Chapter 11

2.7K 82 1
                                    

Bago magsimula yung event ay doon bumalik yung dalawa. Galit na galit nga si head chef West dahil ngayon lang nagparamdam yung dalawang kasama ko. Hindi ko nga alam kung saan sila pumunta.

Busy kaming apat sa pagserve sa mga bisita ni mr. Castillo. May isang babae na bagong dating, hindi naman ganoon katanda pero familiar yung mukha niya.

Nakikita ko sa kanya si Sera.

Napasinghap ako ng mahina.

Hindi kaya siya yung ina ni Sera? Hindi imposible dahil kamukha niya si Sera. Kailangan ko siya makausap pero kailangan walang makakita sa amin dahil wala pwedeng makakaalam kung sino ang asawa ko. Kahit yung mga kasama ko sa restaurant walang alam kung sino ang asawa ko. Alam lang nila kasal na ako. Iyon lang yun.

Nakita ko siyang lumabas sa conference room kung saan kumakain yung ibang bisita. Ito na yung oras para makausap ko siya kaya lumabas na rin ako.

"Ma'am." Tawag ko sa kanya kaya huminto siya sa paglalakad.

"Yes? You need something?"

"Yes po. And sorry if I ask you this pero may kilala mo ba kayong Thea Sera Reynolds?"

Hindi sumagot yung ginang na kausap ko. Imbes na sagutin ako ay tumalikod na siya at tumuloy sa paglalakad.

"Ma'am, please answer me." Sinusundan ko siya.

"I don't know what are you talking about."

"Why po? Tinatawil niyo na po ba ang sarili niyong anak? Kung alam niyo lang kung gaano kayo sobrang miss ni Sera. Kahit anong gawin niyo po anak niyo pa rin siya."

"Come with me." Sabi niya bago maglakad ulit. Sinundan ko naman siya hanggang makarating sa isang opisina na wala pang laman masyado. Humarap na rin siya sa akin. "I don't know how did you I'm her mother."

"Kamukha niyo po kasi siya kaya naglakas na ako ng loob na kausapin kayo."

"I see. Ano ang relasyon mo kay Thea?"

"Long story short, ma'am. Kaibigan ko po si Sera pero asawa ko na siya ngayon dahil sa kagustuhan ng papa ko na ipakasal ang kakambal ko sa kanya."

"Paano mo naman siya naging asawa kung ang kakambal mo ang gusto ipakasal ng papa niyo?"

"Nagpanggap po ako. Kaya po ako iyong palaging kasama ni Sera ngayon hindi iyong kakambal ko."

"I can see how you really love my daughter."

"Very much."

"Take care of her at wag mo siya iiwanan na katulad ng pagiiwan ko sa kanya."

"I don't know why you left her. Hindi naman po ako mangengealam sa buhay ng ibang tao."

"I fell in love with other man kahit may asawa't anak na ako. At ganoon rin ang papa ni Thea, nagkagusto rin siya sa ibang babae. Kaya nagpasya na kami maghiwalay kahit alam namin mahihirapan si Thea."

"Ganoon po pala ang nangyari. But still hindi niyo po man lang tinawagan si Sera para kamustahin lang man."

"Nawalan na ako ng communication dito sa Pilipinas simulang naghiwalay kami ng dati kong asawa."

"Pwede ko po bang sabihin kay Sera nagkita tayo dito para naman alam niyang ayos lang kayo."

"Okay." Simpleng sagot niya.

"Thank you po dahil binigyan niyo ko para makausap kayo."

"I like you for my daughter. Nakikita kong mabuti kang bata."

"Salamat po ulit." I playfully scratched my cheek.

Pagkatapos namin magusap ay nauna na siyang lumabas, sumunod naman ako.

My Gay HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon