Chapter 20

3.1K 75 2
                                    

Thea's POV

"My Gosh, Thea. Hindi ako inaasahan na magiging totoo ang kasal niyong dalawa ni Orion. Parang dati lang nagplaplano tayong tatlo para hindi matuloy ang kasal mo kay Wilfred." Ingay talaga ni Loisa. Pero iyan ang namiss ko sa kaibigan ko. Noong sinabi ko sa kanya na ikakasal ulit ako ay umuwi talaga siya ng bansa dahil siya ang kinuha kong brides maid.

"Pero hindi naman talaga ako kinasal kay Wilfred sa simula pa lang."

"What do you mean?"

"Bago kami ikakasal ni Wilfred ay nagawan niya ng paraan para baguhin yung marriage contract kaya si Brett ang asawa ko hindi ang kakambal niya."

"Ginawa ni Wilfred iyon?" Tumango ako kay Loisa.

"Speaking of Wilfred, nagkita na ba kayong dalawa?"

Hindi kasi umuwi ng bansa si Wilfred kahit tinawagan na siya ni Brett para sabihin na malapit na ang kasal namin.

"Sabi ko nga sa inyo noon ay malaki ang California kaya hindi isa o ilang araw makikita ko agad ang kakambal ng asawa mo. Paano na lang kung wala na pala siya sa California?"

"Saan naman siya ngayon pupunta?"

"Aba, malay ko. Hindi ko naman hawak ang oras niya."

"Noong nakausap mo siya dati sa isang bar noong nakita mo siya kasama yung mga kaibigan niya.. ano ang masasabi mo kay Wilfred?"

"Ewan ko dahil hindi naman kami nagkasama ng matagal noong gabing iyon. Lasing siya kaya hinayaan ko na lang siya matulog."

Hindi talaga ako naniniwala kay Loisa. Parang may tinatago sa akin ang babaeng ito pero hindi ko naman siya pipilitin kung ayaw niyang sabihin sa akin. I won't force her. Kung kailan siya handa nandito lang ako para nakinig sa kanya.

"Sige, balik na ako sa simbahan, Thea. Kita na lang tayo doon ah." Tumango ako sa kanya bago pa siya tuluyang lumabas ng kwarto ko.

May narinig akong kumatok. May nakalimutan ba si Loisa kaya bumalik? Biglang bumukas ang pinto, ang akala ko si Loisa ulit pero si mama at tito Dan.

"Your father is here, Thea and he wants to see you." Sabi ni tito Dan. Sa kanya pa talaga nanggaling iyon. May isang lalaking pumasok sa kwarto. Maiyak iyak ako pagkakita sa kanya.

"P-Papa." Kahit ayaw kong umiyak ay tumulo pa rin ang luha ko.

"Maiwan na muna namin kayo para makapagusap." Sabi ni mama. Tumango ako bago sila lumabas ni tito Dan.

"You are so pretty, anak. Manang mana ka talaga sa mama mo."

"S-Salamat po. Pero paano niyo po nalaman na ikakasal na ako?"

"May lumapit sa akin noong isang araw at sinabi niya sa akin na asawa mo daw siya. And he told me everything."

Kinausap siya ni Brett? Bakit hindi niya sinabi sa akin? Mamaya kakausapin ko siya.

"Ano pa po ang sinabi ni Brett sayo, papa?"

"He wants my blessings. Sa nakikita ko naman ay mabuting bata ang napangasawa mo ngayon, Thea kaya binigay ko na sa kanya ang blessings ko. Alam ko naman na aalagaan ka niya ng maigi."

"Thank you po talaga." Niyakap ako ni papa. Hindi ko na maalala ang huli akong niyakap ni papa. Matagal na rin iyon. "Salamat po dahil nakapunta kayo sa special na araw para sa akin."

"Papalampasin ko pa ba ang araw ng kasal ng kakaisa kong anak?"

"Wala po ba akong kapatid sa side niyo?"

"Wala. Kaya ikaw lang kakaisang anak ko."

Hindi na importante iyon. Ang importante ay nakita, nakasama at nakayakap ko ulit ang papa ko. Ang saya ko ngayon.

"Maging masaya ka lang sa magiging pamilya mo."

"I will po."

Ang saya ko ngayon dahil sina mama at papa ang naghatid sa akin sa altar. Ang akala ko nga hanggang panaginip ko na lang ito mangyayari pero nangyari. Nandito si mama, nandito rin si papa. Buo na ang pagkatao ko.

Pero mamaya na ako magpapasalamat kay Brett.

"Do you Orion Brett Tyson take Thea Sera Reynolds as your wedded wife?"

"Alam ko man nakakahiya ang ginawa kong magpanggap na isang bakla para lang makasama at makausap ka man lang. Mahirap gawin ang magpanggap na iyon dahil hindi ko alam kung paano ko sasabihin sayo ang katotohanan hanggang nagkaroon ako ng lakas na loob na sabihin sayo ang totoo. Salamat kahit nagsinungaling ako sayo ay tinanggap mo pa rin ako. I do, Father."

"Do you Thea Sera Reynolds take Orion Brett Tyson as your wedded husband?"

"Yung mga panahon na palagi tayo magkasama na dalawa ay naguguluhan ako sa nararamdaman ko para sayo. Hindi ko maintindihan kung nahuhulog na ako pero ang alam ko ay isa kang bakla noon. Ngunit, hindi ko na lang iniisip kung ano ka pa. Hanggang inamin mo sa akin na hindi na totoong bakla. Saya ako dahil inamin mo sa akin. I do, Father."

"And now, I pronounce husband and wife. You may kiss the bride."

Lumapit sa akin si Brett sabay tinaas niya ang suot kong belo bago niya ako hinalikan sa labi.

Nagpapapicture kami sa pamilya namin. Sayang nga lang wala si Wilfred dito. Hanggang kaming apat ang nagpapicture, karga ni Brett si Seven at ako naman si Jin.

Pero bigla ako nakaramdam ng hilo.

"Hey, are you okay?" Tanong ni Brett. Hinawakan pala iyong siko ko para hindi ako matumba.

"Medyo nahilo--" Bigla ako nawalan ng malay. My vision turns black.

Nagising na lang ako puro puti ang paligid ko. Nasaan ako ngayon?

"I'm glad you're awake, babe." Tumingin ako sa nagsalita. It was Brett. "Kinabahan ako noong nawalan ka ng malay kanina sa simbahan."

"Nasaan ako ngayon, Brett?"

"Nandito ka ngayon sa ospital namin. Ito ang malapit na ospital kaya dito na kita dinala. Ang tumingin sayo ang kaibigan ni papa na doctor."

May isang babae ang pumasok sa kwarto. Isa siyang doctor.

"I'm you're awake, mrs. Tyson. I'm dra. Lyca Sanchez and I will be your doctor for today."

"Doc, musta na ho yung asawa ko? Wala naman nangyari sa kanya?" May pagaalala sa boses ni Brett.

"Wala naman, mr. Tyson but I have a good new for both of you." May ngiti sa mga labi ni dra. Sanchez.

"Ano po iyon, doc?" Tanong ko sa kanya.

"Ayon sa resulta na kinuha ko kanina sayo habang wala ka pang malay ay isa lang ang lumalabas." Ngumiti lalo si dra. Sanchez. "Congratulation both of you because your wife is 4 weeks pregnant."

Nagulat ako sa binalita ni dra. Sanchez. May buhay ulit sa sinapupunan ko. Buntis ako.

"Excuse me, may pasyente pa ho ako." Paalam ni dra. Sanchez bago siya lumabas ng kwarto.

"Hindi mo alam na buntis ka?"

"Wala akong ideya nagdadalang tao ako, Brett."

"This is the best gift, Sera. Thank you." Hinalikan ako ni Brett sa labi. "So, tuloy pa ba ang honeymoon natin?"

"Oo naman. Hindi pa naman malaki ang tyan ko, eh.."

"Okay. Basta wag padalos dalos ah. Baka may mangyari sayo ng masama pero wag naman sana."

"Yes po, daddy. Alam ko rin naman po iyan."

"Daddy ka diyan. Asawa mo ko, Sera."

~~~~

Last episode left matatapos na siya :(

-Skye

My Gay HusbandWhere stories live. Discover now