Chapter One

3.2K 90 6
                                    

Alas singko pa lang nang umaga gising na si Gabriel para mag simula nang araw nya. Pagkagising nya ay inayos na nya ang pinag higaan at inilagay sa lagayan nya ang mga ito.

Napakalinis ng kwarto ni Gabriel ang mga gamit ay nasa tamang lagayan, well organized sya sa mga gamit. Pagkatapos nyang makapagligpit ay kumuha sya ng damit sa cabinet.

Makikita mong ang damit nya ay nakasalansan mula sa pinaka ilalim ay mga dark color  hanggang sa puti sa pinakataas. Maging ang mga pants at short nya ay ganun din.

Maayos nyang inilapag nang nakatupi sa kama ang pinili nyang suotin, saka nagtungo sa banyo para maligo. Tahimik at madilim pa ang buong paligid tanging lagaslas ng tubig na nagmumula sa banyo ang maririnig mo at kaunting liwanag mula dito ang makikita.

Tumigil na ang lagaslas ng tubig na nagmumula dito at maya maya pa ay lumabas na si Gabriel na nakatapis nang tuwalya sa ibabang bahagi ng katawan. Tumutulo pa ang tubig na galing sa kanyang buhok pababa sa kanyang dibdib. Yumuko ito at inayos na isinandal ang tsinelas nyang ginamit bago pinatay ang ilaw.

Lumapit sya sa higaan nya at kinuha ang damit na nakapatong dito saka nagbihis. Kulay puting polo shirt at slacks na itim ang napili suotin. Simple lamang ito manamit at hindi maluho.

Pagkatapos nya mag bihis ay isinampay nya ang tuwalya sa sampayan at sinimulan imisin ang kanyang ginamit at tumuloy palabas ng kanyang kwarto.

Tamang tama lamang ang paglabas niya dahil magsisimula na magdasal ang mga katulad nyang seminarista. Lahat ay patungo na sa kapilya kung saan ay lagi sila nagdarasal. May magkakagrupo na nag uusap habang naglalakad.
Pang huling taon na nj Gabriel ngayon bilang seminarista halos isang buwan na lang at magiging ganap na syang pari.

Pagpasok nya sa kapilya ay tahimik ang lahat na naghihintay at nakaupo sa upuan habang hinihintay ang iba na makaupo sa kanya kanyang pwesto.

Sa bandang unahan ang napiling pwesto ni Gabriel at umupo din sa tabi nito ang matagal na nyang kaibigan na si Alexander. Kasabay nya itong pumasok sa seminaryo at tulad nya ay huling taon na rin nito. Nag iisa itong anak at galing sa isang buena familia. Ang kwento nito sa kanya ay sakitin daw ito ng maliit pa kaya naman naipangako ito ng magulang na mabuhay lamang ay pagpapariin nila ito. Hindi naman labag sa loob nito ang desisyon ng magulang kaya siguro nakatagal din ito.

"Ngayong araw pala pwede na tayo makadalaw sa mga pamilya natin." sabi ng kaibigan nitong si Alexander habang nakatingin ito sa harapan.

"Oo dadalawin ko si mama mamaya ilang taon ko din sila hindi nakita." Kaswal na sagot ni Gabriel habang inaayos ang mga libro.

"Sabay tayo mamaya brother ha." Sabi nya sabay mahinang tapik sa braso. Sinara na ang pinto ng silid dasalan sinyales na mag uumpisa na ang pang umagang pagdarasal.

Halos isang oras din ang tinagal nila dahil sa mga iba pang minsahe. Magkasabay lumabas si Alexander at Gabriel sa silid at pinag uusapan ang oras ng kanilang alis. Lahat sila ay magiging abala para sa paglabas mamaya.

Dumiretso si Gabriel sa kwarto para ilabas ang mga gamit nito  na naayos na nung mga nagdaang araw. Hinihintay na lang nya si Alexander para maka byahe na.

Matagal nag ayos ng gamit nya si alexander kaya inabot na sila nang tanghali bago nakasakay.

Ayaw talaga ni Gabriel ang laging nahuhuli sa oras.  Ang mga gawain nito sa buong maghapon ay maayos nitong pinaplano at nakaset kaya naman hindi ito nahuhuli sa ano mang gagawin nya.

Gabi na nasa lansangan pa si Gabriel. Malayo layo din ang byinahe nya.

Alas onse na at halos wala na ring tao, mga tindero at ilang kabataan na tambay na lang ang makikita mo. Nang malapit na sya sa village kung nasaan ang bahay nila ay may nakita syang kumpol ng mga lalake na nakaupo sa hood ng mga sasakyan nila, mga lasing at tila nagkakasayahan, makikita mong may mga sinasabi ito sa buhay dahil sa mga klase ng sasakyan na gamit nila at meron silang pinagkakatuwaan.

Fated to Love YouWhere stories live. Discover now