Chapter 5

3.2K 88 0
                                    

"Hello po, papa." Nandito kasi ako ngayon sa tapat ng bahay namin, pero hindi rin naman ako kami dito nakatira. At pinapunta kasi ako ni papa. "Bakit niyo po ako pinupunta dito?"

"Gusto ko lang sabihin sayo na may family dinner tonight at sabihin mo rin sa mama niyo ang tungkol doon?"

"Family dinner?" Taka kong tanong. Himala naman yata, may family dinner na ngayon nalalaman si papa.

"Yes. At pupunta rin yung papakasalan ng kakambal mo." Natigilan ako sa sinabi ni papa. Nandoon rin si Sera? I don't know kung handa na ako makipagkita sa kanya after what happened before. Iniiwasan na kasi ako ni Sera simulang umurong ako sa plano namin. Sigurado ako papayag na siyang magpakasal kay Wilfred.

"S-Sige po. P-Punta kami nila mama sa family dinner." Pauutal kong sabi. Hindi ako sigurado, baka hanggang ngayon ay galit pa rin si Sera.

-----

"May gumugulo ba sa iyo ngayon, Brett?" Tanong ni mama.

"Hindi ko na po alam ang gagawin ko, ma."

"Bakit? Ano ba iyon?"

"Yung babaeng mahal ko ay pumayag na siya magpakasal."

"Si Thea ba?" Nagulat ako sa sinabi ni mama.

"Paano niyo po nalaman?"

"Kahit hindi mo sabihin sa akin ay alam ko dahil sa akin kayong tatlo nanggaling. Bakit hindi mo siya ipaglaban?"

"Paano po? Si Will iyong papakasalan niya."

"Iyan nga ang mahirap dahil magkapatid pa kayong dalawa."

Thea's POV

Ang sabi ni lolo na may family dinner daw kasama ang papakasalan ko. Wala na rin ako magagawa kundi ang pumayag sa kagustuhan ni lolo na magpakasal sa lalaking hindi ko pa naman kilala.

Pumunta na kami ni lolo sa isang bahay. Hindi ito bahay kundi isang mansyon. Ang laki naman nito at tama si lolo mayaman ang papakasalan ko.

Pinapasok na kami ng butler nila sa loob. Mas malaki pa iyon loob kaysa sa labas. Naamaze talaga ako sa bahay nila, ang yaman.

"Dr. Tyson." Sabi ni lolo kaya nagulat ako. Tyson? Bakit nandito ang papa ni Brett? Wag niyong sabihin yung isang anak niya yung papakasalan ko?

"You must be Thea."

"Yes po. Nice to meet you, sir." Medyo naiilang ako. Mukha kasing strict yung ama nila.

Sinamahan na kami sa dining room. Kahit kusina nila ay malaki. Iba talaga kung sobrang yaman, 'no? Pero hindi ko naman sinasabi hindi kami mayaman. Kaya lang wala naman laban rito ang bahay namin.

Nagulat ako sa bagong dating na lalaki. Brett? Alam ko sa kanila ito pero hindi pa ako handa makita siya.

"Thea, let me introduce my son, Wilfred Sebastian."

Hindi siya si Brett. Pero wala siyang sinasabi sa akin na may kakambal siya at dahil sa pinabasa sa akin ni Loisa ay alam kong may mga kapatid siya at pinakilala niya sa akin yung kakabata niyang kapatid.

"Bakit ang tahimik mo naman yata ngayon."

Hindi ko na siya sinagot dahil wala talaga ako sa mood.

"Ganyan ka ba talaga? Masuningit."

Tintingnan ko lang siya ng masama. Wala na talaga ako sa mood dahil nakikita ko si Brett sa kanya.

"Bakit kayo magkamukha ni Brett?"

"Brett? Oh, hindi ko alam kung paano mo nakilala ang kakambal ko. But he is my twin brother."

"Twin brother? Kaya naman pala."

"Ako naman ang magtatanong." Tumingin ako sa kanya. "Paano mo nakilala ang kakambal ko?"

"Magkaibigan na kaming dalawa simulang high school."

"I see, I see. Siya pala ang una mong nakilala."

"What do you mean?"

"Sa abroad kasi nagaaral sa simula pa lang. Mas maaga nga lang ako nagaral kaysa kay Ori."

"Ilan taon ka nagsimula?"

"Three?" Parang hindi siya sigurado sa kanyang sagot. "Pero sa aming dalawa ni Ori ay siya yung pinakamatalino sa aming dalawa."

Hindi ko iyan maitatanggi dahil noong high school kami ni Brett ay lahat ng subject namin perfect niya.

May narinig akong footsteps. May bagong dating siguro. Pero laking gulat ko noong makita si Brett, ang mama nila at si Gabby.

"Papa!" Tumakbo si Gabby sa ama nila.

"Hello, princess."

"Kuya Wilfred." Napatingin naman sa gawi ko si Gabby. "Ate Thea? Ano po ginagawa niyo dito?"

Ngumiti lang ako kay Gabby, hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa bata. Hindi pa naman niya maiintindihan ang nangyayari dahil masyado pa siyang bata para maintindihan.

"Hindi ko alam pati si Quinn kilala mo na rin."

"Yes, pinakilala sa akin ni Brett kahit ang mama niyo."

Hindi na sumagot pa si Wilfred. Habang kumakain ay napansin kong nakatingin sa akin si Brett. Iniiwasan ko na kasi siya simula noon dahil naiinis ako sa kanya. Bigla bigla na lang siya umuurong.

Pagkatapos kumain ay nagpahingin na muna ako sa labas.

"Bakit magisa ka lang dito?" Napalingon ako sa likod.

"Gusto ko lang magpahingin na muna habang busy si lolo paguusap sa papa niyo."

"Nasaan ang mga nagulang mo?"

"Out of country pero hiwalay na sila kaya si lolo ang kasama ko."

"Pareho pala tayo. Naghiwalay rin sila papa at mama. Kaya simula naghiwalay kay papa na ako sumama at sumama naman sina Ori at Quinn kay mama. Quinn loves Ori that much dahil sila palagi ang magkasama."

"Ang pagkaiba lang natin ay may communication ka pa rin sa mama mo pero ako wala na dahil simulang naghiwalay sina mama at papa ay kinalimutan na rin nila na may anak sila rito sa Pilipinas."

"Matanong ko lang sayo, Thea." Napatingin ako sa kanya.

"Ano iyon?"

"Kung ako ba ang nauna mong nakilala nagagawa mo rin ba akong mahalin? I mean sa nakikita ko mahal mo ang kakambal ko."

"Hmm.. I love him as a friend."

"Friend lang? Sure ka?"

"Oo naman. Bakit mo naman yata natanong iyan?"

"Sa nakikita mo si Ori kaysa sa akin kahit ako iyong papakasalan mo. Inaamin ko naman matalino at mabait siya kumpara sa akin. Hindi nga ako naging mabuting kapatid sa kanya dahil palagi ko inaaway si Ori simulang mga bata pa lang kami." Tumingala na siya sa kalangitan. "Kasi naman habang naguusap tayo kanina si Ori palagi ang topic natin."

Hindi na ako sumagot pang muli dahil hindi ko na alam ang isasagot ko. Wala sa pamilya ni Brett ang nakaalam na isa siyang bakla. Ayaw naman sabihin niya sa mama niya ang tungkol doon baka makarating lang sa papa nila at malalagot siya tutuusin. May isang salita naman ako kaya wala ako pagsasabihan.

"Kahit kasal na tayong dalawa ay gagawin ko ang lahat para maging masaya ka lang." Ngumiti si Wilfred sa akin.

Naguguluhan ako ngayon. Hindi magkasundo ang puso't utak ko ngayon. Bakit naman?

~~~~

Leave a comment and press ☆ to vote

My Gay HusbandWhere stories live. Discover now