Chapter 8

3.1K 76 0
                                    

"Gising ka na pala." Ngumiti ako sa kanya pagkakita ko sa kanya. "Good morning."

"Nasaan pala mama mo at si Gabby?"

"Ow. Hindi man ako ginood morning." Kasi naman si mama at Gab agad ang hinahanap.

"Nasaan ba kasi sila?"

"Okay, nasa bahay sila. I mean nasa mansyon ngayon dahil doon natulog si Gab kaya sinundo ni mama. But don't worry, hindi naman sasabihin ni mama ang tungkol sa pagwala ni Will."

"Until now, hindi pa rin bumabalik ang kakambal mo?"

"Later, I will call Loisa." Natatawang sabi ko. "Kumain ka na muna ng almusal."

"Nga pala, yung sinabi mo noong isang gabi na hindi ka bakla. Nagpapanggap ka lang ba?"

"Huh?!" Ano ang sasabihin ko? Ito na ba ang tamang panahon para sabihin sa kanya?

Biglang narinig ko ang boses ni Gab. Save by my little sister. Thank you, Gab for saving your big brother.

"Nandito na po ako, kuya Orion at ate Thea."

"Welcome home, Gabby."

"Kumain na po ba kayo, ma? Naghanda po ako ng pancake at ham."

"Tapos na kami kumain ni Quinn dahil pagkadating ko doon ay kumakain na itong kapatid mo at niyaya rin ako ng papa niyo kumain."

"Ganoon po ba? Sige po."

Alam ko naman mahal na mahal ni mama si papa, eh. Pero bakit natitiis ni mama na hindi kasama si papa? Dahil ba sa akin? Pwede naman sila bumalik ni Gab sa mansyon. At kaya ko na rin ang sarili ko dahil malaki na ako at may trabaho na rin.

Pagkatapos kumain ay pumunta ako ng garden. Nakita ko mama nagsasampay ng damit namin.

"Ma, pwede po ba tayo magusap?" Sumilyap sa akin saglit si mama dahil tuloy pa rin siya sa pagsasampay.

"Tungkol saan ang paguusapan natin?"

"Alam ko naman po miss na miss niyo na si papa, bakit hindi na lang po kayo bumalik ni Gab doon?"

"Paano ka kung babalik kami ng kapatid mo doon?"

"Don't worry about me. Kaya ko naman po ang sarili ko, eh. At para na rin hindi kayo mahirapan kung gusto ni Gab doon sa mansyon para makasama si papa."

"Are you really sure?" Tumango na lang ako kay mama.

Nagkita kaming tatlo sa bar pero pumunta ng rest room na muna si Sera.

"Nasabi mo na ba sa kanya?" Napatingin naman ako kay Loisa.

"Ang alin?"

"Na hindi ikaw si Wilfred."

"Alam niya pagkatapos noong kasal at sinabi ko sa kanya ang lahat noong honeymoon."

"May nangyari sa inyong dalawa noong honeymoon?"

"Wala. Wala nangyari sa amin."

"Boring naman ng honeymoon niyo."

"Ano magagawa ko? Hindi naman ako yung tunay na asawa ni Sera. Kahit ako iyong pumunta nagpanggap yung pangalan pa rin ni Wilfred yung nakalagay sa marriage contract nila."

"Oo nga pala. Pero sinabi mo na ba yung sikreto mo?"

"Hindi. Kumukuha pa kasi ng tyempo para sabihin sa kanya."

"Sasabihin ang alin?" Napatingin ako kay Sera na kakagaling lang ng rest room.

"It's nothing." Sagot ko.

My Gay HusbandWhere stories live. Discover now