Chapter 18

2.7K 68 0
                                    

Napakurap na lang ako noong makita ko ang pamilya ko. Ano ang ginagawa nila sa restaurant kung saan ako nagtatrabaho?

"Mama." Halik ko kay mama sa pisngi. Kinurot ko naman ang pisngi ni Gab. I missed my baby sister.

"Masakit iyon, kuya ah." Muktol ni Gab kaya tumawa ako sa kanya.

"Ano po ang ginagawa niyo rito?" Tanong ko. Sa totoo lang hindi ako tumitigin kay papa dahil hanggang ngayon ay galit pa rin ako sa ginawa niya sa akin.

"Ang balita kasi namin ay nakabalik ka na. Bakit hindi mo ko sinabihan, Brett?" May pagtatampo sa boses ni nama. Para tuloy siyang bata.

"Sorry po. May inaasikaso lang po ako."

"Kailan ka ba umuwi?"

"Hmm... 5 days ago?" Hindi ako sigurado sa sagot ko. Inikot ko pa ang mga mata ko dahil nagiisip ako kung kailan ako bumalik ng bansa. Five days ago nga ba? "Yes, 5 days ago po ako bumalik ng Pilipinas."

"At ano itong binalita dati na ikakasal ka na. Hindi mo lang sa amin sinabi."

Tumawa ako ng mahina sa naging reaksyon ni mama.

"Huwag po kayo maniniwala sa mga balita, ma. Wala po akong fiancee. Asawa meron."

"Sino, kuya?" Tanong ni Gab sa akin.

"Kilala niyo naman siya."

"Kailan ka pa kinasal? Nakakatampo ka na talaga, Brett."

"Si mama talaga." Maybe this is the right time to tell them the truth. Umupo ako sa tabi ni Gab, so kaharap ako ni mama.

Sinabi ko rin sa kanila ang sinabi ni Wilfred bago siya bumalik ng abroad para doon nagtrabaho. Sinabi ko na rin sa kanila sa simula pa lang ay ako na talaga ang asawa ni Sera, hindi ang kakambal ko.

Ang mga magulang namin ay nagulat lalo na si papa pero si Gab ay pumalakpak sa tuwa.

"Mabuti naman nagkaayos na kayo ng kakambal mo." Ani mama.

"Hindi naman po ako naging masamang anak at kapatid sa inyo kaya handa akong magpatawad agad, ma."

Narinig kong tinawag ako ni head chef West kaya nag-excuse ako sa pamilya ko na kailangan ko bumalik ulit sa trabaho.

Pagkataoos ng trabaho ko ay pumunta na muna ako sa backdoor para magtapon ng mga basura namin.

"Orion. Anak." Namilog ang mga mata ko noong may narinig akong familiar na boses. Humarap ako sa kanya na walang expresyon sa mukha ko.

"Ano ang kailangan mo? Ibabalik mo ba ulit ako sa kulungan."

"Hindi. Sorry sa nga ginawa ko sayo noon. Alam kong huli na para humingi ng sorry sayo, Orion dahil hindi ako naging mabuting ama sayo." Hindi ako sumagot pang muli. Baka may pahabol ba siyang sasabihin. "Alam ko naman kung gaano mo kamahal si Thea kahit noon pa."

"Paano mo nalaman?"

"I have my own source, Orion. Kahit hindi mo sabihin sa akin, sinasabi sa akin ng mama mo."

Nagulat ako dahil sa ni mama sa kanya ang lahat.

"Hindi sinadya ng mama mong sabihin sa akin noong nagpanggap kang si Wilfred. Noong umalis ka papuntang Paris doon ko naisip na mali ang ginawa ko dahil ginawa mo lang iyon para hindi magpakasal ang babaeng mahal mo sa iba. Kung mangyari iyon sa akin iyon din ang gagawin ko para lang hindi makapasal sa iba ang mahal ko. Sana hindi pa huli para patawarin mo ko."

"After hearing your reason, pa. Siguro nga po kumukulo ang dugo ko sa tuwing nababanggit ang pangalan niyo pero pagkatapos ko marinig ang mga iyon, nawala ang lahat na galit ko."

"Salamat, Orion. At hindi na ako tutol sa pagmamahalan niyong dalawa at sabi rin sa akin ng mama mo na buntis si Thea noong umalis siya."

"Tama iyon. At hanggang ngayon ay takot pa rin si Sera sa inyo baka ano ang gawin mo sa amin."

"Nagkita na pala ulit kayo."

"Yeah. Masaya kami ngayon."

"So, lalaki o babae ang apo ko?"

"Parehong lalaki." Kumurap si papa sa narinig.

"Kambal?" Tumango ako sa kanya sabay gulo sa buhok ko. "Nagmana ka talaga sa akin, Orion. I'm so proud of you."

Napangiti ako sa huli niyang sinabi. He's proud because of me. Sobrang saya ko dahil ngayon lang niya sinabi iyon sa akin.

"Sobrang proud ako sayo noon pa kahit noong grumaduate ka ng college na isang cum laude. Proud na proud ako sayo."

"Thank you po."

"I want to meet my grandsons."

"Sure, pa. Papakilala ko sila sa inyo."

----

"Anong ginagawa ng pamilya mo dito?" Bulong ni Sera pagkakita niya sa pamilya ko.

"They want to meet the twins. Don't worry, nagkaayos na kami ni papa at hindi na siya tutol sa pagmamahalan natin."

"Good to hear. Ayaw ko na ang magtago sa kanya."

"Mama, papa, alam ko pong kilala niyo na si Sera but still I would like to introduce you, Thea Sera Reynolds. My beloved wife and the mother of twins."

"I missed you, hija." Niyakap ni mama si Sera.

"Me too, tita."

"Call me mommy dahil asawa ka ng anak ko."

"Okay po, mommy."

"Thea, sorry sa lahat na ginawa ko sa inyo ni Orion. Sana mapatawad mo rin ako."

"Kalimutan na lang po natin ang mga nangyari noon. Ang importante po ang ngayon."

"Thank you, hija."

"Mama, papa, ito po pala sina Seven at Jin. Ang mga anak namin ni Sera." Yumuko ako sa gitna ng kambal. "Wag kayo mahiya, sila ang lolo, lola at tita Gab niyo."

Kinabukasan, nabalitaan ko bumalik ng bansa ang mama ni Sera kasama ang pamilya niya. Kaya pupunta kami doon pero walang alam si Sera.

Pagparada ko sa tapat ng bahay ng mama ni Sera ay nagtataka siya.

"Ano ang ginagawa natin dito? Wala naman sila mama sa Pilipinas."

"Trust me." Bumaba na ako para magdoorbell. Isang maid nila ang nagbukas ng gate.

"Nasa kusina ho si madam. Tatawagin ko lang." Sabi noong maid nila.

"Nandito si mama? Paano mo nalaman?" Tanong ni Sera sa akin.

"I have my ways." Umupo na kami sa sofa nila.

"Orion, Thea, what a pleasure to see you again." Pagkababa ni mr. Castillo galing sa itaas.

"Hello, sir."

"Thea, Orion, napabisita yata kayo ngayon sa bahay. Ano meron?"

Umupo ang magasawa sa harap namin ni Sera.

"Ano ang pinunta niyo dito?"

"Um, tita, gusto ko lang po humingi ng blessings sa inyo dahil.." Tumingin ako kay Sera dahil nakatingin na pala siya sa akin. Hinawakan ko rin ang kamay niya. "Dahil gusto ko po yayain magpakasal sa anak niyo."

"Noong unang araw kita nakita ay boto na ako sayo sa anak ko. Kaya sa simula pa lang ay nakuha mo na ang blessing ko. Basta wag mo lang paiyakin si Thea."

"Hinding hindi ko po iyan gagawin. Mahal ko po si Sera."

"Mahalin mo siya hanggang sa pagtanda niyong dalawa."

"Makaasa po kayo sa akin."

~~~

Ilang chapter na lang matatapos na siya. :D

-Skye

My Gay HusbandHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin