Chapter Three

1.7K 66 5
                                    

GABRIEL

Hindi ako nakatulog magdamag kinaiisip sa ginawa ko. Nakahiga man ako sa aking kama ay gising na gising naman ang aking diwa.

Isang napakalaking pagkakamali. "Anong dapat kong gawin? " napasabunot ako sa sobrang pagkalito.

Napabuga ako ng hangin at tumingin sa orasan na nakasabit sa dingdng malapit sa bintana. Mag aala- singko na ng umaga pero wala parin akong tulog.  tumayo na lang ako at inayos ang aking hinigaan at lumabas sa kwarto. Pupuntahan ko sya para makausap.

Pumunta agad ako sa guest room. Kumatok ako sa pinto ng ilang beses pero walang nagbubukas ng pinto kaya pinagpasyahan kong buksan ito. Pero walang tao ang sumalubong sa akin. Tinungo ko ang banyo at ilang beses kumatok nagbabaka sakaling nandun sya. Pero katulad din kanina wala ring sumagot. Nakakapagtaka naman at wala ito.

Lumabas ako ng kwarto para tingnan ang buong bahay pero bigo akong makita sya. May kirot sa dibdib ko ng hindi ko na sya matagpuan sa hindi ko malamang dahilan. Napailing na lang ako ng ulo ko. " Bakit dahil ba sa pinagsaluhan nyo kaya ganyan kana?" Kastigo sa akin ng isip ko pero hindi ko binigyan pansin dahil mas nanaig sa akin ang pag asang makita ko sya.

Tinungo ko ang pinto palabas ng bahay magbabaka sakaling mahanap o maabutan ko sya sa labas. Pag bukas ko ay bumungad sa akin ang aking ina na halata ang pagod, puyat at pag aalala sa mukha.

"Ma, anong nangyari sayo? Si Jessie bakit di nyo kasama?" Nagtatakang tanong ko dito at tiningnan kung kasunod nya ang kapatid ko.

"Ang kapatid mo anak nasa ospital sya." Naluluha nitong sabi.

"Anong nangyari ma?" Nag aalala kong tanong kay mama at niyakap ko ito?

"May sakit daw ang kapatid mo, rare condition daw yon na iniisip ng isang pasyente na nag aanyong hayop sya. Mental condition daw yon anak basta may tunog lycan." Sabi nya habang naiyak ito. Naawa ako sa kalagayan ni mama kaya wala akong nagawa kundi yakapin na lang sya.

"Wag kana umiyak ma. Sasamahan kita mamaya pagdalaw kay jessie. Magpahinga ka muna." Akay ko dito papunta sa kwarto nya.

"Sige anak pasensya kana hindi manlang kita nasundo o naipag luto man lang." Nahihyang sabi ni mama.

"Okay lang yon ma, kaylangan ka ni jessie kaya ayos lang." Hinawakan ko ang braso nya at pinisil ito ng mahina.

"Sige anak magpapahinga muna ako para makabalik tayo mamaya."

"Sige lang ma." Tumalikod na si mama at pumasok na ito sa kwarto nya.

Naglakad ako papunta sa sala at napaupo sa sofa. Napahilamos na lang ako ng aking mukha at pinatong ang mga siko sa tuhod ko. Ano ng nangyari? Sunod sunod na ang problema.

Nakalimutan ko na syang tingnan sa labas. Isa pa yung babaeng yon bakit kaylangan umalis ng walang paalam. Napabuntong hininga na lang ako at tumayo.

Naglakad ako papunta ako sa kwarto kung saan sya tumuloy. Pag bukas ko ng pinto ay sumalubong sa akin ang naiwan nyang amoy sa kwarto.

How can i forgot her smell? Her strawberry scent lingered to my nose all night. Jusko!  "Yan ba ang naging epekto ng pinaranas nya sayo. Nagiging makamundo ka na?" heto nanaman ang pagkakastigo sa akin ng isip ko. Napahilamos na lang ako. Napansin ko and blood stained na naiwan sa bed sheet naiwang tanda ng nangyari kagabi. Tinanggal ko ang bedsheet para ilagay sa labahan ng malaglag ang bag sa sahig.

Agad kong kinuha to. Sigurado akong bag nya to. Naupo ako sa gilid ng kama at binuksan ito nagbabalasakaling may pagkakakilanlan ako sa kanya.

Pagbukas ko ay nakita ko sa loob ang hair brush, make up kit, cellphone, wallet at isang kapirasong tela na kulay pula. It looks like lace. Napakunot ang noo ko sa nakita. Makatuyo ba ng pawis ang lace kakaiba namang panyo ng babaeng yon.

Kinuha ko agad ang wallet at tiningnan kung may ID ba sya. Pag hugot ko ng wallet nito ay sumama ang panyo nya at nahulog sa sahig nang damputin ko ito ay hindi ko mapigilang hindi panlakihan ng mata.

Hindi pala panyo. Jusko! Kaya pala wala syang suot kagabi nasa purse nya. Napakaliit at tila see thru parang wala na rin kayang takpan at kita mo rin lahat.

"Gabriel? anak!" Narinig kong tawag ni mama sa akin. Nataranta ako baka makita ni mama ang hawak ko siguradong hindi maganda iisipin nun kaya mabilis kong itinago ito sa bulsa ng short ko at pumunta agad sa pinto ng kwarto at binuksan ito.

Nagulat pa si mama ng biglang bumukas ang pinto.

"M-ma bakit?" Natataranta kong tanong kay mama.

"Kumain ka na ba? Gusto mo ipagluto kita bago ako matulog?" Nag aalalang tanong ni mama pero kita ang pagsusuring tingin nito.

"W-wag na ma ako na bahala." Sinusubukan kong kumalma sa harap ni mama. Pero ung pawis ko sa noo namumuo na sa sobrang kaba.

"Ayos ka lang ba anak?" Tanong nito sa akin habang sinusuri ako ng mga tingin nya.

"Uhm! Oo ma. Ayos lang ako." Pilit kong pagpapakalma sa sarili ko bago sumagot.

"O sya matutulog na ako." Pagkasabi nito ay bumalik na ito sa kanyang kwarto.

Pagtalikod ni mama ay pumasok ulit ako sa kwarto at isinara ang pinto. Nakahinga ako ng maluwag at sumandal sa pinto.

Nang makabawi ako ay bumalik ako sa kama at umupo. Tinuloy ko ang ginawa kong pagtingin sa wallet nya.

Nakita ko dun ang isang drivers license agad ko tong kinuha at tiningnan.

"Georgina Devorah Walker." Napabuntong hininga ako at napangiti habang nakatitig sa picture nya.

Buti naman at nakakuha ako ng pagkakakilalanlan ko sa kanya. Ibinalik ko ang wallet nya sa bag at  tumayo na ako at lumabas sa guest room bitbit ang bag nya.

Pag kagising ni mama nung hapon ay pumunta kami sa ospital kung saan daw ililipat si Jessie mas makakabuti kay jessie kung nanduon sya. Habang nasa byahe kami ramdam ko ang mabigat na emosyon ni mama.

"Ma may awa ang Dios. Tutulungan nya tayo. Hindi nya ibibgay sa atin ang problemang to kung hindi natin kaya. Marahil may mas magandang plano Sya kaya nangyayari to." Hinawakan ko ang kamay ni mama at marahang tinapik.

"Salamat anak." Naiiyak at halatang malungkot na boses ni mama.

Dumating kami sa institusyon kung saan nila dinala si jessie. Kasalukuyang pinaliliwanag sa amin ng isang doktor na may hawak sa case ni jessie ang kausap namin para ipaliwanag ang kalagayan nya.

"Your sister suffering a rare psychiatric problem. Which we called clinical lycanthropy. Naniniwala sya na nagiging werewolf sya. She became delusional these past few days. Kaya pinadala na sya dito for her own safety."

Tinitingnan ko ang kapatid ko sa isang glass window. Mukha syang walang tulog at pagod. Tahimik lang syang nakaupo. Maya maya ay bigla na lang ito naging balisa naging mabigat ang bawat paghinga nya, nagtaas baba ang mga balikat nya na pra bang nagpipigil  ng sobrang emosyon.

Napahawak sa pagitan ng leeg at ng balikat nya. Hanggang sa sumigaw na ito at napaluhod ito sa sobrang sakit hindi ko man marinig ang sigaw na dahil sa saradong kwarto nya makikita mo sa reaksyon ay kilos nya na nakakaranas ito ng sobrang sakit. Mabilis syang dinaluhan ng mga nurse attendant para tulungan. Gusto ko man syang tulungan ay wala akong magawa, hindi kami pinayagan na lumapit sa kanya. Lahat ng nagtangkang kumapit sa kanya ay tinutulak nya kaya naman sabay sabay silang lumapit dito, at pinagtulungan nilang hawakan si jessie at ang isang nurse na may hawak na injection ay  itinurok sa kanya.

Maya maya ay kumalma si jessie at nawalan ito ng malay.

"Wag kayong mag alala, sedative lang yung tinurok sa kanya para kumalma sya." Paliwanag ng doktor sa amin.

Umiiyak si mama sa tabi ko. Parehas kaming naawa sa kalagayan ni jessie. Pero wala kaming magawa kundi ang tingnan na lang sya mula dito sa labas.

"Magiging ayos lang si jessie ma."

Dapat na siguro ako mag desisyon sa lalong madaling panahon.

Fated to Love YouWhere stories live. Discover now