CHAPTER 3

64.6K 1.3K 20
                                    

Kinabukasan agad bumangon si Bea dahil may pasok na daw sila.Ni ready niya muna ang kanilang kakainin tapos ay naligo na siya. Nang matapos na siyang mag-bihis ay pumunta na siya sa dining room para kumain sana ng breakfast niya nang may humila sa braso niya. Napatingin siya dito, si Rafael, Wearing a devilishly smile.


"Kakain na ako ano ba! "nagpumiglas pa ito sa pagkahawak ng binata.

"May iuutos lang ako sandali. "sabi nito kaya sumunod nalang siya.

Sa Garden siya dinala ng binata.

May malaking curtain  doon. Nagulat siya ng bigla iyong bumukas at mula sa kortina ang lumabas ang pamilya niya doon at may hawak na cake ang nakababata niyang kapatid na si Ben.

Nandoon din si Tita Rhea at Tito Rashy. May mga hawak itong regalo.

May tarpaulin  ding nakasulat na HAPPY BIRTHDAY BEA. Hindi niya alam na birthday niya pala.

"Happy birthday honey. "bulong ni Rafael na ikinataas ng balahibo niya sa katawan.

"Happy birthday anak! "lumapit ang magulang niya sa kanya at yinakap siya.

"Sa sobrang busy niya po nakalimutan na niya ang 17th birthday na niya pala. "sabi nito.

Nagsitawanan sila.

"Mamayang gabi pala ija may paparty ka. "sabi ni tito Rashy.

"Ay kahit wag na po. Kahit ngayon nalang okay na saakin. Basta yung presence  niyo lang po gift na saakin 'yon."tanggi niya. Umiling naman si Rhea.

"No. Bilang Birthday  girl ,kailangan mong mag enjoy. You can invite your friend so you can enjoy your  seventeenth  birthday. "nakangiting sabi ni Rhea.

"Sige po. "

"Except  Rencee. "sabat naman ni Rafael na ikinasimangot niya.

"Son, You don't have right to dictate  Bea kung sino ang gusto niyang imbitahin. Sa kanya party ang magaganap mamayang gabi kaya siya ang mag dedecide yung sino ang iinvite niya or hindi."pangangaral ni Rashy sa anak na si Rafael. Napasimangot lang ng mukha ang binata.

"Blow kendel kendel blow! "masayang sambit ni Ben kaya napatawa silang lahat sa ka- kyutan nito except Rafael.

"Okay. Make a wish. "sabi ni Rhea sa manugang.

Pumikit muna si Bea at nagsimula ng mag wish.

Pagkatapos ay binlow na niya ang kandila kaya nagpalakpakan sila.

Nagkaroon din sila ng kaunting salo salo.

Kahit ganoon lang  ang klaseng birthday ang mayroon siya, ayos na yun para sa kanya. Dahil kahit nga presence lang ng magulang niya ay okay na.

Bumaba siya sa hagdanan hawak hawak ang long gown na pinausot sa kanya ni Mrs Rhea.

Maraming nag aabang sa kanyang pagbaba. Lalo na si Rafael na parang natulala na sa ganda niya ngayon. Ng tuluyan na siyang makababa binigay na ni Rafael ang bouquet of rose na hawak nito. Madami din ang nag flash ng camera, pero ang sabi nila ay huwag ipo- post sa social media na magkasama sila ni Rafael, dahil baka kung ano pa ang isipin ng mga tao at baka maging issue pa sa campus iyon.

Inalalayan siya ni Rafael para makalabas sa main entrance ng bahay. Garden party iyong birthday niya, marami na ring tao ang nandoon, mga kamag anak at ang close friend lang niya ang inimbitahan, of course  pati si Cee ay inimbitahan na niya rin.

Lumapit ito sa kanya at binigay ang naka balot na regalo,si Rafael naman ay masama ang pinukol sa kanila. Hindi na lang iyon pinansin ni Bea dahil birthday  naman niya. Tama nga si Tita Rhea, siya ang dapat mag enjoy.

"Salamat sa pagpunta,at nag- abala ka pa talaga. "sabi niya.

"Basta ikaw. "sabay kindat.

In- entertained  na niya si Cee pagkatapos ay bumalik na siya sa table nila.

Ng maka upo na siya ay nagsimula nang mag host ang emcee at nagsimula na nga ang party niya.

I'm secretly married to a campus Prince[COMPLETED]Where stories live. Discover now