CHAPTER 13

40.7K 829 30
                                    

Rafael Pov

Hindi ako papayag na basta basta  nalang niya ako gaganyanin!

Hindi porke mahal ko siya ay under na ako lagi sa kanya? Kailangan ko din siyang hanapin kung nasaan siya ngayon! Dahil hindi ako makakapag na ganyanan lamang.

Tinawagan ko yung magaling kong kaibigan para hanapin si Bea. Kahit saan mang lupalop yan ng pilipinas. Mahanap ko lang siya.

After Two Days..

"So nandoon pala siya kasama si Rencee?At hinayaan niyo lang po siya ganon? "magaling naman talaga ang kaibigan ko at natunton niya kung nasaan si Bea. Nasa Davao siya ngayon at doon na nag aaral, isa pa;kasama na niya pala si Rencee don at alam pa nina mommy at daddy ang pinaka worst pa don ay alam ni tita pero pinabayaan lang nila siya.

Bakit? Naiba ba ako sa kanila para itago pa saakin yon?

"Sorry Rafael. Humingi lang naman ng favor ang anak ko. "

"Kahit na! Alam niyo naman na kasal na kami diba! "sigaw ko na ikinagulat nila. Biglang pumunta sa harap ko si dad at si mom.

"Wag mo namang sisigawan si tita mo. Nawawalan ka na ata ng respeto  anak! "madiin na sabi ni dad. Kumalma naman ako.

"Ang gusto ko lang naman pong iparating sainyo, bakit niyo siya hinayaan. "mahinahon na tanong ko. Tita have a deep sigh.

"Minsan lang naman humungi ng pabor saakin ang anak ko. At alam kong kaibigan lang niya si Rencee. Gusto lang niyang tulungan ang kaibigan niya. "paliwanag ni tita habang nakayakap kay tito.

"Kaibigan? E kailangan niya pang mag aral doon? "

This time, si mommy naman ang sumagot. "Gusto niya munang magpalamig anak. Lalo na sa ginawa mo sa kanya nung isang araw. Na iniwan mo siya sa mall mag isa? At sinigawan? Akala mo ba hindi nasaktan si Bea doon? "

Napayuko ako ng ulo. "Sorry. It's my fault. Hayaan niyo, papabayaan ko muna si Bea. Magpapalipas muna ako ng oras. Pero hindi pwedeng doon nalang siya mag aral. "sabi ko. Tumango naman sila. Matapos non, humingi ako ng pasensiya kina tita at tito, lalo na kay tita na nasigawan ko pa. Ganyan lang talaga epekto saakin si Bea. Mahal na mahal ko siya kaya ako nagkakaganyan.

..

Bea Pov

Nasa labas na kami ngayon ni Rencee,papasok na kami ng school. Ayos naman pala. Ilang weeks na din akong pumapasok sa F. U, mababait naman ang mga student don pero private din. Hindi katulad ng S. U naku, puro kasi mga richkid. Dito kasi si F. U hindi naman porke nag aaral ka diyan mayaman ka na? Hindi. Lahat ng mga Honor Student, Pasok sa scholarship, sila ang nandiyan. Madalang lang may mayaman na pumapasok.

Bago kami makasakaya sa kotse ni Rencee, nag ring yung phone ko kaya ko  iyon sinagot.

"Hello? "

"Anak. "si mama pala.

"Bakit ma? "

"Alam na ni Rafael ang lahat. Kanina lang nagalit siya sakin pero nanghingi na siya ng paumanhin. Ahm, hahayaan ka na muna niya daw diyan pero hindi niya daw hahayaan na diyan ka mag aral. "

"Ah? Ayos na po ang lahat dito ma. Tatapusin ko na yung highschool  ko dito. "

"At sinong nagsabi sayo na tapusin mo diyan? Sa S. U ka mag aaral! "sa tingin ko ay kinuha ni Rafael kay mama yung phone. Tsk.

"Ewan ko sayo. Sige na papasok na kami. "

*Tootoot*

Nakakainis talaga si Rafael kahit kailan hmp! Kailan man hindi na ako mag aaral sa S. U no! Gustong gusto ko na dito. Pake niya ba?

"Tara na? "aya sakin ni Rencee.Tumango nalang ako at sumakay na sa kotse niya.

..

Rafael Pov

"Bakit ayaw niya tss. "

"Diba sabi mo pababayaan mo muna siya? Sige na Anak. "pagsusumamo ni Tita.

Sigh.

"Basta within one week dapat makabalik na dito si Bea. "

I'm secretly married to a campus Prince[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon