36

1.5K 67 20
                                    

Alyssa
Sobrang kinabahan ako sa dami ng tao sa loob ng bar.

Ilang ulit akong napalunok at huminga ng malalim tulad ng ginagawa ko bago magserve ng bola.

'This is it.'

"Like before, our first song will be requested."

Nakita ko kung paano nag-unahan ang mga ito sa pag-aabot ng papel sa mga nagkalat na staffs ng bar.

Nagwawala pa din ang mga fans ng matapos ang requested song.

I scan the crowd and saw the familiar and expected audiences around. I also saw our friends. Some scanning the crowd too dahil malamang ay hinahanap ako, yung Alyssa na kilala nila at hindi ang bokalistang Alyssa na lingid sa kanila ay nasa harap na nila.

"Good evening po sa lahat. This set of songs is especial for me dahil para ito sa pagharap ko sa pinakamalaking katotohanan ng buhay ko. At may isang taong nagpush sakin for this major turn of events. Sana po magustuhan nyong lahat. Sa taong pinagaalayan ko ng kantang ito, sana magustuhan mo. You will know it is for you." I said while taking a quick look at where Mika is located.

Nailing ako ng marinig ang intro ng first song but then starts moving and grooving with it.

Her baby besh fights for this song to be in the list. And the opening song in particular.

Maya't maya ay lumilingon ako sa gawi ni Mika.

I am singing for her.

At ilang sandali pa, I will reveal to the public who I am and who my heart longs for.

Nasa ikatlong song na sako ng makita kong may ibang kasama sila Mika sa vip room ngunit dahil madilim ay hindi ko ito mamukhaan. I am glad that vip rooms' wall were all made of glass kaya kita ang nasa loob.

I felt nervous somehow but I shove it away thinking it might be because of the anticipation of the event that will happen few songs away.

Lalong lumakas ang kabang nararamdaman ko ng marinig ang intro ng 5th song. This is where I will remove the mask and the rest of the 2 songs I will be singing directly to Mika.

My Mika.

Dahan dahan akong naglakad pababa ng stage habang kumakanta. Hindi ko inaalis ang tingin kay Mika na ngayon ay nakapikit ng mariin. Ilang hakbang pa ng makilala ko ang lalaking kasama nito and I felt a punch in my chest.

'Jerome.' A stream of fear and insecurities flooded my heart and mind subalit nagpatuloy pa din ako sa paglalakad palapit dito.

Ilang hakbang na lang ang layo ko mula sa mga ito ng hawakan ko ang tali ng maskara.

Natahimik ang lahat habang inaanticipate ang mga susunod na mangyayari.

"Sabihin mo Mika, mahal mo pa ba ako?"narinig kong tanong ni Jerome. Maging ako ay naghihintay sa sasabihin niya habang hawak ko sa magkabilang kamay ang maskara at mikropono.

Halatang nagulat din ang lahat sa nakitang mukha sa likod ng maskara.

"Oo. Tama ka. Aaminin ko na mahal pa kita."parang nabingi ako sa bawat salitang binigkas ng mga labi ni Mika.

Kasabay ng nakabibinging hiyawan at ng spotlight na tumapat sa kanila ang paulit ulit na pag-echo ng mga sinabi ng taong pinag-aalayan ko ng gabing ito.

I can't breathe.

Naramdaman ko ang paghinto ng tibok ng puso ko. Parang pinipiga lalo na ng makita ang paglambot ng ekspresyon ni Mika mula sa pagkairita.

The band continues to play unaware of the turn of events.

Nakita ko sa bandang kanan sina Kim at Ara na gulat na gulat din ngunit masyado na akong nasasaktan para mabaling ang atensyon ko sa ibang bagay.

Deal or no Deal (#teambabe)Where stories live. Discover now