Chapter 10

2.8K 72 0
                                    

"Oh gosh, Thea! Positive." Sabi ni Loisa habang tinitingan ang resulta ng pregancy test. Hindi ko kasi matingnan kasi kinakabahan ako. At saka pumunta ako sa condo niya para kamustahin at nahalata niyang namumulta daw ako kaya nagpasya siyang bumili ng pregnancy test.

"Sure ka?" Hindi ako makapaniwala sa aking narinig.

"Yes, I'm really sure. May dalawang guhit ang lumabas." Pinakita niya sa akin ang resulta ng pregnancy test at may dalawang guhit ngang lumabas doon. Buntis nga ako. "Ano ang gagawin mo? Alam kong si Orion ang ama dahil siya lang naman ang kasama mo sa bahay niya. Sasabihin mo ba sa kanya?"

Alam ni Loisa ang lahat. Alam pala niya na hindi bakla si Brett pero hindi niya sinabi sa akin. Ang sabi pa naman sa akin dapat daw si Brett ang magsabi sa akin.

"Hindi ko alam kung handa akong sabihin kay Brett na buntis ako."

"Bakit naman? Siya naman iyong ama."

"Oo pero pag nalaman ng papa niya ang totoo na hindi siya si Wilfred malalagot si Brett."

"Pero pag nalaman ng papa nila na buntis ka at si Orion ang ama mapapawalang bisa ang kasal niyo ni Wilfred."

"Pinapahamak ko lalo si Brett dahil buntis ako at siya ang ama nito." May luha ng pumapatak sa pisngi ko. "Hindi ko na alam ang gagawin ko."

"Shh.. Wag kang magisip na makakastress sayo. Makakasama sa baby iyan, Thea." Niyakap ako ni Loisa para patahanin.

Hindi na ako sumagot pa.

Hindi naman pwedeng iwanan si Brett. He loves me, I love him too. Pero ako ang dahilan kung bakit magagalit ang papa niya pagnalaman ang katotohanan.

This is all my fault. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari dapat hindi na lang ako pumayag magpakasal kay Wilfred. Pero kasalanan rin naman ni Brett kung sinabi lang niya sana yung plano niya. Hindi ko rin naman alam na may kakambal si Brett at mas lalong hindi ko alam kapatid ni Brett ang papakasalan ko. Ang kinausap ni lolo na ama ng magiging asawa ko ay ama pala ni Brett.

"Yes!" Napakurap ako noong pagkabukas ng pinto ng kwarto. Nandito na pala si Brett.

"Bakit? Mukhang masaya ka ah." Lumapit ako sa kanya.

"Hm? Nandito ka na pala. And yes, tumawag yung head chef namin na isasama daw niya ako sa Cebu next month."

"Bakit? Ano meron sa Cebu?"

"May naging customer kami kanina at nagustuhan niya ang niluto kong putahe. Kinausap rin noong naging customer namin yung head chef, akala ko nga may reklamo pero ang totoo kami ang napiling magluluto para sa grand opening ng kumpanya niya sa Cebu."

"Ang galing mo talaga."

"May problema ba, Sera?" Tanong ni Brett sa akin kaya napatingin ako sa kanya.

"Huh? Wala. Okay lang ako."

Orion's POV

Ngayon ang alis ko papuntang Cebu at si Loisa na muna ang makakasama ni Sera habang wala pa ako. Napapansin ko rin pala na parang may problema si Sera pero ayaw niyang sabihin. Hindi ko na lang muna iisipin iyon dahil kailangan matapos itong gagawin namin at kailangan maging tagumpay.

Pagkarating namin sa Cebu ay dumeretso kami sa magiging hotel namin. Binayaran na rin ito ng naging customer namin.

Ilang lang kami pinasama ng head chef para maghanda sa grand opening.

"Ang daming nakatingin sayong magagandang babae, Orion." Sabi ng kasama ko na si Chester. Ngumiti lang ako sa kanya. Hindi ako naparito para sa kanila.

"Alam mo naman walang interesado iyan si Orion." Komento naman ni Lawrence. Napailing na lang ako sa dalawang ito

"Hindi naman iyan ang pinunta namin dito at saka meron ng nagpapatibok ng puso ko."

"Sino iyan, pre?" Tanong ni Chester sabay akbay sa akin.

"Nakalimutan mo na yata, Ches kasal na iyang kaibigan natin."

"Oo nga pala. Sorry, pre." Biglang humiwalay sa akin si Chester.

"Ayos lang iyon."

Ang alam ng mga kasama ko sa trabaho ay kasal na ako pero ang hindi nila alam hindi ako dapat iyong groom. Kung malaman nilang ang katotohanan malaking gulo ito.

"Nawala sa isipan kong kasal ka na pala. Yayain sana kita pagkatapos ng trabaho ay punta tayo ng bar." Sabay kamot ng batok itong si Chester.

"Hindi naman tayo nandito sa Cebu para magbakasyon. Nandito tayo para maghanda sa dadarating na grand opening ni mr. Castillo."

"Tama ang sinabi ni Orion hindi tayo naparito para magbakasyon at magsaya. Naparito tayo para magtrabaho."

"Sorry po, head chef."

"Bukas na iyong grand opening ng kumpanya na pinatayo ni mr. Castillo kaya dapat gumising kayo ng maaga."

Dalawa ang kwarto na kinuha sa hotel na ito kaya magkakasama kami nina Chester, Lawrence at ako. Hiwalay naman ng kwarto si head chef West.

"Ano ang gagawin niyo pagkatapos ng grand opening?" Tanong ni Chester.

"Basta ako uuwi agad dahil hinihintay ako ng asawa ko at wala siyang kasama." Sagot ko sa kanya.

"Boring mo naman, pre."

"Siguro sasama na lang ako sayo, Ches. Wala rin naman ako gagawin sa araw na iyon."

"Yun! At least may kasama na ako pumunta ng bar at maghanap ng chicks." Masiglang sabi ni Chest. Umiling na lang ako.

"Babaero ka talaga. Kailan ka ba magbabago?"

"Pagpumuti na iyong uwak." Natatawang sagot ni Lawrence. Kahit ako natawa sa sagot niya.

"Grabe ka naman, Renz."

Nakakarinig ako na parang may lumalabas sa kwarto naming tatlo. Kaya tiningnan ko kung sino at nakita kong lumalabas si Chester. Saan naman kaya ito pupunta?

Kinabukasan, maaga akong nakipagkita kay head chef West.

"Nasaan ang dalawa mong kasama, Orion?"

"Hindi ko ho alam, chef. Ang akala ko nandito na sila dahil noong nagising ako ay wala na sila sa kwarto."

"Saan naman kaya nagsusuot ang dalawang iyon?"

Kibit balikat lang ako. Wala naman akong ideya kung saan pumunta yung dalawa.

Papasok na sana ako sa kusina ay biglang tumunog ang phone at nakita ko sa ID caller ang pangalan ni Loisa.

"Um, chef, sasagutin ko lang ho itong tawag. Baka importante."

"Okay. Make it fast."

Lumayo ako ng kaunti bago sagutin iyong tawag.

"Napatawag ka? May naging problema ba?"

"Ayaw ko naman isturbuhin ka sa trabaho mo, Orion pero kanina nahimatay si Thea kaya dinala ko siya agad sa ospital."

"Huh?! Ano ang sabi ng doctor? Ayos lang ba siya?"

"She's fine naman pero wala ba siyang sinabi sayo?"

"Na alin?"

"Ah, wala. Sige, kailangan na ako ni--"

"Loisa Marie Rodriguez, ano ba iyon? Ano ba dapat kong malaman?"

"Huwag mo naman kumpletuhin sana iyong pangalan ko. Chill lang. Okay? Si Thea dapat ang magsasabi sayo noon hindi ako. Hintayin mo siya ang magsabi kung kailan handa na siya sabihin sayo."

Ano ba iyong dapat kong malaman na dapat si Sera pa ang magsasabi sa akin?

"Okay, fine. Mamayang gabi pa naman iyong balik ko ng Maynila."

"Okay, good luck at ingat ka." Sasagot pa sana noong binabaan na ako ng tawag ni Loisa.

My Gay HusbandWhere stories live. Discover now