Chapter 16

2.7K 82 0
                                    

Maaga ako nagising kaysa kay Brett dahil ang sarap pa ng tulog niya. Nagluto na ako ng almusal namin nang may naramdaman akong yumakap sa akin mula likod.

"Ang bango mo talaga." Pinalo ko ang kanyang braso.

"Tumigil ka nga, baka makita tayo ng kambal."

"Hindi iyan dahil sumilip ako kanina sa kwarto nila bago bumaba at sarap pa ng tulog nila."

"Tumigil ka pa rin dahil nagluluto ako." Sabi ko. Mas nilapit pa niya ang mukha niya sa akin kaya kinakabahan ako sa ginagawa niya, eh. "Anong ginagawa mo?"

"Tiningnan kung ano niluluto mo. At saka hindi ko alam marunong ka na magluto."

"Marunong naman talaga ako magluto. Ayaw mo lang ako paglutuin noon."

"Parang gusto ko matikman ang luto mo."

"Kaya umupo ka na doon dahil mamaya ay matatapos na ako dito."

"Okay, ma'am." Bumitaw na siya sa pagkayakap sa akin. Narinig ko ang paggalaw ng upuan. "Hindi ko pala nasabi sayo ito kagabi."

"Ano iyon?" Nakatingin lang ako sa niluluto ko.

"Can I stay here? Ayaw ko rin naman kasi uwi sa bahay namin dahil naalala ko yung masasakit noong pagkabalik ko, wala ka na. Mas ayaw ko naman sa mansyon."

"Hanggang ngayon pa rin ba galit ka pa rin sa papa mo? Alam ko naman malaki ang atraso niya sayo dahil kinulong ka ng walang dahilan. Hindi naman totoo na kinidnap mo ko." Nilagay ko na sa plato ang niluto kong hotdog at bacon. Nilapag ko na rin sa mesa bago umupo sa harap niya.

Hindi sumagot pang muli si Brett.

"Um, gusto mo ba ng coffee?"

"Alam mo naman hindi ako mahilig sa kape."

"Oo nga pala. Sorry, nawala sa isip ko."

Tumahimik lang kaming kumakain na dalawa. Ang awkward dahil dalawang taon kami nagkahiwalay.

"Um, Brett." Tumingin siya sa akin habang sumusubo. "Ano pala ang ginawa mo noong pinapalaya ka ng papa mo sa kulungan?"

"Bumalik ako agad sa bahay pero wala ka doon. Sinabi sa akin ni mama na papalayain lang ako kung papayag kang iiwan ako. Bakit ka pumayag?"

"Dahil ayaw kong makulong ka nang dahil sa akin. Ayaw ko lumaki ang kambal natin nasa kulungan ang daddy nila."

"Okay."

"Ano naman ginawa mo sa loob ng dalawang taon?"

"Dinala ako ni head chef West sa Paris para doon magtrabaho ng dalawang taon. Kaya noong araw naakisdente tayo nagkita ay iyon ang araw pagbalik ko ng Pilipinas."

"Nakapunta ka na pala sa city of love."

"Gusto mo pumunta doon?" Tumango ako sa kanya. "Sige, pupunta tayo doon kasama ang mga bata pag naayos ko na ang lahat."

"Talaga?" Parang kumikinang ang mga mata ko sa tuwa. Tumango siya sa akin.

Nakita kong gising na yung kambal kaya kinarga ko si Seven at nilagay siya sa high chair niya. Nakita ko rin nilagay ni Brett si Jin sa isang high chair. Nagtimpla na ako ng gatas nila.

"Kayo po yung lalaki sa bahay ni tita Loisa." Narinig kong sambit ni Jin. Katulad ni Seven ay nahihirapan rin siyang magsalita.

"Yes. Ako nga iyon."

"Ano po ginagawa niyo rito sa bahay?"

Tumingin ako sa likuran para tingnan ano nangyayari sa tatlo. Bigla kasing tumahimik.

"Gusto niyo malaman ang dahilan?" Tanong ni Brett. Tumango ang kambal.

Binigay ko sa kambal yung bote nila na may lamang gatas. Tuwing umaga kasi gatas ang gusto nila sa agahan kaysa cereal. Umiinom naman agad sila ng gatas. Napansin ko rin nakatingin sa akin si Brett.

"Palagi ba sila nagtatanong kung nasaan ang daddy nila?"

"Halos araw-araw sila nagtatanong sa akin. Kulang na lang sabihin ko sa kanila ka patay na."

"Grabe siya, oh." Tumingin ulit siya sa kambal na abala sa paginom ng gatas nila. "Gusto niyo ba magkaroon ng daddy."

"Opo. Ang sabi po ni mommy nasa malayong lugar daw si daddy." Sagot ni Jin.

"Handa naman po kami ni Jin maghintay sa pagdating ni daddy." Sagot ni Seven pagkababa niya sa hawak niyang bote.

"Hindi niyo na kailangan maghintay dahil nasa harapan niyo ang daddy niyo." Nakikita sa mukha ni Brett ang saya. Alam ko noong pagkikita namin ulit ay excited siyang makita ang anak namin pero nagsinungaling ako sa kanya.

"Talaga po?" Hindi nakapaniwalang sabi ni Seven. Tumingin naman sa akin si Jin, kaya tumango ako.

"Yay! May daddy na kami." Sabi ni Seven.

"Mahal tayo ni daddy kaya bumalik siya."

"Siyempre mahal ko kayong dalawa. At mahal ko rin ang mommy ninyo." Nakatingin sa akin si Brett pagkasabi iyon sa kambal. Namunula na siguro ang pisngi ko.

Bumalik sa The Empire Restaurant si Brett dahil nandoon pa rin naman siya nangtatrabaho.

Nanonood lang ako ng tv hanggang may binalita.

Breaking News: Ang anak ni dr. Tyson na si Orion Tyson ay enganged na sa babaeng hindi pa nakilala.

Nagulat ako sa aking mga narinig. Bakit hindi sinabi sa akin ni Brett ang tungkol dito?

Pinaasa na naman ba ako ni Brett?

Hindi ko namalayan ang oras dahil gabi na pala at sakto pagbukas ko ng pinto ay nandoon na siya. Sinalubong ko siya ng isang malakas na sampal.

"Ow." Hinimas pa niya ang kanyang pisngi kung saan ko siya sinampal. He deserves it. "Ano ang ginawa ko sayo? Parang kanina okay tayo ah."

"Mangloloko!" Sigaw ko.

"Huh? I don't understand, Sera."

"Stop acting like you don't know, liar! Liar! Umalis ka na dahil ayaw ko sa taong sinungaling." Ayaw kong umiyak sa harapan niya pero wala, eh. Kusa ng bumabagsak ang luha ko. Hinila rin niya ako para yakapin pero hinahampas ko siya sa dibdib. "Lumayo ka sa akin. Ayaw na kita makita! Lumayas ka na!"

"Hindi ko iyan gagawin, Sera dahil nangako ako sa mama mo na hinding hindi kita iiwanan. At mas lalong hindi ako papayag--" May tumunog na cellphone. Iyong fiancee ba niya ang tumawag. "Engaged?!"

Tumangala ako sa kanya at kitang kita sa mukha niya ang pagkagulat pero nabawi rin iyon ng isang ngising aso.

"Kaya mo na ba ako sinalubungan ng sampal dahil sa balitang engaged na ako?" Hinigpitan pa niya ang pagkayakap sa akin. "Masakit ang sampal mo pero hayaan mo ko magpaliwanag."

Hindi na akong kumibo pang muli. May parte kasi sa akin na gusto kong makinig sa sasabihin niya.

"Wala akong alam tungkol sa engage engage na iyan. Maniwala ka sa akin, Sera. Dahil hindi ko naman kailangan na maging engaged kung kasal pa rin naman ako sayo." Bumitaw na siya sa pagkayakap. Kumunot ang noo ko.

"Huh? Kahit kailan ay hindi tayo kinasal, Brett. Nagpanggap ka lang bilang Wilfred."

"Two years ago ay nagkausap kami ni Will at sinabi niya sa akin lahat..." May pinakita siya sa akin. Isa iyong marriage contract. Namilog ang mga mata ko dahil nakalagay sa groom ay ang pangalan ni Brett hindi ni Wilfred. Sinabi na rin sa akin ni Brett ang katotohanan kung bakit pangalan niya ang nandoon. Binago pala ni Wilfred ang marriage contract. Sa simula pa lang ay si Brett talaga ang asawa ko.

My Gay HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon