15

1.9K 59 4
                                    

Alyssa
It's been a month since that confrontation she had with Mika in her condo and it is not that easy.

She couldn't get near Mika.

Not because Mika doesn't want her presence but because she couldn't find a perfect alibi to be near her.

So kahit ayaw nya ay kinailangan nyang humingi ng tulong sa mga kaibigan nito. Syempre mawawala ba sa eksena ang mga kaibigan nya lalong lalo na ang team besh.

Flashback
She is sitting inside her office in Ally's and thinking of ways of how she could possibly invite Mika to hang out. Pero sumakit na ang ulo nya kakaisip ay wala pa din syang magandang idea.

Kapit patalim na sya ng iconsider nyang humingi ng tulong kila Kim at Ara pero pilit nya pa ring pinipigilan ang sarili dahil malamang sa malamang ay patung patong na pang-aasar ang makukuha nya mula sa mga ito.

She's staring at her phone for more than an hour now battling with herself if she will call Kim or not.

Napapitlag pa sya ng biglang bumukas ng pabalibag ang pinto ng office nya at sunod sunod na pumasok ang teambesh kasama si Bea at Jia.

"Hoy Alyssa! Nandito ka lang pala namuti na ang mata namin kakahintay sayo tapos malalaman namin na nakaupo ka dito lang at nakatanga!"talak agad ni Den pagkapasok pa lang ng pinto.

Nalilitong tinignan nya lang ang kaibigan.

"Wag mong ibigay yang tingin na yan Alyssa!"si Ella naman na nakapamewang pa sa harap ng mesa nya. "Halos hinimatay na ako sa gutom kakahintay sayo pero walang dumating na Alyssa! Tinatawagan ka namin kahit dito sa office pero nganga!"

Only then she realised na may usapan silang magkikita para kumain sa labas ngayong araw pero napako sya sa opisina nya kakaisip ng paraan para makita at makasama si Mika.

And looking at Ella right now, mukhang hindi ito mahihingian ng pasensya dahil nalipasan ito ng gutom.

For Ella, food is life and she would kill for food. With food there is happiness and without it, it's chaotic.

And right now, Ella's looks could kill anyone. Even her for being the reason why she was not able to eat on time.

"B-besh, magpapaliwanag a-ako."pagpapakalma nya sa dalawang kaibigan.

A beastmode Dennise is already scary but when team up with a beastmode Ella, mataimtim na dasal at himala lang ang makakapagligtas sayo.

"Siguraduhin mo lang Alyssa na maganda ang ibibigay mong paliwanag para hayaan mo akong malipasan ng gutom!"pinandidilatan pa sya ni Ella kaya talagang pinagpapawisan na sya ng malapot at ilang ulit napalunok.

Basta pagkain talaga, tablahan na!sabi nya sa sarili at lihim na napailing.

"Magpaliwanag ka na!"napatalon pa sya sa gulat ng marinig ang sigaw ni Ella.

Lumapit muna sya sa mini fridge ng office nya para makainom ng malamig na tubig.

Umubo sya bago nagsalita at huminga ng malalim. Akmang magsisimula na syang magpaliwanag ng mapatingin kay Jia kung kaya nagdalawang isip sya magpatuloy.

Deal or no Deal (#teambabe)Where stories live. Discover now