CHAPTER 1

146K 2.2K 104
                                    

Ps. Marami akong binago sa story kung ikaw ay new reader, no problem. Kung old reader ka na, basahin mo ito uli.

..

"Heto na nga oh! "nagmamadaling bumaba si Bealyn Almirez sa hagdan na dala ang mga medyas ng hudas niyang asawa. Medyas nalang hindi pa kayang kuhanin?

"Bakit yan ang binibigay mo saakin? Ang sabi ko ay sapatos! Puwede ba? Bilis bilisan mo! Male- late na ako  saiyo! Kupad. "kung makautos ito wagas. Akala mo siya na ang hari.

Porke lang nakikitira sila dito, minamaliit na siya?Na arrange  married kasi sila. Magkaibigan ang daddy ni Hudas at ang papa niya. Kaya ng nawalan ng trabaho ang parents niya, dito na sila pinatuloy. At itong pilingerong boss na hudas, ginawa siyang alila nito. Kung mag utos,gagawin naman ni Bea pero pag nabigay na niya, ipapapalit pa nito. How cruel is him right?

Nagmadali nanamang umakyat ng hagdan si Bea. Nagkandatisod pa siya dahil nagmamadali na talaga siya. Hingal hingal niyang pinihit ang doorknob at pumunta sa room ng mga sapatos ni hudas. Pinili niya ang paborito nitong sapatos.

Pagbaba niya, ngisi ngisi pa ang mokong. "Hindi yan. "

"Ah? "

"Hindi ka kasi nagtatanong e. Yung Vans ang gusto ko. At dahil mabait ako, ipagluto mo nalang ako ng baon. "sabi nito at tumungo papuntang kitchen.

Kinuha na ni Bea ang mga sangkap. Magluluto siya ng pancake para kay hudas.

Kitang kita ni Bea na nakatitig si Rafael sa kanya.Hindi niya maiwasang hindi mailang.

"Tapos na. "sabi niya at nilagay na ito sa lalagyan.

"Hatid mo na ako. "at naglakad na ito palabas ng mansion.

"Hindi pa ako nakabihis.Sabay na tayo. "sabi ni Bea. Tumawa naman si Rafael.

"Huwag ka na kasing pumasok! "kantiyaw pa ni Rafael sa kanya. Pinukulan niya ito ng masamang tingin.  Grade 11 student na sila,pumapasok   sa Sy University. Ang school nila Rafael. Private  School iyon, laking pasalamat nga ni Bea at nakapasok siya doon. Pero parang sinisira ni hudas na ito ang opportunity  niyang makapag aral.

"Papasok ako! Ge wag mo na akong hintayin. "sabi nalang niya at naglakad na palayo kay Rafael pero nakakailang hakbang palang siya ng hilain ni Rafael ang braso niya.

Inis siyang lumingon. "Ano ba? "tanong niya.

Tumawa si Rafael. "Chill ka lang.Wala daw pasok sabi ni mommy kanina.May seminar  ang mga teacher don't worry. "tawa tawang sabi nito. Litaw tuloy ang cute na dimples nito at lumiit lalo ang mata niya. Mas pumogi lalo. Kesa sa laging nakasimangot.

"Bakit hindi mo sinabi saakin agad? At bakit ka nakabihis at pinagluto mo pa ako wala naman palang pasok. "nakabusangot na mukhang reklamo ni Bea.

"Gusto lang kitang pag trip- an ano masama doon? Pumasok ka na at maglinis. Pupuntahan ko muna si Krisa. "sabi nito at tuluyan ng lumabas. May sarili na kasi silang bahay, ang sabi ng tita Rhea, ang mommy ni Rafael, kailangan na daw nilang magbukod lalo na't kasal na sila. Para daw maging na silang independent. Pero ano pang silbi ng pag aasawa nila kung... Kung may girlfriend  si Rafael? Pero siya may mga manliligaw, si Rafael pa mismo ang nagbabasted sa mga ito.

Ang kasal nila ay sikreto lamang.Si Rafael kasi ang nagsabi na huwag ipagkakalat iyon dahil baka daw maging issue sa campus at layuan siya ng mga chiks niya. Walang nakakaalam kundi ang pamilya nila.

She sigh. Naglinis nalang siya ng buong mansion, natapos niya mag tatanghali na. Naupo muna siya sa sofa at napapakit ng may nag doorbell.

Kunot noo niyang binuksan ang pintuan.Nagulat pa siya ng makita si Rencee Dela Cruz. Ang kaisa isahang crush niya noon pa. Naging close din sila pero... simula nung nag asawa na sila ni Rafael, pinagbawalan na siya na makipag kita dito.

"Anong ginagawa mo dito? "niluwagan pa niya ang pinto para makapasok ang binata.

Nahiga agad ito sa sofa at pumikit. Mukhang lasing ito.

Kumuha siya ng palanggana  na may mainit na tubit at bimpo.Hinilamos niya iyon sa mukha ng binata.

Pagkatapos ay pikit mata niyang tinanggal ang butones ng polo nito para mahilamos din nito ang katawan niya. Halos himatayin pa si Bea ng makita niya ang sexy body nito. Pero focus Bea! Pilit niyang sinasabi sa sarili. Matapos ang paghihilamos nito, kumuha muna siya ng t-shirt sa walk in closet  ng  hudas na iyon.

Pinasuot niya kay Cee.

Ng matapos niya itong inasikaso, kinumutan na niya ito.

"Kung sanang walang balakid... "naisambit niya at hinalikan ang pisngi nito.

I'm secretly married to a campus Prince[COMPLETED]Where stories live. Discover now