chapter Seven

1.2K 48 1
                                    

frosteegirl thank you sa pagbabasa this chapter is for you.

Nag stay kami ni Georgina sa sala. Nag laro kami ng board para malibang sya. Pero dahil ayaw pumayag na natatalo ko na sya ay umayaw na ito kaya nanuod na lang kami ng movie. Nakaupo kami sa sofa at kumakain habang nanunuod. Tawa sya ng tawa sa pinapanood namin. Hindi nakakasawang tingnan ang mukha nya. Seeing her this happy makes my heart beat so fast.

We enjoyed the moment together ng may kumatok sa pinto.

"Stay here titingnan ko lang kung sino." Tumayo ako at tinungo ang pinto. Sumunod sa akin si Georgina. Pagbukas ko ng pinto ay walang emosyong mukha nung lalakeng kasama ni Georgina sa picture sa cellphone nya.

Matalim itong nakatingin sa akin na akala mo may nagawa akong mali sa kanya. Mabilis na lumapit sa kanya si Georgina.

"I'll wait for you or i'll go to your house?" Tanong ko kay Georgina na lalong nagpasama ng tingin sa lalaking sumundo sa kanya.

"Kuya don't scared him." Sabi ni Georgina.

Napangisi pa ito at tumingin sa akin. "Why? Are you scared of me? Tanong nito na para bang sinusubok ako.

"No! Why would I? I'm not doing anything wrong." Direkta kong sagot dito habang nakatingin sa mga mata nito.

Matagal bago sya ulit nagsalita. "Mauna na kami and one more thing. Don't try to go near in our territory. You might got yourself killed." Walang emosyong sabi nito at hinila na si Georgina papunta sa sasakyan nila.

Lumingon pa sa akin si Georgina at tipid na ngumiti sa akin. Pinanood kong papaalis ang sasakyan nila bago ako pumasok sa loob ng bahay para iligpit ang mga pinag kainan namin. Naglinis ako ng bahay bago nagpasyang maligo.

Pupunta ako sa kapatid ko ang sabi ni mama ay medyo okay na ang kalagayan ni jessie. Makakausap na daw ito at kalmado na.

"Jessie kamusta kana?" Nag aalala kong tanong sa kapatid ko.
"Okay lang ako kuya, pasensya kana kung nag aalala kayo ni mama sakin." Malumanay na sagot nito. Malayong malayo ang itsura nito sa dati.

Hindi ko na makita ang masayahin at maliksi kong kapatid. Ngayon ay pumayat ito at lumalim ang mga mata. Mukha na itong matamlay.

"Gusto mo bang mag kwento kay kuya anong nangyari?" Mahinahon kong tanong dito at hinawakan ang mga kamay nito.

Tumitig lang ito sa akin at naiiyak ng mag salita ito."Pauwi na ako nun kuya galing sa trabaho. Naglalakad ako pauwi ng may humarang saking lalake. Hindi ko naman makita ang mukha nya dahil madilim." Tumigil ito at nagsimulang tumulo ang mga luha " tapos nilapitan nya ako at kinagat na lang bigla." Ipinakita nito ang kagat sa balikat nya. Hilom na ito pero bakas parin ang marka ng kagat dito. Para itong kinagat ng aso.

"Tapos nawalan na ako ng malay. Pag gising ko nasa ospital na ako at ginagamot. Nung una okay naman ako kaso pagkaraan ng ilang araw nag sisimula na ako makaramdam ng hindi maganda. Parang may nagbago." At tuluyan na nga itong umiyak.

Niyakap ko ito at hinaplos ang kanyang buhok."shh.. Tahan na wag mo na ituloy. Dito lang kami ni mama. Magpagaling ka para makauwi kana okay?" Sabi ko dito habang pinupunasan ang luha nya. Tumango naman ito bilang sagot.

Nagtagal ako dun habang wala pa si mama. Pinauwi ko muna ito para makapag pahinga at maipag handa si Jessie ng mga kailangan nya. Matagal na rin dito si Jessie at sana talaga ay makauwi na si Jessie.

Nang dumating na si mama ay umalis na rin ako. Pumunta ako sa simbahan para magdasal sa kagalingan ni Jessie at patnubay sa amin ni Georgina.

Nagpunta kay father Louie para sabihin na kung ayos lang ay sya ang mag kasal sa amin. Simpleng kasal lang ang gusto ni Georgina hindi ko alam kung bakit. Pero iginalang ko na lang ang desisyon nya. Kaylangan ko matapos ang mga dapat kong gawin dahil kinabukasan ay may pasok na ulit ako sa paaralan na tinuturuan ko.

Gabi na rin ng makauwi ako habang nag lalakad ako papasok sa village ay napansin kong may sumusunod sa akin. Hindi ko na lang pinahalata na alam kong nakasunod sila. Hinihintay ko silang lumapit pero bigla itong nawala.

Ipinag kibit balikat ko na lang ang nangyari tutal ay wala naman nangyari sa akin. Baka hindi naman talaga ako ang pakay nila.

Fated to Love YouWhere stories live. Discover now