CHAPTER 16

35.6K 719 31
                                    

Krisa Jisoo Pov

Bakit ba ayaw nilang maniwala saakin? madami na ba akong nagawang kasinungalingan para hindi nila paniwalaan?

Totoo ang sinasabi ko. Totoo na buntis ako and i'm sure na kay Rafael ang dinadala ko.

Flashback:

I'm on the garden .Nagpapahinga ako dahil sa sobrang stress ko sa lahat lahat.

Ng biglang dumating si manang ."May bisita po kayo ma'am. "sabi nito at i was surprise  when i saw Rafael. Tumayo ako at yinakap agad siya. Umiiyak pala siya so i comfort him.

Kinuha ko siya ng beer. Nag inuman  kami para naman mawala ang stress naming dalawa.

Sa kalasingan niya,
Kinuwento niya lahat na wala pala si Bea. Iniwan siya... tss that girl.

At nagulat nalang ako ng sinabi niyang mag asawa na sila. I was hurt,siyempre mahal ko pa din sa Rafael. So sinabi ko sa kanya na nandiyan lang ako sa tabi niya.

Gabi na kaya naisipan kong dalhin siya sa kwarto ko .

"Bea.. "nakapikit pa siya. Hinawakan niya ang mukha ko.

Hindi ko alam ang gagawin. For many years na naging kami,hindi ko naramdam ang ganito.

Unti unti niyang nilapit ang mukha niya saakin. "I love you Bea.. "he whispered .

Nag response nalang ako. Ano pa nga ba ang gagawin ko? Kahit sabihin pa niyang Bea, basta't makapiling ko nalang siya kahit ngayong gabi lang.

End of flashback.

"Ija, are you okay? "biglang dating ni tita  Rhea. Napaka sweet dati saakin ni tita kaya sobrang miss ko siya. Yinakap ko siya ng mahigpit.

Hindi ko namamalayan na umiiyak na pala ako.

"Don't cry ija.. "

"Tita bakit ganun! Bakit niyo pinakasal si Rafael kay Bea? Mahal ko pa si Rafael and magkakababy na kami so...dapat ako nalang ang focus niya. "mangiyak ngiyak na drama ko. Nag aacting ako pero taos sa puso. Ang gusto ko lang naman ay ipawalang bisa yung kasal nila ng lintek na Bea na yan! Ayaw ko namang magmukha kaming labas sa pamilya ng mga Sy.

Ayaw kong anak sa labas ang future baby namin ni Rafael.

More acting ang kailangan para ma convince ko si tita.

I need a luha effect.

"Tita.. "

"Ako ang bahala ija. Pananagutan naman ng anak ko yang dinadala mo pero hindi naman ibig sabihin sayo na lahat ang atensyon niya. May asawa na siya. Kaya namin ipinakasal si Rafael kay Bea dahil kilalang kilala na namin siya. Saka ang alam ko, nagmamahalan na silang dalawa. "

"Tita, alam mo ba ang masakit? Na nalaman ko na kasal na pala sila nung kami pa ni Rafael! Pero dahil hindi ako ganun kasama, hinayaan ko nalang yon. Pero sana naman tita, kahit ngayon na. Pagbigyan mo na ako, ikaw din ng magiging apo mo. Magmumukha siyang anak sa labas kapag hindi kami kasal ni Rafael. "pag dadrama ko. Bahala na basta ang gusto ko ay makasal saakin si Rafael! That's all. Kung ayas nila, edi wag. Nasa akin tong bata at ako ang magdedesisyon.

Ipapalaglag ko ang lintek na batang ito kapag wala mang nangyari. Ito ang magiging tulay namin ni Rafael kaya sana... gumana ang plano ko.

"Hindi pwede yun ija. "

"So anong gusto mong gawin ko? Ako ang mag adjust tita! Ako ang buntis.. Sana intindihin niyo ako! "hysterical  ko.

"Wag kang mag hysterical  ija baka mapano ang apo ko. "

"Ganun din naman tita! Maiistress lang ako kung ayaw mong ipawalang bisa yung kasal nila Bea! Sasabihin ko po sayo, mag isip ka ng mabuti. Kung ayaw mong mawala ang apo mo, sundan mo naman ako. At kung si Bea naman ang pipiliin mo, okay lang sakin.Okay lang din naman sainyo na mawala na ito sa buhay niyo! "madiin kong sabi saka na nilisan ang bahay nila.

Kainis sila tss.

I'm secretly married to a campus Prince[COMPLETED]Where stories live. Discover now