Chapter 13

2.5K 70 0
                                    

Naramdaman ko ang pagkapit ni Sera sa kamay ko. Nilingon ko siya.

"Doon ka na muna sa kwarto, Sera."

"No, I want to stay here."

"Wag na matigas ang ulo. Sumunod ka na lang at doon ka na muna sa kwarto."

"Fine." Naglabas siya ng hangin bago naglakad patungo sa kwarto.

Nagulat na lang noong sinampal ako ni papa. Alam ko na ang dahilan niya.

"Ano ba itong pinasok mo, Orion?! Asawa siya ng kakambal mo pero ikaw ang kasama niya!"

"Yes, maybe Sera is Wilfred's wife pero may ideya po ba kayo na hindi sumipot ang paboritong niyong anak sa araw ng kasal nila. Kung hindi ako ang nagpanggap na si Wilfred eh, kayo rin po ang napahiya. Sigurado naman po naalala niyo bago kinasal si Wilfred ay kinausap kayo."

"Nonsense! Kahit anong gawin mo asawa pa rin si Thea ng kakambal mo!"

"Asawa lang naman si Sera ni Wilfred sa papel pero ako--" Sinuntok akong malakas sa mukha ni papa. Muntik na nga ako mapaupo sa semento.

"Kahit kailan wala ka talaga nagagawang mabuti sa pamilya!"

"Ganyan naman kayo, eh. Si Wilfred lang kasi palagi nakikita niyong magaling." May tumulo ng luha sa pisngi ko kaya agad ko iyon pinahid. "Hindi porket siya ang sumunod sa yapak niyo, siya na ang magaling. Ginagawa ko naman ang lahat para naging proud kayo sa akin pero wala. Si Wilfred pa rin. Puro na lang si Wilfred. Kahit ang babaeng mahal ko ay mawawala dahil sa kagustuhan niyo ipakasal kay Wilfred. Hindi niyo man lang may isa pa akong anak na lalaki na humihingi ng kahit konting atensyon niyo man lang. Pero pasalamat kayo dahil mahal ko kayo, pa kahit may pagkukulang kayo sa akin."

"Ano ba itong pinapasok mo?! Kahit anong gawin mo asawa pa rin si Thea ng kakambal."

"Alam ko. Kahit ano gagawin ko para mapangwalang bisa ang kasal nila. Mahal ko si Sera kahit noon pa kaya hindi papayag mapunta siya kay Wilfred. Kahit magalit kayo sa akin ay tatanggapin ko. Itakwil niyo pa ako biglang anak niyo, ayos--"

"Lumayo ka na kay Thea, Orion." Seryosong tugon ni papa.

"Iyan ang hinding hindi ko magagawa dahil nangako ako sa kanya na hindi ko siya iiwanan. Kahit magalit pa kayo sa akin ay hindi ko iiwanan ang babaeng mahal ko.

"You leave me with no choice, Orion. Kahit anak pa kita."

Kinabukasan, habang nagluluto ng makakain namin ni Sera ay may nagdoorbell. Binuksan ko yung gate at kumunot ang noo ko dahil anong ginagawa ng mga pulis dito?

"Yes po? Ano ang kailangan niyo?"

"Kayo ho ba si Orion Brett Tyson?"

"Ako nga ho. Ano ang kailangan niyo sa akin?"

"You are under arrest, mr. Tyson."

"Bakit? Ano ang ginawa kong mali?" Pinoposasan na ako ng kasama niyang pulis.

"May nagkaso sayong kidnapping."

"Kidnapping?!" Kumunot ang noo ko sa sinabi ng pulis na ito. Bigla kong naalala ang sinabi ni papa.

You leave me with no choice, Orion. Kahit anak pa kita.

Ito ba ang ibig niyang sabihin? Gusto niya ako ipakulong dahil sa ginawa ko. Ang babaw ng kaligayahan ng matandang iyon.

"Brett?" Lumingon ako sa likod. Gising na pala si Sera. "Anong ginagawa niyo sa asawa ko?!"

Ang sarap naman sa pakinggan na tinawag akong asawa ni Sera. Pero hindi ito ang tamang oras para maging masaya.

"Brett!" Sigaw ni Sera pero sinakay na ako sa patrol car.

Thea's POV

Sino nagutos sa mga pulis na ikulong si Brett? Ang papa niya? Pero bakit? Bakit niya pinakulong ang sarili niyang anak? Sa anong dahilan? Ang dami kong tanong sa isipan ko pero isa lang makakasagot ng mga ito. Ang papa nila.

Nagpapadali akong magpalit ng damit dahil kailangan kong makausap ang papa nila ngayon. Ano ang dahilan niya kung bakit niya pinakulong si Brett.

Pagkarating ko sa mansyon, si tita Honey ang nagbukas ng gate nila, hindi iyong butler nila.

"Thea? Ano ang ginagawa mo rito?"

"Tita, tulungan niyo po ako. Please.." Maiyak iyak ako sa harap ng mama ni Brett.

"What's wrong?"

"Si Brett po kasi.."

"Ano nangyari kay Brett?"

"May mga pulis po kanina dumating sa bahay at hinuli nila si Brett." Tumulo na ang luha ko dahil hindi ko na alam ang gagawin ko.

"What?! Sino naman ang gagawa nito kay Brett? Wala naman ako maalala na may nakaaway ang anak ko dahil mabait na bata si Brett."

"Pumunta po kagabi ang papa niya. Hindi ako sigurado kung may kinalaman si tito Gilbert dito. Kaya po ako nandito kasi gusto ko rin siya makausap."

"Samahan kita sa opisina ni Gilbert."

"Salamat po."

Baby, tulungan mo si mommy para makagawa ng paraan makalaya ang daddy mo sa kulungan. Inosente ang daddy mo.

"Gilbert.." Tawag ni tita Honey.

"What?!" Umiinom ng wine si tito Gilbert. Pero napatingin naman siya sa akin. "Ano naman ginagawa ng babaeng iyan sa pamamahay ko?"

"Umayos ka ng pananalita mo, Gilbert kung ayaw mo magaway na naman tayo. At kung malaman kong may kinalaman ka sa pagkulong kay Brett, hinding hindi mo na ako makikita."

"Oo, may kinalaman ako kung bakit nasa kukungan ngayon si Orion." Sabay lagok sa wine nasa baso na hawak niya.

"Gilbert, bakit mo iyon ginawa?"

"For kidnapping."

"Kidnapping?" Takang tanong ni tita Honey.

"Kidnapping? Wala naman pong kinikidnap si Brett ah. Kung ako po ang tinutukoy niyo, hindi niya ako kinidnap dahil ito ang kagustuhan ko. Hindi ko naman alam na anak niyo rin si Wilfred na mapapangasawa ko dahil wala naman sinasabi sa akin si lolo. He accidentally mentioned his name kaya nagkaroon ako ng ideya ano pangalan. Kaya please, sir pakawalan niyo na po si Brett sa kulungan."

"Kung gusto mo pakawalan ko si Orion, but in one condition."

"Kahit ano po gagawin ko."

"Lumayo ka na sa anak ko at kalimutan mong minahal mo siya."

"Kung iyan ang gusto niyo. Pumapayag po ako."

"Thea.." May pagaalala sa boses ni tita Honey.

"It's fine, tita. Ako rin naman po ang may kasalanan kung bakit nasa kulungan ngayon si Brett. Sorry po sa mga gulong ginawa ko." Naglakad na ako ng palabas ng opisina. Alam kong sumunod si tita Honey.

"No, sweetheart. Kahit alam kong mali ang ginawa ni Brett pero ginawa pa rin niya para sayo dahil mahal ka niya. Ganoon magmahal ang batang iyon. Gagawin ang lahat para sa taong mahal niya."

"I know po. Kaya nga po minahal ko rin siya, eh." Ngumiti ako ng pilit.

"Tinawag ako ni Brett noong isang gabi and he said you're pregnant."

"Yes po."

"Kawawang bata dahil hindi na niya makikilala ang ama niya."

"Makikilala pa rin po niya si Brett bilang ama. Palagi ko po ikukwento sa magiging anak namin kung gaano maging mabuting tao ang ama niya."

"Mabuti nga ikaw ang minahal ni Brett. Alagaan mo ng maigi ang sarili mo pati na rin ang magiging apo ko ah."

"Wag po kayo magaalala, tita." Sabi ko sabay yakap sa akin ni tita Honey.

~~~

Ngayon ko lang pala binigyan ng name yung mama nila Orion xD

Okay last UD hanggat di pa naayos yung watty di ako mag-UD.

-Skye

My Gay HusbandWhere stories live. Discover now