Chapter 4

3.4K 94 1
                                    

Orion's POV

"So, it's true you're engaged, brother." Ani Wilfred na may kasama pang ngisi sa mga labi nito. Tsk. Akala mo kung sino na. Hindi porket siya yung paborito ni papa ay magiging ganyan na siya.

"Ano naman sayo? And it's not your business, Will."

"Yes, it's not my business. Kaya nga ako pumunta dito sa inyo dahil gusto ko kausapin si mama. Nandiyan ba siya?"

"Wala." Walang gana kong sagot. Wala naman talaga si mama ngayon. Namili siya ng mga lulutuin kasama si Gab.

"Okay, ibigay mo na lang itong invitation sa kanya." May inabot sa aking invitation itong si Wilfred. "Kung gusto mo pumunta, pwede ka naman pumunta."

"Bakit naman ako pupunta sa grand opening ng sarili mong ospital?"

"Hindi rin naman kita iimbitahin, eh."

"I prefered date my fiancee than going to your grand opening." Naka cross pa ang mga arms ko. Kumukulo na talaga yung dugo ko sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha ni Wilfred.

"And have you ever heard? Siyempre, hindi pa." Kumunot ang noo sa sinabi niya. "Ikakasal na ako kaya lang hindi pa pumapayag yung bride ko."

Napalaki yung mga mata ko. Ikakasal na itong kumag kong kapatid? Pero ang sabi niya hindi pa pumapayag yung bride.

Naalala ko bigla yung sinabi ni Sera yung pangalan ng papakasalan niya. Wilfred. Wilfred ang pangalan ng kapatid kong ito, hindi kaya...

Talagang hindi ako papayag na matuloy ang kasal nila. Hindi ako papayag matuloy magpakasal ang babaeng mahal ko sa hiyapukan na ito.

"Alis na ako but don't forget to give that invitation to mom ah? Lagot ka sa akin." Nakita kong sumakay na siya ng kotse niya. Mabangga ka sana.

Masama na kung masama. Galit talaga ako sa kanya. Hindi ko na iniisip na mas matanda siya sa akin ng isang minuto. Yeah, I hate to admit he is my twin brother. Kahit kakambal ko si Wilfred ay hindi kami nagaaral sa isang paaralan. Sa abroad siya nagaaral at ako naman dito sa Pilipinas

Balik sa problema ko, ano ang gagawin ko kung si Wilfred nga iyon lalaking papakasalan ni Sera?

Gagawin ko na yung isa pang plano ko? Ang magpakasal na kami ni Sera? Para naman wala ng choice ang lolo ni Sera at hindi si Wilfred ang magiging asawa niya, kundi ako.

Nakita ko ng bumalik na sina mama at Gab galing grocery kaya tinulungan ko si mama buhatin yung mga pinamili nila. Nilagay ko na sa counter yung nga pinamili.

"Aba, halos pagkain mo lahat ito, Gab ah." Inaayos ko na kasi para ilagay kung saan ilalagay yung nga pinamili.

"Hindi lang iyan para sa akin, kuya. Siyempre, meron ka rin diyan."

Napangiti ako kay Gab. Kaya mahal na mahal ko itong kapatid ko, eh.

"Ma, pumunta po pala dito si Will kanina." Sabi ko. Napatingin naman sa akin si mama.

"Bakit daw?"

"Pinamimigay po niya itong invitation sa inyo." Inabot ko kay mama yung invitation.

"Grand opening ng sarili niyang ospital?"

"Yes po. Pupunta po ba kayo?"

"Imbitado ka ba rin ba niya?"

"Hindi po." Tumalikod na ako kay mama para ituloy yung pagluluto ko. "Wala rin naman akong balak pumunta."

"Hindi rin ako pupunta dahil ang gusto ko kumpleto tayong tatlo."

"No, ma. Pumunta na po kayo ni Gab doon baka kasi magalit sa akin si Will at baka kung anu-ano ang sasabihin sa akin."

My Gay HusbandWhere stories live. Discover now