita ang itinuturo nito.  “Do you think I can...”

“You can.  Papasanin kita kung hindi mo kaya.”

“Bakit hindi mo sinabi?  Hindi tuloy ako nakapaghanda ng mga gamit.”

“Hindi na iyon sorpresa kung sinabi ko.  Ayaw mo ba?  Puwede namang doon na lang tayo sa paanan.  May ilog doon, mag-eenjoy ka sigurado.”

“Ako, aayaw sa trekking?  Wow, wala yata niyan sa San Fernando.”

Fall All Over AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon