Chapter 12

2.6K 70 0
                                    

Hinati ko ito dapat kasama ito sa chapter 11 pero hindi kinaya. Ewan ko ba kung bakit. Nagloloko yung watty ko, ang sabi pa naman offline daw ako eh, naka on naman WIFI ko. 😒

Imba rin minsan. Kaloka!

~~~

"Totoo ba? Walang kasamang biro." Hindi kasi ako makapaniwala baka biro na naman.

"Wala po. Totoo ito, Brett."

"Yes! Magiging daddy na ako." Sabay yakap ko sa kanya sa sobrang saya ko. Nilapit ko naman yung mukha ko sa tyan niya. "Baby, wag ka na muna lalabas ah. Kahit matagal ka pa lalabas dahil gusto ko makasama ng matagal si mommy dahil pag lumabas ka na mawawalan na siya ng oras sa akin."

"Bakit mo naman iyan nasabi?"

"Dahil nagiging busy ka sa pagalaga sa magiging anak natin. Kaya mawawalan ka ng oras sa akin."

"Hindi mangyayari iyan. Kahit nandito na iyong anak natin, hindi ako mawawalan ng oras sayo."

"Sabi mo iyan ah." Tumango siya sa akin. "Anyway, I have good news for you."

"Ano iyon?"

"I met your mother kanina sa Cebu."

"Really? Kamusta na siya? Bakit hindi niya man lang ako kinamusta?"

"Kaya hindi ka niya kinamusta dahil nawalan na siya ng communication simula naghiwalay sila ng papa mo."

"Ganoon ba? Akala ko kinalimutan na niya may anak pa siya."

"And she told me the reason kung bakit naghiwalay sila."

"Because they fell in love with someone. Hindi ko rin sila masisi dahil hindi naman natin mapigilan kung kailan titipok ang puso natin."

"And you have a step brother."

"Talaga? I really want to meet him."

"May binigay na calling card si mr. Castillo bago kami bumalik ng Maynila." Kinuha ko yung calling card sa wallet ko at binigay ko sa kanya. "Nandiyan din yung address kung saan sila nakatira. Pero sabihin mo sa akin kung gusto mo pumunta diyan para samahan kita."

Binigyan lang ako ni Sera ng isang mabilis na tango.

~~~

"You nervous?" Tanong ko kay Sera dahil kanina pa siya tahimik noong pumunta kami sa bahay ng mama niya. Tumango siya sa akin. "Don't be. Nandito naman ako."

"Thank you, Brett."

Pinindot ko na yung doorbell at may isang babae ang nagbukas ng gate nila.

"Orion, hijo."

"Good afternoon po, mrs. Castillo." Naramdaman ko na parang nahihiya si Sera dahil hinatak niya ang kamay ko.

"Thea? Ikaw na ba iyan?" Tanong ni mrs. Castillo pagkakita kay Sera. Tumango naman siya. "Ang laki mo na at saka ang ganda mo."

"S-Salamat po."

"Pasok kayo." Pagyaya sa amin ng ginang na pumasok sa bahay nila. "What do you want to drink? Tea? Juice? Water?"

"Water na lang po, ma'am." Tumingin ako kay Sera dahil nakatingin na ito sa ibaba.

"Manang, magdala ka ng tubig para sa mga bisita natin ngayon."

"Okay po, madam."

Umupo si mrs. Castillo sa sofa sa harap namin ni Sera.

"Mukha naman inalagaan ka ng lolo mo." Sabi ni mrs. Castillo at inangat naman ni Sera ang ulo niya para tingnan ang mama niya.

"Y-Yes po. Hindi po tumigil si lolo para lang makapagtapos ako sa pagaaral kaya ito graduate ako ng suma cum laude."

"I'm so proud of you, Thea. Pero ano itong sinabi ni Orion sa akin dati na tungkol sa kasal mo sa kakambal niya?"

"Kagustuhan po ni lolo na magpakasal ako sa kakambal ni Brett kahit ayaw ko po. Humingi po ako ng tulong sa mga kaibigan ko para hindi matuloy ang kasal."

"Alam mo na ba dapat ang ugali ng lolo mo, Thea. Noong nalaman niyang pinagbubuntis kita ay hinanap niya ang papa mo para magpakasal kami."

"Minahal niyo po ba si papa noon?"

"Oo, minahal ko rin ang papa mo kahit nagkasalanan ako sa inyong dalawa dahil nagmahal ako ng ibang lalaki. Ganoon rin ang papa mo."

"Kung mahal niyo po ang isa't isa, bakit kayo nagpasya naghiwalay?"

Sasagot pa sana si mrs. Castillo noong marinig namin ang boses ni Damian galing sa itaas.

"Kuya Brett, is that you?!" Sigaw ni Damian pagkakita niya sa akin noong tumingin siya sa ibaba.

"Yes, Damian."

Nagmamadaling bumaba ng hagdan si Damian.

"Damian, don't run." Saway ni mrs. Castillo.

"Sorry, mama." Tumabi na sa akin si Damian. "As your promise, can we play today since you are here at our house."

"Yes, I made a promise but.." Tumingin ako kay Sera dahil nakatingin na pala siya sa akin.

"You must be my ate Thea?"

"Yes." Simpleng sagot ni Sera.

"I'm Damian, I'm already 15 years old and 3rd year high school."

"Nice to meet you, Damian."

"Likewise. And you know what, when I was a young I always wished that I want a sibling but mama told me that I had a big sister. I really wanted to meet her someday and this is the day."

Narinig ko ang mahinang tawa ni Sera.

"No doubt we're siblings because we're the same. I always wanted to have a sibling as well."

"Since you both are here, let's play."

"Your ate Thea can't play with you, Damian. Sorry." Sagot ko.

"But why?"

"Bakit naman, Orion?"

"Um.." Napakamot ako sa batok. Ako na tuloy ang kinakabahan. "Because Sera is pregnant, ma'am."

"Really?" Makikita sa mata ni Damian ang saya. Kumikinang pa nga, eh. "I'm going to be uncle soon?"

"Akala ko ba hindi totoo ang kasal niyong dalawa."

"Yes po. Pero ang alam ng lahat ako si Wilfred, ang kakambal ko. Walang alam si papa ang groom na dumalo ay si Orion Brett."

"Hindi naman ako tutol sa magmanahalan niyong dalawa pero kailangan mo sabihin sa papa mo ang totoo, Orion. Dahil iyon ang tama." Natigilan ako sa sinabi ni mrs. Castillo. Hindi ko kaya kung kaya ko na bang sabihin kay papa ang totoo. "Boto naman ako sa inyong dalawa dahil sabi ko nga sayo dati, sa nakikita ko mabuti kang bata."

"Salamat po." Ngumiti ako sa kanya.

"Thea, isang araw pala nakita ko ang papa mo."

"Talaga po?" Tumango naman si mrs. Castillo. "Akala ko po wala ng balak umuwi si papa ng Pilipinas."

"Iyon din ang inakala ko. Pero hindi ko naman siya inalipat dahil kasama niya ang kanyang asawa."

"May kapatid rin po ako sa side ni papa?"

"I have no idea, Thea dahil nakita ko lang ang asawa ng papa mo ang kasama niya. Wala siyang kasamang bata."

Pagkatapos namin makausap si mrs. Castillo ay nagpasya na kaming umuwi sa bahay.

Pagkauwi namin sa bahay ay laking gulat namin ni Sera nang makita si papa.

Galit na gali ang mga mata niya.

May alam na ba siya?

~~~

Hindi na muna ako makaka UD hanggang hindi pa ayos yung watty. May problema yata sila, eh. Sorry ah.

-Skye

My Gay HusbandOù les histoires vivent. Découvrez maintenant