CHAPTER 17

36.3K 786 72
                                    


Krisa Jisoo Pov

Pumunta nalang ako sa bar. Tss nakakainis. Simple lang naman ang gusto ko e. Mabubuhay ang anak namin ni Rafael, ipawalang bisa lang nila ang kasal nila ni Bea. Diba hindi naman mahirap 'yon tsk.

Umupo ako sa may counter. "Bigyan mo ako ng malakas na tama. "sabi ko sa bartender .Wala akong pake kung buntis pa ako o ano. Basta ang gusto ko ay ang mawala lahat ng iniisip kong problema. I dialed  My Bestfriend number, agad naman siyang sumagot.

"Puntahan mo ako dito sa Bar. ASAP. "hindi ko na hinintay ang reaction niya, agad ko nang pinatay ang tawag.Alam naman niya ang favorite  bar na pinupuntahan namin e.

Alam niya na buntis ako kaya siguradong nagmadali yun.

Mapag-worry yung babaeng yun e!

"Girll!!! Anong ginagawa mo! "halos patiling inagaw niya saakin ang wineglass saakin.

"Ano ba! Hindi kita tinawag para kontrahin ako. Tinawag kita para saluhan ako ohh. "iritadong sabi ko sa kanya.

"Gosh! Hindi ka ba nag iisip girl? Buntis ka! At hindi pwedeng uminom ang mga buntis baka kung ano pang mangyari sa bata! "sermon niya tss. Wala naman akong pake sa batang to. So tumayo nalang ako at pupunta sana sa  dance floor ng..

"O. M. G girl! Dinudugo ka! "

...

Bea Pov

Kinaumagahan...

Nagising nalang ako ng may maamoy akong  mabangong amoy. Agad akong napabalikwas ng bangon. Kumukulo na ang sikmura ko sa gutom ah.

Nakita ko si Rafael na naka upo sa tagiliran ng kama. Mayroon din siyang hawak na tray ,yun siguro ang nangangamoy. Pero bumalik ako sa realidad. May anak na nga pala siya.

Pero teka? Bakit nandito ako sa condo niya? At... Iba ang damit ko! Gosh.

"Gising ka na pala. "he said.

"Obvious  naman diba. "pabalang na sagot ko saka tumayo. Pinigilan naman niya ako. Inis akong lumingon sa kanya.

"Ano bang problema ah! "

"Ikaw Bea. Ikaw ang problema ko. Sana naman intindihin mo ako.Hindi naman porke may anak na kami ni Krisa magkakaganyan kana."

"Oo naman Rafael. Kahit sino magagalit diba? Hindi ako manhid Rafael! "sarcastic  na tugon ko kaya napahilis siya ng tingin.

"Ikaw ang umintindi sakin kung bakit ako nagkakaganito. Alam mo naman siguro ang sagot doon Rafael. Sana hayaan mo muna ako. "sabi ko sa kanya at nilisan na ang condo niya. Bumalik ako sa mansion, gusto kong makapag paalam kina mama na magbo- board nalang ako. Wala naman akong pambayad kung sa penthouse  pa ako mang uupa.

"Pwede ka naman sa penthouse anak. Kami nalang bahala ng papa mo sa gastos. Alam namin na masakit para sayo kaya okay lang. Sana maging maayos ang pagtira mo doon anak. "sabi ni mama kaya napangiti ako.

"Hatid na kita? "sa penthouse  nalang daw na tinutulugan nila mama at papa minsan doon nalang ako.

Ilang minuto lang ang biyahe papunta sa paroroonan ko tapos agad na akong bumaba.

"Salamat po sa paghatid. "tapos hinalikan ko sila sa cheeks. Maaga pa naman kaya kumain muna ako. Kompleto na pala. Nandito din yung ibang gamit nila mama.

Ng 6:30 na ay nagbihis na ako at umalis na.

7:30 am pa lang naman ang first subject kaya may oras pa ako sa biyahe. Medyo malayo kasi sa campus itong titirhan ko na.

Sigh. Habang nakasakay ng taxi, naalala ko nanaman si Rafael. Hindi ko alam kung mapapatawad ko ba siya o ano.

Hays.Wag ko muna nga siyang isipin. Basta simula ngayon, focus muna ako sa pag aaral lalo na running for valedictorian  daw ako.

I promise, makaka move on din ako Rafael. At promise, mawawalan din ng bisa ang kasal natin.

I'm secretly married to a campus Prince[COMPLETED]Where stories live. Discover now