CHAPTER 12

43.2K 869 33
                                    

"Sana nga. "sabi ni Cee at tumayo na.


"Mabuti pa at matulog na tayo. Bukas nalang natin isipin ang lahat. "dagdag niya. Tumango naman ako.

Sinamahan niya ako sa isang room. At don na muna ano magpapalipas ng gabi.

"Good morning. "bati sakin ni Rencee pagkababa at pagkababa ko sa hagdan. Pumunta ako sa kitchen counter at uminom ng tubig.

"Pupunta tayo ngayon sa Davao. "bigla niyang sabi kaya nagulat ako.

"Ano naman ang gagawin natin sa Davao? "i ask.

"Nakita na daw nila ang abo ni mommy. Ngayon papatunayan palang namin na siya nga iyon. Magsasagawa sila ng test. I pray na sana siya na nga. "sabi niya kaya napatango tango lang ako.

"Kain na tayo. "he said. Umupo na ako sa upuan at kumain na kami.

Makalipas ang ilang oras handa na kami pagpunta ng Davao.

"Kinakabahan ako Bea. "sabi niya bago lagay ang seatbelt niya.

"Ano ka ba! Wag kang kabahan. Always think positive. "sabi ko at ngumiti gayun din siya.

Sana nga yun na ang mommy niya dahil matagal na niyang hinihingi ang hustisya para matahimik na ang mommy niya.

After two days.

"WHERE ARE YOU?"iritadong tanong ni Rafael mula sa kabilang linya. Himala at nagparamdam pa siya.

Nandito pa kami sa Davao. Ilalagay na namin sana sa morgue ang abo ng mommy niya ng may epal na tumawag. Naiinis talaga ako sa kanya dahil sa ginawa niyang pag iwan sakin last week.

"Pake mo ba kung nasaan ako ah? !"ganti ko sa kanya. Alam naman nina mommy kung nasaan ako. Nag request lang kasi ako sa kanila na huwag na huwag nilang babanggitin kay Rafael kung nasaan ako.

"May pake ako dahil asawa kita! "sigaw niya. Alam ko naman na galit na galit na ang expression niya.

"Kailan mo pa ako naging asawa ah. "pang iinsulto ko sa kanya. Nakarinig naman ako ng kabog matapos kong sabihin yun. Hala! Anong ginawa ko huhu.

Sana naman kung may hinagis siyang kung anong bagay wala siyang natamaan. Nga pala, nakalimutan kong sabihin sainyo na lumipat na ako ng university na pinag aaralan. Nag paalam naman ako kina tita and tito. Ipagpapatuloy ko nalang ang pag aaral ko dito sa Davao. Sasamahan ko nalang muna si Rencee. Wala naman sigurong masama doon.

Kaibigan ko siya at dadamayan ko siya.

At.. Gusto ko lang naman din iwanan muna ang mga sakit na naranasan ko sa Manila.

Flashback.

Habang hinihintay ko si Renccee na bumaba sa hagdan,nasa boarding house kami ngayon dito sa Davao dahil wala pa kaming matitirahan. Tinest na yung abo at naghihintay na lamang ng resulta.

"Mommy gusto kong lumipat ng school dito sa Mindanao. "sabi ko kay mommy ng sumagot siya sa tawag ko.

"Ha anak? Nasa Mindanao ka? Hindi ka man lang nagsabi sakin? "gulat na tanong ni mommy.

"Opo biglaan. Sinamahan ko lang po si Rencee dito. "

"Eh anak diba ayaw ka na ni Rafael na nakikipag communication kay Rencee? "

"Ma nag away po kame. Siya naman po nauna. Ang labo labo po niya. "kinuwento ko yung nangyari sa mall.

"Sige anak. Sasabihin ko kay Mareng Rhea. Sana naman pumayag siya. Ako na ang bahala. "sabi niya sakin kaya nagpasalamat ako nang marami.

After an hour lamang... Naasikaso na ang lahat.

End of flashback.

Kaya ayos na ako dito. Dito na ako magsisimula nang bagong buhay.

Hayaan ko munang lumamig ang ulo ni Rafael. Alam ko naman na maayos pa e.

Maya maya'y nag ring ang phone ko.

Si Rafael nanaman pala. "Bea please. Come back. "paos na ang boses niya. This time i felt guilt.

Pero kailangan kong tiisin ang nararamdaman ko.

"Rafael naman. Sana naman intindihin mo ako. "sabi ko saka ko na pinatay ang call.

"Bea! "tawag naman sakin ni Rencee, kaya nilagay ko muna sa bulsa ko yung phone ko.

"Nagpakita sakin si mommy... "

Bigla naman akong kinilabutan sa sinabi ni Rencee.

"Wag kang matakot. Hindi naman siya bad spirit. Nagpasalamat lang siya at nakamit niya na ang gusto niya. "nakangiting sabi ni Rencee.

Salamat naman.

"Uhh gusto mo na bang kumain? "i ask him.

Gutom na ako ea.

"Sure. Mag papa deliever nalang ako? "tanong niya.

Umiling ako.

"Magluluto nalang ako. "sabi ko at pumunta sa kusina para magluto ng kakainin namin.

I'm secretly married to a campus Prince[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon