The Truth

12.9K 280 9
                                    

GABI NA nang makabalik sina Ember at Mrs. Lorenzo sa San Fernando.  Nang makita ni Mercedes ang bisita nila ay na-alerto agad ito.

“Bakit nandito ang babaeng iyan?” tanong nito sa anak. Mula nang magbalik si Ember sa Pilipinas ay kasama niya lagi sa apartment ang ina.

“Sagutin mo lang ang tanong ko.  May relasyon ba kayo ng asawa ko?”

“Kung ano man ang namagitan sa amin noon ay matagal nang tapos!  Pinagsisihan ko na ang pagpatol ko sa asawa mo.  Masaya na ako sa buhay ko ngayon, kaya huwag mo na akong guluhin.”

“I am doing this for my son.”

“Ano'ng kinalaman ko sa anak mo?”

“My son is in love with your daughter.”

“Ano?” Lumipad ang tingin nito kay Ember.

“Siya ang Mommy ni Third, Nay.  Ang lalaking karelasyon ninyo noon ay ama ni Third.  Iyon ang sagot sa tanong mo noon kung bakit ako biglang umalis ng Pilipinas.  Of all men, bakit ama pa ni Third?”

“Sandali lang.  Isa itong malaking pagkakamali.  Alam ko ang ama ni Third, anak ng dating konsehal sa baryo.”  Hinarap nito ang bisita.

  “Nang gabing iyon ay hindi ako sinipot ni Jacob sa dati naming tagpuan.  Nagpasya akong umuwi na lang.  Wala ng pampasaherong jeep kaya nag-abang ako ng tricycle sa daan.  Doon ako nadaanan ng asawa mo at nag-alok siya na ihahatid na ako.  Namukhaan ko siya, at alam kong tagaroon lang sila sa banda namin kaya sumakay ako sa kotse niya.

  Hindi siya ang katagpo ko nang gabing iyon.  Napagkamalan mo lamang ako.  Wala kaming naging ugnayan ng asawa mo.  Hindi kami pormal na magkakilala.”

Inilapag ng ginang ang isang wallet size picture sa center table.  Picture ng isang sexy at magandang babae. 

   Dinampot ito ni Ember at binasa ang nakasulat sa likod nito.

Something to remind you of me.

Love,
Melissa

“Nakalkal ko 'yan kanina sa mga gamit ng asawa ko sa probinsya.  Hindi ako nagkamali noon nang isipin kong may babae siyang kinahuhumalingan doon.  Pero hindi ko inakala na ang babaeng iyan pala. Madalas iyang pumupunta sa Legarda noon para maghatid kunwari ng mahahalagang papeles.”

   Tumingin ito sa kanilang mag-ina.  “Ang kabayaran ng naging pagkakamali ko sa inyong mag-ina ay ang paghihirap ng loob ng anak ko ngayon.  Mapapatawad n’yo pa ba ako sa nagawa ko sa inyo?”

“Naiintindihan ko ang naramdaman mo noon,” sagot ni Mercedes. "Ako man siguro ang nasa kalagayan mo ay ganoon din ang magiging reaksyon ko. Kaya pinagsisihan ko ang mga ginawa ko noon."

“Salamat.”  Hinarap siya ng ginang.  “How about you, Ember?”

Nagbara ang lalamunan niya sa tindi ng emosyon.

“Do you love my son?”

Sunod-sunod na tango ang isinagot niya dito.

“Then put an end to his suffering.  Nasa apartment siya ngayon.”

Tinakbo niya ang ginang at niyakap ito.  “Salamat po.”  Nilingon niya ang ina.  “Nay...”

“Go, Timmy. Gusto kitang lumigaya.”

Up next.... The HAPPY ENDING 😊😍💖

Fall All Over AgainWhere stories live. Discover now