CHAPTER 24

33.7K 616 23
                                    

"Kaya mo yan! "pampalakas loob ko kay Rafael. Nag drama ang baby!

"Bakit di ba hindi ka naman nahihiya sa mga tao? "natatawang sabi ko.

"E siyempre nahiya ako saiyo bebe. "sabi naman niya kaya natawa ako lalo. Lagi na kaming nag aasaran ngayon hehe.

"Oo na oo na! Kaya ko na oo na! "sabi niya saka niya ako pinugpugan ng halik. Kinikilig naman ako hihi. Landi ko na ata ngayon?

Ay hindi pala. Inlove lang pala ako. I'm inlove with this guy. I'm inlove with my husband.

"Go! "sabi ko sa kanya. Tuluyan na siyang umakyat sa back stage habang ako naman ay pumunta na sa harap. Rineserve niya talaga itong upuan para saamin ni Flary.

Nagsimula ng magsalita ang emcee, kaya halos palakpakan ang mga tao dito. Buong gymnasium  ata ay napuno ng hiyawan.

Halos lahat ea!

Tapos lalo pang lumakas ay hiyawan ng lumabas na si Adrian Kang, ang kaibigan ni Rafael. Halos childhood  friend na nga ata sila e. Ang gwapo nito sa suot na white tuxedo, naka brush up ang buhok niya. "Hello guys! "simpleng bati niya ay napuno ng hiyawan ang gymnasium.

Pagkatapos ay nagkanta na siya ng  Kundiman, kaya halos ng kababaihan ay halos mahimatay dahil sa kilig.

Tapos lumabas na din si Prince John Sy. Ang kapatid ni Rafael. Si Flary naman ay napako na ang tingin niya kay Prince. "Aminin mo na.. "pasimple kong bulong sa kanya.

"Mahal ko na siya. "sabi niya . Ni hindi man nga siya tumitingin saakin e. Kay Prince John lang ang  tingin niya e. Hangga sa natapos na ang kinakanta nitong Heaven by your Side, kinikilig naman si Flary dahil kinukurot niya ako. Pero pinapabayaan ko lang siya. Minsan lang kaya siya mainlove.

Pagkatapos ni Prince ay lumabas si Ezekiel Bautista, ang isa pang kaibigan ni Rafael, kumanta siya ng Pagsuko, hindi ko nga alam kung kanino niya dinededicate yun. Basta parang malungkot siya.

Last but not the least, siyempre ang asawa ko. Walang iba kundi si Rafael Sy.

Kinanta niya ang Dying inside to hold you kaya mas lalong mababasag ang eardrums ko nito.

Nagulat nalang ako ng bigla siyang bumabas sa stage  at lumapit sa kinaroroonan ko.

Ngayon ko lang napansin na may hawak pala siyang bouquet  of flowers .Binigay niya iyon saakin kaya kinuha ko nalang. Nilahad pa niya ang kamay niya kaya hinawakan ko na 'yon, bale holding hands kami ngayon papunta sa stage, yung mga tao sobrang kilig ah!

Kahit naman pala ako hindi ko alam ang gagawin ko. Kinikilig ako shet!

"And i was dying inside to hold you,
i couldn't  believe  what i felt for you..
Dying inside... i was dying inside but i couldn't  bring my self to touch you... "kanta niya. Chorus na pala hindi ko namamalayan. Bakit ba lagi nalang niya akong pinapakilig ah!

Bandang huli ay hindi na niya kinanta, sina John, Adrian at Ezekiel  nalang ang nagtuloy non at kami ang nasa gitna. Feeling ko tuloy, prinsesa ako. Ang saya saya ko. Sa bawat araw na kasama ko siya napapasaya niya ako.

Kaya sana wala nalang problemang dumating sa buhay namin dahil gusto ko na yung takbo ng relasyon namin. Maayos at sweet pero hindi naman corny.

Pero aaminin ko, kahit asawa ko na siya feeling ko nililigawan niya palang at malapit ko na siyang sagutin kyahh!

Ang saya saya ko na kayakap ko siya.

Sana wala nalang bumitaw!


I'm secretly married to a campus Prince[COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon