23

1.8K 53 17
                                    

Alyssa
Tulad ng nakasanayan na ay para na namang binibiyak ang ulo ko sa sakit.

I slightly open my eyes and take a glance of my side table where a water and a pain reliever should be waiting for me pero wala akong nakita.

'Dennise forgets?' Kunot-noo kong tanong sa sarili dahil simula ng matuto akong magwalwal na parang wala ng bukas ay lagi nito iyong ginagawa.

Inisip ko na baka nalasing din ito kahit impossible dahil never ako nitong sasabayan para may mag-aalaga sa akin pag sobrang wasted na.

Lumabas ako ng kwarto upang icheck ang sala kung nandoon pa ba ang aking mga kaibigan ngunit malinis na ito at wala ng bakas ng nangyari kagabi. Wala na ring amoy ng alak na sa abot ng aking naaalala ay siguradong natatapon ko sa floor paminsan-minsan. Amoy air freshener na ang sala.

Walang bakas ni Dennise.

Walang tasa ng lumamig na kape sa center table dahil late na akong nagising.

'Nagsawa na ba sya?" Well, i can't blame her. Wala naman syang dahilan  para hindi mapagod kahit pa matalik ko itong kaibigan.

'She had enough of me too.'

I even thought na baka nga talagang nakakasawa ako.

I decided to go to the kitchen and just make coffee for herself.

Kailangan ko nang masanay na gawin ito para sa sarili ko dahil hindi laging may gagawa para sa akin.

Tamad na tamad akong naglakad patungong kusina ngunit napahinto ako pagdating sa pinto. Ilang ulit kong kinusot ang mga mata hanggang sa humapdi para masigurong hindi ako nililinlang ng mga mata at ng magaling kong imahinasyon.

"Mika."

======== ======== ======== ========
Mika
I just finished fixing the mess in Alyssa's living room.

Nangangamoy kasi sa buong sala kahit pa naligpit na ng Team Besh ang pinag-inuman nila kagabi bago umalis.

Hinugasan ko na din ang mga pinaggamitan nila na itinambak na lang sa sink.

Naisip ko si Alyssa.

Kung hindi ko inayos ang lahat ng ito ay malamang na sya ang mag-aayos pagkagising sa kabila ng matinding hangover.

Oo. Matinding hangover dahil pag naaalala ko ang itsura niya kagabi ay napapailing na lang ako.

*last night*
Ihiniga nila sa kama si Alyssa. Ng maramdaman nito ang malambot na higaan ay gumalaw ito at pagapang na iniakyat ang buong katawan dito.

Nakita kong naiiling na lang si Dennise habang nakatingin sa dalaga at hindi nagtagal ay nagpaalam na din ang mga ito.

Inayos ko ang pagkakahiga nito at kinumutan ngunit ilang segundo lang ay tinaggal na nito agad. Malamang ay nanlalagkit at naiinitan ito dahil sa dami ng nainom na alak.

"Mikaaaa."

Napalingon ako ng bigla akong tawagin ni Alyssa ngunit nakapikit pa din ito ng aking lingunin.

"Mahal na mahal kitaaaa. Kung p-pwede lang mawala to. Kashi mashakeet talaga."muli nitong sigaw in a slurred voice.

In her very drunken state, she is still hurting so bad.

I want to take it all away pero kabaligtaran dahil ako ang cause ng lahat ng sakit na nararamdaman nito.

I hugged her tight and she relaxed a bit hanggang sa tuluyan ng makatulog.

Deal or no Deal (#teambabe)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon