CHAPTER 23

33.3K 681 2
                                    

"Saan ka galing? "bungad niya saakin.

"Sa mall."

"Bakit kasama mo siya!? "pasigaw na tanong niya.

"Bakit masama? Wag ka nang magalit... Baby i love you! "nilandian ko pa ang boses ko shet. Never pa akong nag ganitong boses. Piling ko tuloy pulang pula na ako.

"Talaga baby?? "he ask with a sexy tone.. Sinabayan niya pa ng mapang akit na mata, yung katawan niya ginalaw galaw niya ng kaunti, shet. Para niya akong inaakit ah!

"Rafael lumayo ka nga! "paatras na ako ng paatras. Ay shit. Mali pala ang naatrasan ko. Yan tuloy, cinorner niya ako.

"Okay lang yun baby.. Alam ko naman na ako lang ang mahal mo. "sabi niya saka niya ako hinalikan.

...

"Ays! Ayaw ko pa ngang gumising! "aga aga nanggigising to.

"Baby naman gumising ka na. "boses palang niya mapapabangon ka na e!

"Bakit ba ang aga aga ginigising mo ako!? "

"Kasi naman baby tutulungan mo akong mag prepare, intrams na po ngayon baby. "sabi niya saakin. Oo nga pala.

"Imbis na kumuha ako ng mag aayos saakin ikaw nalang ang mag aayos saakin. "nakangising sabi niya.

"E mag aayos din ako! Siyempre manonood ako sa mga events! "kinukuha nga nila akong Ms Intrams pero ayaw pumayag ni Rafael. Gusto niya daw sa Face of The Night nalang ako sasali. Edi pagbigyan na siya.

"Maganda ka naman kahit anong ayos baby... Ako nalang ayusin mo kasi mag peperform ako diba? "nag pout pa siya.

"Che! Wag ka ngang mag pout ng ganyan ampanget mo hahaha. "natatawang sabi ko.

"Panget ako? Ako panget ah! "sabi niya na parang ang maniac niya shet.

"Wag ka nga lumapit saakin! "sigaw ko habang tinuturo turo siya.

"Panget ba ako baby? "he ask with a sexy tone. Omygosh! Inaakit mo talaga ako!

"Male-Late ka dun sa SONG EVENTS! "utal na sabi ko sa kanya. Tumawa naman siya.

"Ipa-cancel ko pa yung  events na yun baby e! "sabi pa niya.

"Basta! Matutuloy! "sabi ko sa kanya.

"Alam mo pa ba saakin baby? "

"Rafael busit ka talagaaaaaaaaaaa!!!! "napahaba yung sigaw ko kasi binuhat niya naman ako na parang sako anak naman ng tinapay oh!

"Bitawan mo ako kyaaahhh!! "sigaw ko at pinaghahampas ko siya sa balikat. Hindi ako tumitigil pero para siyang batong hindi man natitinagan.

"Bitawan mo ako kyaahhh!! "sigaw ko nanaman pero wala pa rin siyang imik. Naglakad siya patungong banyo saka niya ako binitawan, sinarado niya pa ang pinto.

"Buksan mo yang pinto! "humarang pa siya sa kandado ng pinto, "Anong gagawin mo saakin ah! Ang maniac maniac mo talaga! "sigaw ko pero tinakpan niya lang ang bibig ko at saka niya ako yinakap ng mahigpit.

"Mahal na mahal na mahal kita Bea tandaan mo yan. "sabi niya sa gitna ng aming yakapan.

"I love you more Rafael baby. "sabi ko naman dahilan ng pamumula niya. Haha, ang cute niya lang.

Aasarin ko nga siya.

"Bakit ka namumula? "buska ko. Umiwas siya ng tingin.

"H-indi ah! "

"O bakit ka nagkakautal diyan?! "natatawang sambit ko.

"Hi-hindi naman.... talaga! "

"Haha. Wag ka na ngang nagmama angan diyan, pero okay lang. Alam ko naman na kinikilig ka hehe. "sabi ko saka pinisil ang ilong niya hehe. Namula naman agad iyon.

"Tara na, lumabas na tayo dito at aayusan na kita. "sabi ko sa kanya, umupo siya sa swivel chair pagkatapos ay sinimulan ko ng ayusin ang buhok niya, ginamit ko yung wax at ayun, ang gwapo na niya tignan dahil naka ayos na yung messy hair niya. Actually kahit messy hair siya gwapo pa rin naman siya.

Pagkatapos ay binigyan ko siya ng baby powder. Ayun lalo pumuti mukua niya hehe, tapos nilagyan ko siya ng lip gloss, tapos ay kinuha ko na yung tuxedo ,pants at belt niya.

"Pasuot mo naman saakin bebe. "malambing na sabi niya.

"Ayoko nga! Ang bastos mo! "

"Para namang hindi mo naman nakita yung sexy body ko bebe? "he ask  with a  wide grin.

"Che! Hindi ko pa nakita yan at ayaw ko pang makita yan! "sigaw ko kaya naman natawa siya.

Hinawakan niya ang kamay ko ay nilagay iyon sa bandang puso niya.

"Ang bilis ng tibok oh bebe. "sabi niya. "Kasi mahal na mahal kita kaya kapag nakakasama kita... mabilis ang tibok niyan. "

"Oo na oo na! Heto na nga ipapasuot ko na. "sabi ko at tinanggal ko na ang shirt niya at ayun na nga pinasuot ko na sa kanya.

Sana.. Sana lagi na kaming ganito.

I'm secretly married to a campus Prince[COMPLETED]Where stories live. Discover now