CHAPTER 20

33.7K 701 23
                                    

Pinunasan ko ang luhang kanina pa nagbabadya. Umuwi ako ng mag isa.Pagkauwi ako, pumasok ako sa office nina tita Rhea. Hindi na ako kumatok kasi open naman yung pinto.

Nakita ko namang nagulat si tita Rhea at agad na tinago ang folder na parang pinipirmahan niya.

"Ija nandito ka pala hehe. "

"Ahm tita gusto lang kita sana maka usap. "sabi ko.

Tumayo siya sa swivel chair niya. "Ano naman ang pag uusapan natin ija? "

"Tungkol po sa pagpapawalang bisa niyo sa kasal namin ni Rafael. "nakayukong saad ko.

Hinawakan ni tita yung balikat ko. "Kanino naman nanggaling yan ija? hinding hindi ko ipapawalang bisa yung kasal niyo ni Rafael. "sabi ni tita Rhea saka niya ako yinakap.

"E bakit sabi po ni Krisa tita? Malapit na po daw. "

Humarap siya saakin."Never kong gagawin yun. Kahit ang tito Rashy mo ay hindi papayag sa favor niyang Krisa na yan. "

"Ano po bang favor niya? "

"Ipawalang bisa ko daw yung kasal niyo at siya naman ang ipakasal kay Rafael. Kung hindi daw ipapalaglag niya ang anak nila Rafael. Pero siyempre um-oo nalang ako ija. Pero may mas mabisa akong plano ,kami ni tito mo 'wag kang mag alala. "sabi nito saakin at tumango nalang ako.

"Ikaw ang gusto ko para sa anak kong si Rafael. Kaya kung mahal mo talaga siya, puntahan mo siya sa garden.Sabihin mo sa kanya na mahal na mahal mo siya. "nakangiting sabi saakin ni tita kaya tumango ulit ako at tumakbo papuntang garden.

Nandoon nga si Rafael gaya nang sabi ni tita. Nakaupo siya sa bench at parang umiiyak.

Lumapit ako sa kanya at yinakap siya ng mahigpit.

"Mahal na mahal kita Rafael. "mukhang nagulat siya sa sinabi ko at ginawa ko kaya hindi siya nakaimik. Pero ilang saglit lamang ay yinakap niya din ako ng mahigpit at sinabing...

"Mahal na mahal din kita Bea. "

At ang mga sumunod na nangyari ay ang matagal ko ng gustong mangyari. Hinalikan lang naman niya ako kaya nag response  nalang ako. Ang sarap sa pakiramdam na mahal namin ang isa't isa. Sana matapos na ang problema namin.





Krisa Jisoo Pov

Busit! Ngayon na ang sabi ng busit na Rhea na magkikita kami pero wala pa siya! 1 hour na siyang late at putek! One hour na niya akong pinaghintay dito. Pasalamat siya deal namin to at gustong gusto ko talaga kaya nagtitiyaga ako dito.

Ipapakita  lang naman niya saakin ang divorce  paper nila ni Rafael kung talagang wala nang bisa ang kasal nila.

At naalala niyo ba nung pumunta ako sa bar? Na dumugo ako? Dinala ako sa hospital ng kaibigan ko at buti nalang talaga at hindi nalaglag ang anak ko. Buti, buhay pa ang anak namin ni Rafael.

Makalipas ang ilang minuto, akala ko ay darating na yung Rhea na yun pero hindi pala. Unexpected  guest ang dumating.

"Paano mo ito nagawa? "shit. Paano niya nalaman?

Tumayo ako para yakapin siya kunwari.

"Don't dare to touch me Krisa! Hindi kita pinalaki para mabuntis lamang! "sigaw ni Kris. Ang daddy ko.

"Dad. Hindi naman po ako buntis. "sino na namang hangal ang nagsabi kay dad na buntis ako? Malilintikan talaga saakin yun pag nalaman ko.

"Ako lang naman ang nagsabi niyan Krisa. "shit again. Si Rashy!At si Rhea!

"Pasensya na po kayo sa anak ko. Wag po kayong mag aalala.Dadalhin ko na siya sa London. "bakit parang takot na takot si Dad kina Rhasy and Rhea!!

"Mabuti naman kung ganun. At sana hindi na siya manggulo saamin. Wag ka ding mag alala. Susuportahan naman namin ang magiging apo namin. "nakangising sabi ni Rhea.

"Salamat po. "nag bow pa si dad. Ano bang nangyayari?

"Makakaalis na kami. Siguraduhin mo lang na idadala mo na yan sa London at hindi na manggugulo sa mag asawa kung hindi babawiin ko na talaga ang bilyon bilyong halaga na ishinare namin sa company niyo na nalulugi na sana. "sabi ni Rashy na ikinagulat ko.

"Opo makaka asa kayo sir. "

Tuluyan ng umalis ang mag asawa.

"Let's go. Naka asikaso na ang flight mo at....sa London mo nalang ipaliwang ang kalokohang ginawa mo. Nakakahiya ka! "

This is my disgusting  day ever grr!

I'm secretly married to a campus Prince[COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora