Epilogue

4.8K 113 10
                                    

Four years later...

Nagising na lang ako dahil wala na sa tabi ko si Brett, baka maaga ang pasok niya ngayon kaya ang aga niyang magising. Pagkapunta ko sa kusina ay may narinig akong kalabog. Sino naman kaya ang tao sa kusina? Pagkasilip ko ay nakita ko si Brett nakasuot siya ng kulay asul na apron pero naka boxer short lang siya. Makakasala ako nito wala sa oras. Ang sexy pa naman ng likuran niya. Pero mukhang napansin na niya ang presensya ko at ngumiti siya sa akin.

"Good Morning, babe. Ang aga mo naman yata magising." Sabi niya. Binalik na niya ulit ang tingin  niya sa kanyang niluluto.

"Nagising ako kasi ang akala ko maaga kang pumasok ngayon."

"Hindi ako pinapasok ni head chef ngayon."

"Bakit naman?" Takang tanong ko.

"Sasabihin ko sana sayo kagabi pagkauwi ko pero maaga kang natulog."

"Ano ba iyon?"

"Pinapasali ako sa isang contest para sa mga magagaling sa pagluluto. Ako ang inaasahan nila sa laban."

"Wow. May tiwala talaga sayo ang mga kasamahan mo sa restaurant. Ang galing mo talaga, babe." Umupo na ako sa hapag dahil hinahanda na niya yung niluto niya. "Kailan ang laban?"

"Mamaya na yung laban."

"Wha--" Biglang sumakita ang tyan ko.

"Babe, ayos ka lang ba?" May pagpaalala sa boses ni Brett.

"Y-Yeah, ayos lang. Basta ang kailangan mo lang gawin manalo. Okay? Nandito lang kami ng mga anak mo para sumuporta."

"I will. Hindi ko kayo bibiguin na lahat." Ngumiti sa akin si Brett. Iyan ang kilala kong Brett. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang umbok ng tyan ko. "Baby, cheer for daddy too. Okay?"

And yes, I'm 5 months pregnant at babae na ang magiging anak namin ni Brett. Yung pangatlo kasi namin ay lalaki ulit. Mabuti nga pinagbigyan na kami ng anak na babae. Kaya lang sumakit ang tyan ko dahil nagiging makulit na ang bunso namin.

Binuksan ko na yung tv dahil live ang laban ni Brett sa ibang magaling na chef sa ibang restaurant.

"Nasa tv si daddy." Sabi ni Patrick, ang pangatlong anak namin.

"Siyempre, si daddy yata ang pinakamagaling na chef. At sigurado akong siya ang mananalo." Ngumiti ako sa sagot ni Seven. Manang mana talaga ang kambal sa daddy nila na hindi agad sumusuko.

Nakikita ko sa mukha ni Brett ang pagkaseryoso niya ngayon.

Kinagabihan, narinig ko na ang pagbukas ng pinto kaya sinalubong ko na siya. Alam ko si Brett na ito. Pagkabukas ng pinto ay si Brett na ang niluwa kaya sinalubong ko siya ng halik.

"Even you didn't win para sa amin ng mga anak mo ay ikaw pa rin ang champion." Sabi ko. Ngumiti sa akin si Brett.

Pumalakpak na rin yung mga bata sa likod ko. Lumalit na rin sila sa kanya.

"Congrats po, daddy." Sabay nilang tatlo.

"Salamat sa inyo. Kahit hindi ako nanalo full support pa rin kayo.

May narinig akong nagdoorbell kaya nagtataka ako dahil sino naman ang pupunta sa bahay sa ganitong oras. Tumingin ako kay Brett, kinit balikat siya.

"Ako na po ang magbubukas." Pagpresenta ni Jin. Binuksana niya yung gate. "Mommy, nandito na po si yaya Mint."

Si yaya Mint ay ang yaya ni Patrick noong baby pa siya. Noong nalaman ni mama na buntis ulit ako ay pinadala niya sa amin si Mint para tulungan akong alagaan si Patrick. Hanggang ngayon ay inaalagaan pa rin niya si Patrick pero pagdating ng kapatid nila ay hindi na siya ang aalagaan ni Mint.

Pumasok na ko sa kwarto namin ay narinig kong may kausap si Brett.

"Sorry kung tumawag ako sa ganitong oras, bro." Teka, boses ba iyon ni Wilfred?

"It's fine. Mag kailangan ka ba?" Tanong ni Brett sa kakambal niya.

"Yes, kasi malapit na yung birthday ni mama. I want to surprise her kaya wala akong sinasabihan na magbabakasyon ako diyan ng ilang araw. Ikaw pa lang ang sasabihan ko."

"Si Gab? Sinabihan mo na rin ba siya?"

"Kilala ko si Quinn baka sabihin niya kay mama yung surprise ko para sa kanya. Kaya isama ko na lang siya sa surprise include our father."

"Ano ang plano mo?"

Tuluyan na ako ng pumasok sa loob ng kwarto. At mukhang nakita ako ni Wilfred.

"Hi, sister-in-law." Kaway ni Wilfred pagkakita niya sa akin kaya lumingon si Brett sabay ngiti. Binalik na niya agad ang tingin kay Wilfred. "Back to topic, next week na ako babalik diyan para magbakasyon."

"Hanggang kailan ka dito?"

"Isang buwan ako diyan."

"I'm sure matutuwa si mama pag nakita ka ulit. Ang tagal mo na rin hindi umuwi sa bahay."

"Sorry, busy lang ako sa trabaho at marami rin ako ginagawa dito. Nakapag leave lang ako ng isang buwan para makasama ko ulit kayo. Gusto ko rin bumawi sa inyo ni Quinn."

Ngumuti na lang ako dahil naging maayos na talaga ang samahan nina Brett at Wilfred. Salamat naman kahit hindi ko pa sila nakikitang nagaaway pero hindi ko naman gusto makita silang magaway.

Ngayon na ang araw ang birthday ni mommy kaya pumunta kaming lahat sa mansyon para mag-celebrate.

"Oh my. Buntis ka, hija?"

"Yes po." Ngumiti ako.

"Happy birthday, lola." Bati ng tatlong apo ni mommy. Nag-mano na rin sila.

"Thank you sa inyo."

Nagsimula na kami kumain pero hindi ko alam kung anong oras dadating si Wilfred.

May narinig na akong parating pero busy naman sila sa kwentuhan kaya hindi nila napapansin.

"Surprise!" Pagsulpot ni Wilfred. Lumingon si mommy.

"Wilfred?" Tumayo na siya sabay yakap sa anak. "Mabuti naman naisipan mong umuwi."

"Of course, mama. Gusto ko rin po bumawi sa inyo."

"Hanggang kailan ka dito, Sebastian?" Tanong ni daddy.

"Isang buwan po, pa. Kailangan ko rin po kaagad bumalik sa California."

"Sulitin na natin habang kumpleto tayo ngayon." Sabi ni mommy. Masaya siya ngayon dahil kumpleto ang mga anak nila.

Pinakilala ni Brett kay Wilfred ang mga bata. Natuwa naman ang tito Wilfred nila sa kanila

~~~~

Iniba ko lang yung story ng epilogue. :)

Don't forget to support My Bad Boy Prince. Wilfred's story.

-Skye

My Gay HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon