Chapter Four

1.4K 56 2
                                    

Kinabukasan pagkagaling ko kay jessie ay pinagdesisyunan kong pumunta sa seminaryo. Kaylangan ko gawin ang tama, pakiramdam ko hindi na ako karapat dapat sa propesyon ko sa nagawa kong mali.

Kaylangan ko kausapin ang isa sa aming formator para sabihin hindi ko na itutuloy ang regency ko dahil hindi na ako babalik pa sa seminaryo.

Alam ko it sound weird na i give up ko lang ang plano ko dahil lang sa nagyari. But sex isn't just about pleasure or romance, it's sacred. Hindi ako patutulugin ng konsensya ko kung hahayaan kong ipag patuloy ang buhay ko sa kabila ng nangyari samin ni georgina. Napabuntong hininga na lang ako.

Naglalakad ako sa pasilyo ng palabas kasama si father louie. "Pano anak mag iingat ka sa labas."

"Salamat po father." May himig na lungkot ang boses kong nagpaalam sa kanya. Malapit ako kay father Louie pag may problema ako o pinanghihinaan ng loob sa kanya ako nakikipag usap.

"Wag mong isipin na isang pagkakamali ang nangyari, sabi nga lahat ng nangyayari ay may dahilan. Baka hindi ka lang talaga nakalaan dito sa loob. Baka may mas maganda ang plano ng Dios sayo sa labas." Malumanay na paliwanag sakin ni father Louie.

"Thank you po father. Hindi ko lang ho maiwasan isipin."

"Hindi lang naman tungkol simbahan at seminaryo ang paglilingkod sa Dios. Pwede ka parin maglingkod sa Kanya sa maraming paraan. Wag mong isipin na isang negatibong bagay ang mga nangyayari." Marahan nya akong tinapik sa balikat at ngumiti.

Gumaan ang loob ko sa sinabi nya sa akin. "Maraming salamat po ulit. Uuwi na rin ho ako at malayo layo pa ang byahe ko." Pagkasabi ko ay nag mano na ako at umalis.

Halos isang linggo na rin ang nakakaraan. Kahit busy ako sa loob ng isang linggo na yon ay hindi nawala sa isip ko si georgina. Naging busy ako sa pag asikaso sa kapatid kong si jessie at pag hahanap ng trabaho.

Natanggap ako sa isang paaralan para maging isang guro. Medyo mahirap mag adjust lalo't matagal ako sa loob ng seminaryo.

Kauuwi ko lang sa bahay, mamayang hapon ay dadalawin ko ulit si jessie. Medyo nakakausap na si jessie pero madalas sumpungin sya ng kung anong masakit sa kanya.

Susubukan ko ulit sya kausapin kung ano bang nangyari bakit sya nagkaganun. Baka sakaling maging makatulong para sa pag galing nya.

"Lalim ata ng iniisip mo." Napalingon ako kay mama na may dalang juice.

"Ayos lang ako ma, medyo nag aalala lang ako sa kalagayan ni jessie." Sagot ko at kinuha ang dala ni mama at nilagay sa center table.

"Wag mo masyado paka isipin anak. Masyado ka ng ginugulo ng sitwasyon kaya pati pagpapari mo tinalikuran mo na." Makikita mo ang pag aalala sa mukha ni mama.

"Hindi ko naman kayo pwede pabayaan ni jessie. Saka isa pa hinahanap ko si georgina." Mahina kong sabi kay mama na medyo ikinabigla nya.

"Sino naman yon anak?"

"Sya yung babaeng tinulungan ko nung nakaraan ma. Lasing na lasing sya at pinagtitripan ng mga lalake. Hindi ko naman alam kung san sya nakatira kaya dinala ko dito. May nangyari samin ma."

Hindi nakakibo si mama parang inaabsorb pa nya ang narinig nya. "Kaya ka ba lumabas ng seminaryo?"

Tumango ako at napa hilamos ng palad ko.

"Gawin mo anak ang sa tingin mong tama. Suportahan kita." Marahan akong tinapik sa balikat at ngumiti sa akin.

Pumasok ako sa loob ng guest room at humiga sa kama hindi ko rin alam bakit dun ko pinili humiga. Nag iisip ako ng mga dapat kong gawin at kung saan ako mag uumpisa ng paghahanap ko. Kaylangan ko ng umpisahan ang paghahanap sa kanya masyado ng matagal ang isang linggo.

Isang linggo na ang nakalipas pero parang kahapon lang nangyari. Naaamoy ko pa rin sa unan na to ang pabango nya. I shut my eyes, wrong move dahil mukha nya parin ang nakita ko. Inis na umupo ako sa kama at napabuntong hininga habang ginugulo ko ang buhok ko.

Its not helping kung dito ako maglalagi. Kaya mabilis akong lumabas at pumunta sa kwarto ko. Kahit anong gawin ko magulo ang isip ko kaya naisipan ko na lang magdasal.

Lumuhod ako sa gilid ng kama at nag sign of the cross at pumikit ako. Prayer helps me a lot lalo na kung nahihirapan akong magdesisyon. Nagkakaroon ako ng kalinawan sa mga bagay bagay. Pagkatapos ko magdasal ay umupo ako sa kama. Napatingin ako sa bag na nakapatong sa ibabaw ng study table ko.

Bag yon ni georgina na naiwan nya. Mabilis kong kinuha at binuksan. Tiningnan ko ang address sa Driver's license nya. Tama susubukan kong puntahan yung address na nakalagay sa ID nya. Sabado bukas kaya pwede kong subukan kung dun parin sya nakatira.

Nakaramdam ako ng ginhawa, may chance na makita ko sya bukas. Napangiti ako sa ideya na yon. Nakita ko ang cellphone nya na nasa bag kinuha ko ito at pinindot ang on/off botton nag babakasakaling buhay pa ito.

Umilaw ito at naghintay ako ng ilang sandali. Maya maya ay nakita ko ang mukha nya sa screen. Nakita kong masaya syang nakangiti. Nakakahawa ang ngiti nya. Binuksan ko ito at tingnan ang gallery. Marami siguro syang picture.

Napaka rami nyang picture tiningnan ko isa isa. Nalilibang ako katitingin sa mga picture nya may naka ngiti at meron din weird ang itsura, natawa pa ako sa isa nyang picture may parang nakadikit na ilong at tenga ng aso. Kahit pinapapangit nya itsura nya mas nagiging maganda sya. Her beauty is effortless. Without any trying she looks perfect.

Pinagpalutoy ko ang pagtingin sa mga pictures nya. May nakita akong isang picture na umagaw ng atensyon ko. Nakapasan sya sa lalake habang nakayakap sa leeg nito. Masaya sila tingnan sa picture para bang napaka lapit nila sa isat isa. Makikita mong totoo ang ngiti nila at hindi pilit.

Parang nainis ako sa nakita ko. Kaya tinabi ko na lang ang cellphone nya baka kung ano pa makita ko at lalo lang ako mainis. Inilapag ko sa side table ang cellphone nya.

Nilibang ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa ng libro. Lagi na lang kasi sya laman ng utak ko baka pag hindi ko nilibang sarili ko mabaliw na ako ng tuluyan.

Madaling araw na rin ng makaramdam ako ng antok. Kaylangan ko pa gumising ng maaga para pumunta kay georgina.

Magkikita ulit tayo georgina, soon.

Fated to Love YouOnde histórias criam vida. Descubra agora