CHAPTER 14

36.9K 727 37
                                    

"Ayaw ko nga sabi e! "papunta sana ako sa parking lot kung saan kami magkikita ni Rencee ng may lalaking gustong kumuha sa akin. Juice colored,kawawa naman ako huhu. Help me.

"Sumama ka na kasi sa akin! Kung hindi mapipilitan kong itarak saiyo ito! "at dahil sa pinakita niyang kutsilyo ay natakot na ako. Ang galing niya, nagsuot pa siya ng uniform na pang S. U, pero teka,?Sy University? Kasi yung mga outsider hindi pinapapasok, dapat naka uniform din ng ibang university.

"Saan ba tayo pupunta panget! "mangiyak ngiyak na tanong ko.

Lumingon lang siya saakin at tinignan niya ako ng masama. "Sa kagwapuhan kong ito tatawagin mo akong panget?! Nagmana kaya ako kay kuya na gwapo! "pagsusungit niya saakin. Aba! Kuya?

At teka lang ah, mukhang richkid. Hindi man siya kidnaper ah!

"Sino ka ba talaga!? "pasigaw na tanong ko. Ng tumingin siya saakin ng matagal, saka ko napagmasdan ang hitsura niya. Every piece of this stranger, i remember him! God. They look like a twin. Teka? Posible kayang kapatid ito ni Rafael?

"Kapatid mo si Rafael Sy? At kaya ka naka uniform ng university niyo? "datretsahan kong tanong sakanya. Nakita ko namang bahagya siyang nagulat.

"No. I'm not his brother. "maiksing sagot niya at saka na pinaandar ang kotse.

NAGISING nalang ako ng may mahinang tumapik saakin.

"Uhmm.. "nag unat unat pa ako.

"Tsk. Tulog mantika talaga.. "his voice,i will never  forget.

Napabalikwas ako ng bangon. "Bakit nandito ako? "

"Masama? "pagsusungit niya.

"Kuya, ayos ba? Nasaan na ang tseke ko? "biglang dating nung lalaki kanina.. Sabi ko na nga ba!

"Magkapatid kayo? "

"Obviously you heard it right? "

"Bakit ba ang sungit mo! Nagmana nga siya saiyo! "sigaw ko kaya natawa naman si Rafael saka inakbayan ang kapatid.

Magkamukha sila. Mas matangkad nga lang ng kaunti si.. Ano bang pangalan nung kapatid niya?

"Anong pangalan ng kapatid mo? "tanong ko.

"Bakit interesado kang malaman pangalan niya?! Gusto mo siya no! Remember, mag asawa na tayo. "salubong na kilay na sabi niya.

Bigla namang nag init ang tenga ko sa sinabi niya. "Advance ka mag isip bess? "mataray na tanong ko sa kanya kaya natawa si--

"Prince John. "

"Okay. Ikaw naman para magtanong lang ano ano agad ang nasasabi! "sabi ko habang natatawa.

"Paki ulit nga. "

"Sabi ko ikaw naman para magtanong lang ano ano agad ang nasasabi haha. "sabi ko sabay baba ng kotse. Tutunganga nalang ba ako? Saka na miss ko rin naman si Ben. Yung kapatid ko.

"Hindi yon! Yung sinabi mo bago yon! "nag isip ako.

"Ah hahaha. Advance ka mag isip! "

"Tuloy..."para nanaman siyang monster.

"Yun lang ea. Wala na akong matandaan. "

"Bess? "

"Oo haha. "

"Bess talaga ah! "palapit na siya ng palapit saakin omo!

Hindi ko alam  kung saan ako aatras.

Hangga sa napasandal nalang ako sa kotse ng kapatid niya. Ang lapit niya sa mukha ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi din ako makahinga ng maayos!

Pumikit nalang ako. Nagulat ako ng dumampi ang labi niya saakin. Grabe... ang init whoo. Hindi ko alam kung makakakilos pa ba yung labi ko. Mag reresponse ba ako huhu.

Kikilos na sana yung labi ko ng himiwalay na siya.

"Pumasok ka na. Naghihintay na silang lahat saiyo. "malamig na sabi niya. Bakit ganon? Parang wala lang sakanya?

Pumasok na ako sa loob at muntikan na akong mabingi sa malakas na tili ni mommy. Para talagang siyang bata.

Yinakap niya ako ng mahigpit.

"Na miss kita baby ko.. "sabi niya. Maiiyak pa ata siya.

"Namiss din kita anak. "si daddy naman. Agad ko namang hinanap si Ben.Ayun ohh cute pa din siya.

"I miss you Beennnnn!!! "sigaw ko at kinarga siya.

"Tita Where's Rafael!!? "nagulat nalang kaming lahat sa babaeng nakaka agaw talaga ng atensiyon.

It was Krisa. Wearing an white floral  dress ,white hat and sunglasses.

"Where's Rafael tita.?"tanong nito at nagmano sa mommy ni Rafael. ".. Ohh hi people there. "

"What are you doing here bitch. "nagulat nalang kami ng biglang dating ni Rafael. Hinawakan ko ng mahigpit si Ben.

"Tutal you're here naman... I will announce this sa harap nila.. "sabi nito at tinanggal muna niya ang sunglass  niya. Tsss summer pa para ganyan ang ootd niya?

"I am pregnant! "

I'm secretly married to a campus Prince[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon