CHAPTER 27

31.5K 674 45
                                    

Bea Pov

"Inom ka muna ng juice anak. "binigay saakin ni tita ang baso ng juice.

"Salamat po. "sabi ko at ininom na iyon.

"Ahm napirmahan na po daw niya?"tanong ko.

"Oo anak. Sana maging maayos ang lahat pagdating ang tamang panahon. "sinserong saad ni tita.

Humarap ako sa kanya.

"Tita, masaya na si Rafael sa magiging pamilya niya. Kaya sa tingin ko, maayos balang araw 'yang relasyon nila ni Krisa."

Ayaw ko nang umasa. Dahil masakit. Ayaw ko nang  mga false hope, yun ang nakakapag sakit sa damdamin ko e.

Ilang beses ko ng pinatawad si Rafael, ngayon hinding hindi ko na siya pao
patawarin. Dahil wala na. Finish na.

"Tita lilipat na po ako ng school.Napag isipan na din po namin ni mama 'yan.Salamat po sa lahat lahat. At sorry po kung ginagawa namin 'to sa kabila ng kabaitan niyo saamin. "

"Sigurado na ba kayo? "tanong ni tita. Tumango lang ako.

Sorry Rafael but i decided  to cut our communication.


After  1 year.

"Kamusta naman ang first sem anak? "tanong ni papa. Nagmano muna ako sa kanya bago ako sumagot.

"Ayos naman po. Nag enjoy nga po ako sa university  na 'yon! Nakaka gana talagang mag aral. "pahayag ko.

"Mabuti naman anak kung gano'n. "nakangiting sabi saakin ni papa.

Simula nung lumipat kami dito sa probinsya namin, wala nang naging problema. Ang ganda at ang linis ng populasyon dito di tulad sa Manila.

Mababait ang mga tao, at magalang.At higit sa lahat 'Walang manloloko!'

Nakapagtapos ako ng high school  dito, nag pa transfer ako tapos hindi ko akalain na ako pa ang Valedictorian. At ngayon ay nag aaral ako sa Star Hollywood  Academy.First sem na kaya masaya ako na nakapasok ako. Kumuha ako ng course  na Accountancy.

Kahit hindi  private ang academy na ito, at hindi  sossy , maganda naman. Mababait ang mga tao, or should  i say Students dito hindi katulad ng Students ng S. U, gaya lang ng pinasukan ko sa Davao.

"Masaya ka ba anak? "tanong pa niya. Umupo ako sa may bench.

Tumayo naman si papa saka humigop ng kape.

"Masayang masaya pa. "nakangiting sagot ko. Mahirap nga lang ang mga pinag aaralan. About sa computer's and sa mga account ang pinag aaralan namin. Pero una pa lang, gusto ko na ang accountancy  salamat at makakamit ko na rin soon.

"Saan pala si mama ,Pa? "tanong ko saka luminga sa paligid.

Tumawa namam si papa.

"Anong nakakatawa pa? "tanong ko.

"Pumunta siya sa mansion ng mga Sy. "

"Lumuwas siya ng Manila!? "halos pasigaw na tanong ko sa pagkabigla.

"Oo anak. Kailangan e. "

"At ano pang kailangan natin sa kanila pa!?  nabayad na natin ang mga nabigay nila saatin diba?! "i exclaimed.

"Pero kulang pa 'yon anak. Kulang pa sa kabutihan na nagawa nila saatin. "mahinahon na sabi ni papa.

"Alam ko naman 'yon pa. Pero hindi naman dapat basta mag paramdam sa kanila ulit! Paano pa ako makakabangon
niyan! Kung  makikipag communicate  pa kayo sa kanila. "kalmado ko ng sabi.

"Oo anak alam naman namin iyon ng mama mo pero ang iniisip lang namin yung... kapakanan mo anak. "sabi ni papa.

"I don't get you pa. Ano bang sinasabi mo?"
naguguluhang tanong ko.

"Pumunta siya doon para i pa meet up ka sana kay Rafael. "naglihis pa ito ng tingin.

"Ah pa? Hindi na kailangan! May anak na sila ni Krisa... "yung kirot nanaman sa dibdib ko ayan nanaman. Nagsimula nanaman akong masaktan. Sumariwa nanaman ang mga sinabi ni Rafael na gusto niyang makasama ang mag ina niya.

"Sorry anak. Gusto lang namin ng mama mo na maging kayo ulit.. "

"Pa kahit kailan hindi naging kami ni Rafael! At ipapangako ko sa sarili ko na hinding hindi magiging kami! "sigaw ko.

Sa pagsigaw ko na iyon, bigla nalang akong nakaramdam ng paninikip ng dibdib ko at panlalabo ng mata ko kaya anything  went black.

I'm secretly married to a campus Prince[COMPLETED]Where stories live. Discover now