Chapter 2

4.4K 126 3
                                    

"Ano ang ginagawa mo rito?" Kunot noo kong tanong kay Brett. Wala pa sa plano namin na pumunta siya agad

"Dahil gusto. Gusto ko ngayon magpakilala sa lolo mo, Sera." Napakurap ako noong marinig ko ang lalaking boses ni Brett. Ang ganda ng boses niya. Hindi ganoon kalalim, yung tama lang.

"Aba, wala sa pinagusapan--" Naputol yung sasasabihin ko noong marinig ko ang boses ni lolo Eugine.

"Thea, apo, sino iyang kausap mo?" Tanong ni lolo Eugine kaya humarap na ako sa kanya.

"Hello po. Ako po pala si Orion Brett Tyson."

"Tyson? Kaano-ano mo si Gilbert Tyson?"

"He is my father."

Paano nakilala ni lolo Eugine ang papa ni Brett?

"Pasok ka na muna." Pagyaya ni lolo Eugine kay Brett, pero humarap na muna sa akin si Brett.

"Jusko. Hindi ko yata gawin ito, Sera." Patay. Bumalik na naman ang pagiging bakla ni Brett.

"Please, tulungan mo lang ako. Pagkatapos nito tapos ang lahat. Pagtinulungan mo ko tutulungan rin kita."

"Okay, okay. Kahit walang kapalit basta wag lang matuloy ang kasal."

Napangiti ako kay Brett. Kung hindi lang bakla itong kaibigan ko. Tsk. Sayang may crush pa naman ako sa kanya.

Pumasok na kami ni Brett sa loob ng bahay namin. Umupo na siya sa sofa. Feel at home lang?

"Okay, dederetsuhin na kita, hijo."

"Okay po."

"Ano ba ang relasyon mo sa apo ko?" Tanong ni lolo Eugine. Napatingin naman sa akin si Brett bago tumingin ulit kay lolo Eugine.

"Boyfriend po ako ni Sera." Sagot ni Brett. Pero bakit ganoon? Biglang bumilis ang tibok ng puso noong sinabi ni Brett na boyfriend ko siya. Acting lang ito. Hindi totoo.

"Bakit hindi mo sinabi sa akin na may boyfriend ka na, Thea."

"Ayaw ko naman po kayo madisappoint kung sasabihin ko agad sa inyo, 'lo. Sinagot ko po si Brett noong graduation namin noong high school."

"Magkaklase pala kayo."

"Yes po. At pareho rin po kami pinasukan noong college kaya noong pagkagraduate namin ay nangako po ako kay Sera na yayain ko po siya magpakasal."

Napabilog ang mga mata ko. Teka, bakit ba ako nagrereact? Acting lang naman ang mga sinasabi ni Brett ah.

"Magpakasal?"

"Yes po. Kung ayos lang po sa inyo."

"Hindi ba nasabi sayo ng apo ko na malapit na siya ikasal?"

"Huh?" Tumingin sa akin si Brett. Para namang hindi niya alam ang tungkol doon. "Bakit mo sinabi sa akin ang tungkol doob, babe?"

"Huh?!" Kasama rin ba iyon sa pagpapanggap namin? Siguro nga dahil alam naman ni Brett ang tungkol sa pagpapakasal ko. Kaya nga tinutulungan ngayon para hindi matuloy. "Kasi... Uh, hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo ang tungkol doon. Ayaw ko kasi masaktan ka dahil mahal kita, Brett."

Saan ba nanggaling ang salitang mahal na iyon? Bigla na lang lumabas sa bibig ko ang salitang iyon.

Nakita ko ring parang nagulat si Brett sa sinabi ko. Acting lang ito, bes.

"Maiwan ko na muna kayo para naman makapagusap." Tumayo na si lolo Eugine sa kinauupuan niya bago umakyat sa itaas.

"Jusme. Acting lang ito, Sera pero pakiramdam ko parang totoo na."

My Gay HusbandWhere stories live. Discover now