CHAPTER 11

45.8K 876 26
                                    


"Are you okay? "

Tulala pa rin ako sa pangyayari. O sabihin nating sa nakikita ko ngayon. Hindi ako makapaniwala. Na nandito siya.

Lumapit siya sakin at hinaplos ang mukha ko. "Baby i am happy that you're  safe. "bulong niya sakin at saka ako hinalikan.

Umiyak lang ako sa bisig niya. After a few minutes, napagdesisyunan namin na pumunta muna sa isang kainan dito sa mall. Isipin na walang nangyari. Tutal, namatay din naman si Andrew, wala ng dapat pang asikasuhin.

Nagtanong ako kay Rafael kung bakit niya ako nailigtas.. o nalaman na nandito ako sa mall. Ang sabi niya, namimili lang daw siya ng gamit niya nang may nag alarm daw, sign na may strangers nga sa loob ng mall kaya agad na din siyang rumesponde.

"Makiki usap ako kay Daddy na I-
cancel  na niya ang flight ko. Dahil sa nangyari sayo, kailangan na kitang protektahan."

"Nasaan nga pala si Rencee? "tanong ko kaya lumukot ang mukha niya.

"Sa dinami dami pa nang dapat itanong bakit siya pa ang inuna mo? "iretableng tanong niya.

"Siya naman kase ang kasama ko kanina. "

"Pina uwi ko na siya. "tila walang ganang  sabi niya at saka na lumbas sa  store pero hinabol ko siya.

"Rafael naman. Ang labo labo mo talaga! "

"So ako pa ngayon ang malabo? "tanong niya na mukhang galit na galit na talaga siya. Hindi na siya yung Rafael nung bago siya umalis sa bahay. Siya na yung dating Monster  na Rafael. Anytime pwede niya akong lamunin sa galit niya.

Napalunok ako ng ilang beses. Bakit ko ba nasabi sa kanya yun?

"Sorry Rafael.. "

"Don't dare to say that word! Hindi yan katanggap tanggap Bea! Layuan mo na ako! "yun lang ang huling sinabi niya at naiwan ako sa mall na umiiyak.


"I'M SORRY BEA. "pahingi ng pasensya sakin ni Cee. Nasa mansion nila ako ngayon. Nakita niya kasi kanina ako mag isa. Lutang ang isip kaya inuwi niya ako. Kinuwento niya sakin ang nangyari kanina, pinauwi nga siya ni Rafael dahil nalaman niya na kasama ko siya. Pero buti pa nga si Cee e. Binalikan pa ako sa mall. Samantalang si Rafael, iniwan talaga akong nag iisa.

"Ayos lang yon. Hindi naman ikaw ang may kasalanan. "sabi ko naman.

"Inom ka muna ng juice oh. "inabot niya sakin ang lemonade.

"Wow favorite  ko to a. "sambit ko nang matakman ko ang napakasarap na lemonade.

"Fresh yan. Dahil mas nakakabuti yan sa katawan kesa sa naka in can dahil may halong sangkap na yung in can. "paliwanag niya.

"Nga pala, ikaw lang mag isa dito sainyo? "

"Oo. Busy si daddy. Si mommy naman matagal ng wala. "sabi niya sakin at lumungkot ang  ekspresyon niya.

"Pumunta sa isang bar noon si mommy kasama ako when i was 7 years old. Sinama niya ako kasi nag away sila ni daddy dahil sa hindi napagkasunduan. Sinubukan daw kaming habulin ni dad that time pero masyado daw kaming mabilis. Nung nasa bar na daw kami, may nangyaring gulo sa loob. Nasali kami dun sa Bar Bomb na tinatawag nila. Pinasabog nila ang bar na pinuntahan namin. Nagising nalang ako  nasa hospital ako kasama si dad. Tinatanong ko nun si mommy ayaw niya pang sabihin nung una pero... sinabi na niya rin na hindi daw nila mahanap yung bangkay ni mommy. "
mahabang kwento niya. Kaya pati ako napapaluha na sa  story niya e. Suminghot singhot pa ako.

Kawawa naman siya.

"Hangga ngayon ba hindi pa nahahanap yung bangkay niya? "tanong ko.

"Yes. Hindi pa nila nahahanap. Pati ang hustisya sa nangyari wala pa rin. Alam mo kinabukasan non, it was my birthday. "sabi niya kaya lalo akong nakaramdam ng awa sa kanya.

"Patay na din kasi yung owner ng bar kaya walang nangyari. Pero yung anak niya ngayon ang gumagawa ng paraan. Marami pa din naman kasing nag rarally sa harapan ng bahay nila at isinisigaw ang hustisya. "sabi niya.

Lumapit ako sa kanya at saka siya yinakap.

"Maayos din ang lahat. "

I'm secretly married to a campus Prince[COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora