Old Friend

12.4K 312 13
                                    

               CHAPTER SEVEN

“NAKU, ATE!  Ako na po diyan, baka malaglag ka sa upuan.”

Tumakbong palapit ang tindera ni Ember sa gift shop.  Pinsan ito ni Sarah kaya napagkakatiwalaan niya.

“Ako na.  Ayusin mo na ang mga bagong dating na stocks.  Dikitan mo na ng mga codes.  Gusto ko ay maayos ang pagkaka-hilera sa stock room para madaling hanapin ang sizes at colors, ha?”

Muli niyang ibinalik ang tingin sa inilalagay na decoration sa display window.  Inabot niya ang martilyo sa paanan niya at pinukpok ang thumbtucks para bumaon ito sa tabla.  Saka niya binihisan ang mannequin ng new arrival items niya.  Kasalukuyan niya itong nilalagyan ng accessories nang tumunog ang chime sa entrance ng gift shop. 

“May tao, Grace,  paki-assist mo sandali.”

“Sir, pasok po.  Madami pa doon sa loob.  Ano po ba ang hanap ninyo? Para po ba sa girlfriend ninyo?  Ano pong okasyon, Sir?  Monthsary po ba?” 

Narinig niyang natawa ang customer sa kakulitan ng tindera niya.

“Mahusay kang saleslady.  Puwede ba kitang kuhanin para sa business ko?”

“Ay naku, Sir, hindi na ako available.  Kawawa naman ang boss ko kapag iniwan ko.”

“Eh, ang boss mo, available ba?  Is she pretty?”

Tumawa si Grace sa tanong ng lalaki.  Siya naman ay tumaas ang kilay sa narinig. 

“Napakaganda po ng boss ko, Sir, bagay na bagay kayo.  Kaya lang hindi siya for sale, eh.  Pumili na lang kayo ng ibang item dito sa loob.”

“Gano'n ba?  Sayang naman.  O sige, ‘yong gumagalaw na mannequin na lang sa harap, puwede bang ipabalot iyon?”

“Iyon nga po ang boss ko.”

“Talaga?  Sexy din pala kung gano'n.”

Hindi na siya nakatiis.  Lumabas siya mula sa display window at hinarap ang nakakairitang customer.

Nakayuko ang lalaki at tinitignan ang mga glass figurines na may mga captions. 

“Can you be my baby?” malakas na basa nito sa nakasulat sa isang teddy bear figurine. “Okay ito, ah.  Ito na lang ang bibilhin ko.  Sayang, akala ko kasi for sale ang naka-display sa harap.” 

“Mister, gift shop po ang pinasok ninyo, hindi beer house, at walang ibinebentang babae dito,” mataray na sita niya sa lalaki na ikinalingon nito.

Napasinghap siya nang magtama ang paningin nila.  Ilang segundo rin na pareho silang hindi nakapagsalita. 

“Well... hello again, Timmy.”

“How did you...”  Savannah!  Tili ng utak niya. 

“Is this shop yours?"

Tumango siya. 

“Kailan ka pa naging Emberita?”

“Hindi ba 'yon kasama sa impormasyong ibinigay ni Savannah sa 'yo?”

“Limited lang ang impormasyong napiga ko mula sa kanya. Stepsisters daw kayo, but not really close.  Ayon sa kanya, you’re madly in love with your ultra jealous boyfriend kaya hindi ko puwedeng hingin ang contact number at address mo, at lalong hindi ako puwedeng makipagkita sa ’yo.”

“Kung gano'n, bakit ka nandito?”

Inikot nito ang paningin sa kabuuan ng shop.  Then he looked back at her with innocent eyes.  “This is a gift shop, right? Hindi ba ako puwedeng bumili?”

Fall All Over AgainWhere stories live. Discover now