CHAPTER 21

34.8K 682 5
                                    

Ps. Try niyo pong i play sa music niyo ang mga sinulat kong music. Pero pag po yung part lang nun dun niyo i play. Siguradong maiiyak kayo kapag binasa niyo hehe.

..

Hapon na ng dumating sina tita and tito, may ngiti sila sa labi kaya nagtaka ako.

"Ang saya niyo po ata? "tanong ko.

"Tapos na ang problema niyo ija. "sabi ni tita.

Hindi ko maintindihan.

Kinuwento naman niya ang ginawa nila, bagay lang kay Krisa. At salamat naman sa kanila. Napakasinungaling talaga nung babaeng yun! Pinaniwala niya ako!

"Thank you po. "hindi ko mapigilan ang sarili ko kaya yinakap ko na silang dalawa.

"Walang anuman 'yon. At para wala ng sikreto pa, ipaalam niyo na sa buong campus baka naman may umeksena pa. "

...

Simula nung malaman  ng buong campus na mag asawa na kami ni Rafael, wala ng nagtankang bully-hin ako at lapitan pa si Rafael.

Halos araw araw nga ay  nakangiti habang pinupuri nila kami ni Rafael.

Si Rencee naman ay pinapansin pa rin naman ako pero.. hindi na yung dati. Ewan ko ba bakit parang ang weird niya, parang may kakaiba sa kanya.

Malapit na din pala ang intramurals, at syempre magaling na singer si Rafael kaya mag peperform sila sa events kasama ang mga kaibigan niya at ang kapatid niyang si Prince John.

Heto namang si Prince, nanliligaw na kay Flary.

May practice pala sa gymnasium  si Rafael kaya papunta ako para manuod ng biglang may humila saakin. Dinala niya ako sa walang taong part ng campus.

"Sino ka--"tinakpan niya ang bibig ko. Ng maaninagan ko ang mukha niya, si Rencee pala.

"Ays ikaw lang pala yan. Pinakaba mo ako. "sabi ko.

"Gusto lang sana kitang yayain. "

"Saan? "i ask.

"Sa mall. Maglilibot libot tayo. "sabi niya saka tumingin sa paligid.

"Tutal may practice naman ang asawa mo. "sabi niya saakin.

"Sure. "hindi naman ako nag alanganin kasi alam ko naman sa sarili ko na walang malisya ang pagsama ko kay Rencee dahil kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya. Saka malabong magustuhan ko siya kasi mahal na mahal ko ang asawa ko. Never ko siyang lolokohin.

Agad na kaming pumunta sa parking lot at sumakay na ako agad sa Ferrari  niyang sasakyan.

Playing music[Drowning by Backstreet Boys]

(

I-play niyo po)

Pumasok na din siya. Nginitian niya ako tapos nagulat nalang ako ng hinawakan niya ang kamay ko. Saka na niya pinaandar ang kotse niya. Hindi ko alam pero pakiramdam ko ay malungkot siya. Hindi ko alam bakit parang ganito ang kinikilos niya? Baka dahil malungkot siya na nalaman na mag asawa na kami ni Rafael?

Mahal na din ba niya ako? 'Sorry Rencee.. Hindi na pwede. 'usal ko sa sarili saka siya tinignan at ang kamay niya na nakapatong sa kamay ko.

Mabilis din kaming nakarating sa parking lot ng mall, binuksan niya amg pintuan ng kotse saka ako inalalayan bumaba. Nagulat naman ako ng yakapin niya ako ng mahigpit.

Tapos ramdam ko din na umiiyak siya.

Playing music[Kundiman By Silent Sanctuary]

(I-play niyo po)

"Bakit ka umiiyak? "tanong ko sa kanya ng maharap siya saakin. Hinawakan niya ang mukha ko.

"Bea.. Hindi ko na kaya. Masakit. Masakit na nakikita kayo ni Rafael na masaya, at mahal ang isa't isa. "umiiyak na siya. Nakaka awa siya. Lalong lumiit ang mata niya tapos namumula pa yung ilong niya.

Talagang nasasaktan siya.

Wala akong nagawa kundi yakapin siya. Kahit ngayon lang siguro yayakapin ko siya pwede naman.

"Alam mo.. Nung una palang kitang nakilala, sabi ko ikaw na ang babaeng magpapasaya saakin. Yung babaeng susi ng puso ko para bumukas uli at magmahal.At akala kung nung naging close tayo... mapapasaakin ka na. Hindi pa pala. Sinubukan kong maghintay pero.. alam mo sabi saakin ni Rafael nung lasing akong nakatulog sa mansion niyo? Sinabi na niya saakin non na mag asawa na kayo. "mahabang sabi niya habang umiiyak.
(Ps. Chapter One po yun.)

"Akala ko nung una  hindi man totoo pero... totoo pala yun Bea. Kaya kita sana inaya dito kasi... gusto kong masulit na ang pagsasama natin. Kahit hanggang kaibigan mo lang. Kasi.. gusto ko na munang magamot ang sugat saaking puso sa States. "

"Cee.. Sorry. "yun lang ang tanging nasabi ko saka na rin ako umiyak.

Pareho na kaming umiiyak ngayon.

"Hindi ko masuklian ang pagmamahal mo kasi may mahal na akong iba. Pero mahal kita Cee as a--"hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng halikan niya ako ay hindi pala. Smack lang yun.

"Friend. "sabi niya sabay ngiti ng pilit.

I'm secretly married to a campus Prince[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon